Monday, October 11, 2010

Ten Ten Tenenen!!!!

Ika-10 ng Oktubre, 2010.
Ordinaryong petsa. Walang kahit anong
okasyon o idineklarang Holiday sa araw
na ito pero maraming tao ang nagpahalaga
sa petsang ito. 10-10-10 ang katumbas
nito sa numero ng kalendaryo. "Three of
a kind" sabi nga ng sugarol. Minsan lang
mangyari yan sa kalendaryo. Kaya siguro
espesyal ito sa karamihan.

Sa Pilipinas kung saan maraming tao ang
naniniwala sa swerte tulad ng maswerteng
kulay, numero, alaga, araw at kung
anu ano pang swerte, e maswerte ang araw
na ito. Maswerte daw ang mga sanggol na
ipinanganak sa araw na ito. May kaibigan
akong nanganak kaninang madaling araw.
Malas ko at ninong na naman ako. Sana
lang at hindi "Ben 10" ang maging ngalan
nya. Sa mga mahilig tumaya sa lotto at
jueteng, baka may tumaya pa ng "pati-pato"
sa pag-asang maging instant milyunaryo.
Wag naman sana. May ilan din sigurong
nagbukas ng negosyo, hindi ko lang alam
kung maswerte ito para sa kaibigan nating
mga Tsino. Ang alam ko lang e malaki
ang impluwensya nila sa kulturang Pinoy
kung pag-uusapan ang swerte.
Isa sa nagpaingay sa petsang ito ay ang

panawagan para sumali sa takbo para sa
ilog Pasig, isang fund raising event
para sa layuning muling buhayin ang ilog
Pasig. Marami ang tumugon at sa huling
bilang na 116,086 na umabot sa finish
line ay nakuha pa nating i-break ang
Guinness World Record for the most
participants in a footrace na naitala
at matagal ding hawak ng San Francisco
mula pa noong 1988. Hindi ko nga lang
alam kung hawak din natin ang world
record ng pinakamadaming kalat sa daan
matapos ang event na ito. Sana lang e
hindi matabunan ng record breaking
event na ito ang tunay na layunin ng
pagtakbo. Marami man ang sumali mula
sa iba't ibang sektor ng lipunan e alam
kong kaunti lang ang tututok sa misyon.
Sana lang swertehin sila dahil 10.10.10.
Hangga't may pabrika at informal
settlers sa paligid ng ilog e hindi
malilinis ang ilog. Alam na natin yan.

Ano nga ba ang swerteng dulot sa akin
ng araw na ito? May dahilan ba para
ituring na espesyal ang maghapon dahil
lang sa numerong 10.10.10?
Pilipino din ako at minsan ding naniwala

sa swerte. Kung ako ang tatanungin,
ordinaryong number pattern lang ito.
Noong isang taon, 9.9.9 o September 9,
2009, tapos sa isang taon 11.11.11 naman
o November 11, 2011. Sa pagtatapos ng
araw, nagbalik-tanaw ako kung sinwerte
nga ba ako sa maghapon.

Wala pang 6AM e gising na ako,
maaga kasi akong natulog.
USI sa TV5 ang huli kong napanuod
at hindi ko matandaan kung 10PM yon.
Maaga ang gising ko kumpara sa ibang
ka-edad ko na walang pasok.
Naniniwala ako na tayo mismo ang

gumagawa ng sarili nating swerte kaya
dapat e simulan ang araw ng tama.
Konteng good morning. Madalas sa text
at sa nanay ko lang sinasabi ito.
Ilang minuto lang ang lumipas, may
tumawag mula sa may gate. "Ate.. Ate!",
sabi nya. Sanay akong kapitbahay namin
ang tumatawag ng ganon sa nanay ko
kaya walang sabi sabi e binati ko sya
ng good morning sabay silip sa pinto
sa pag-aakalang sya nga yung kapitbahay
namin. Nagulat ako kase sya pala yung
batang nagtitinda ng sampaguita araw
araw. Medyo napahiya ng konte dahil
alam kong pareho kaming nagulat pero
natuwa na din dahil maganda naman ang
tugon nya at alam kong parehong gumaan
ang pakiramdam namin sa umagang yon.
Maliban sa reply ng kras ko sa selpon
e isa ito sa di inaasahang pangyayari
sa umagang yon.

Kelangan kong magpunta ng SM Bicutan
para tumingin kung anu-ano pang pwedeng
pag-ipunan maliban sa hard disk na una
sa listahan ko. Dahil sa maaga din
naman akong nagising, naisip ko na din
magsimba. Hindi ko alam kung bakit pero
naisipan kong magsimba. Wala akong
sakit. Katoliko ako pero alam kong hindi
ako mahilig magsimba. Lagi kong
sinasabi na balewala ang pagsisimba
kung hindi ito bukal sa kalooban ng
nagsisimba. Kahit ang Diyos ay hindi
ka pinipilit magsimba para sa kanya.
9AM ang misa sa SM Bicutan bago pa
magbukas ang mall. Late akong dumating
sa misa. Hindi ko din matandaan kung
nagbabasa ba ng Gospel ang pari o
nagsesermon nang dumating ako pero,
nakaramdam ako ng "guilt". Tulad ng
sinasabi ko, nabalewala ang simba ko
dahil late ako. Aminado din akong
hindi talaga misa ang pakay ko. Masabi
lang na nagsimba ako -- kahit paano.
Na-guilty ako at nakisalo sa tirang
biyayang 9AM pa lang e pinagsasaluhan
na ng mga nauna. Tulad ng dati, syempre
sapul na naman ako sa sermon ng pari.
Hindi na ako magbibigay ng reflection
ko sa gospel, basta ang alam ko lang
e isa rin ako sa mga taong humingi,
biniyayaan pero nakalimot magpasalamat.
Sa mga hindi nga pala nakapakinig ng
Gospel, sana gumagana itong link:

http://www.abs-cbnnews.com/daily-gospel/10/09/10/gospel-october-10-2010-sunday

Hapon, DOTA time. Ito ang isa sa mga
pinaka-popular na laro ngayon. Pwedeng
laruin online via GArena pero mas
masarap laruin sa Local Area Network.
Mas masarap ang laro pag may asaran.
Masaya kahit mainit at pinagpapawisan
sa loob ng suki naming computer shop
at may mga di mapigilang magyosi.
Kung swerte o malas din lang naman ang
pag-uusapan sa araw na ito e minalas
yata kami. Sa tuwing makalalamang o
mananalo kami e nagkakaroon ng di
inaasahang "tigil laro". May maalamat
na fatal error, may badtrip na computer
na magrerestart, at may error na
ang panira ng laro. generic host lang
ang natatandaan ko sa error message,
tapos send error report at don't send.
Malinaw lang na hindi ka pa panalo
hangga't di pa tapos ang laban. Kahit
ano pwedeng mangyari lalo na sa totoong
buhay. Akalain mo nga naman, pati sa
DOTA nakahanap pa ako ng konteng
panggising. Sa 6 hours na nilaro namin
e wala kaming panalo, at ilan lang ang
larong natapos.

Sa pagtatapos ng araw, ordinaryo man
o espesyal, kahit paano naramdaman ko
na may "iba" sa araw na ito. Sa bandang
huli e napag-isip isip ko din na ang
pag gising ko kaninang umaga ang
pinakamagandang nangyari at swerteng
natanggap ko sa araw ng 10.10.10.
Ipagpasalamat natin kung aabot tayo
sa 11.11.11 at 12.12.12.

End

Sunday, October 3, 2010

Memorial Plans for your party needs :))

I'm ganja from electromax group of companies.

We specialize in TV, Radio, Betamax and waterjugs.

We also have Memorial Plans for your party needs :))


-- Alamat talaga si Ramon Bautista. sa kanya ko nakuha to..
napanuod ko sa Lupet.. yung palabas sa TV5 ni Lourd.
Andun din pala sila Tado at Erning.