Tuesday, August 9, 2011

ARTS: Aesthetics.. Respect.. Thoughts.. Skill..

Art is the product or process of deliberately
arranging items (often with symbolic
significance) in a way that influences and
affects one or more of the senses, emotions,
and intellect. It encompasses a diverse range
of human activities, creations, and modes of
expression, including music, literature, film,
photography, sculpture, and paintings.
The meaning of art is explored in a branch of
philosophy known as aesthetics, and even
disciplines such as history and psychology
analyze its relationship with humans and
generations. - wikipedia

Britannica Online defines art as
"the use of skill and imagination in the
creation of aesthetic objects, environments,
or experiences that can be shared with others."

The second and more recent sense of the word
art is as an abbreviation for creative art or
fine art and emerged in the early 17th century.
Fine art means that a skill is being used to
express the artist's creativity, or to engage
the audience's aesthetic sensibilities, or to
draw the audience towards consideration of the
finer things. - Wikipedia.


Naging laman ng mga pahayagan at balita ang mga
obrang likha ni Mideo Cruz na itinampok sa
isang exhibit sa Cultural Center of the
Philippines (CCP). Umani ito ng napakadaming
batikos mula sa mga Kristiyano dahil ilan sa
mga ito ay nagpapakita ng hindi pag-galang sa
paniniwala at relihiyon ng iba. Umabot din sa
puntong nakatanggap siya ng banta sa buhay at
dahil doon ay ipinasara ng CCP ang exhibit.

Nagbasa ako articles related sa balitang ito
pero mas pinili kong basahin ang comments ng
mga readers na nagmistulang debate sa kung
sinong tama o mali at ang masaklap pa e ang
usaping relihiyon. Regular akong nagbabasa ng
articles sa Yahoo Philippines at ito yung link:
Artist group decries closure of 'Kulo' exhibit

Isa po akong Romano Katoliko at isa din ako sa
mga naniniwalang may mali sa ilang obra ni
Mideo Cruz dahil sa kawalan nito ng respeto sa
paniniwala ng iba. Sabihin n'yo na po na isa
din ako sa may makitid na utak at walang alam
sa sining kung yan ang sa tingin ninyo pero
para sa akin, ang keyword lang dito e "RESPETO".

Hindi po pwedeng dahilan ang sining at ang
kalayaan ng pamamahayag para magpakita ng
kawalang galang sa paniniwala ng iba. Pwede
namang ilabas ang ideya o saloobin sa obrang
walang mababastos na paniniwala. Sa akin po
lamang e isang artist nga po si Mideo Cruz
pero MAGALING na artist po sana sya kung
ang obra nya ay sinamahan nya ng respeto.

Hindi po ako nag-aral ng sining pero para
magkaroon ng sapat na pag-unawa e nagbasa
din ako ng ilang definition ng art sa
internet at napag-alaman ko na higit sa
pagpapahayag ng damdamin ng gumawa ay ang
pagtanggap ng sinumang nakakikita dito.
Kaya nga may mga exhibits at galleries
para ipakita ang saloobin ng artist sa
paraang magugustuhan ng mga titingin dito.
Kahit ang basura ay magiging obra kung
gagamitan ito ng malikhaing pag-iisip
ng tao para lumikha ng bagay na makakukuha
ng paghanga ng iba.

Kung ano man po sana ang konsepto sa
likod ng tinawag nyang obra e igagalang
ko naman basta sya ay gumamit pa ng
mas malikhaing pagpapahayag na walang
ma-o-offend.

Nakalulungkot na ang usapin ng respeto
e nauwi sa debate tungkol sa relihiyon.
Inuulit ko lang po, isa po akong Katoliko
at kaisa ako sa mga Kristyano na sa
usaping ito. Nakalulungkot na ang ilang
pagkakamali ng mga "tao" din naman sa
aming simbahan e gawing batayan para
husgahan ang aming relihiyon. Respeto
lang naman ang aming hinihingi dito.
Madaming nagsasabi na kung gawin daw
ito sa kahit anong maglalarawan sa
Islam sa ganitong paraan e baka hindi
tumagal ng isang araw yang exhibit na
yan at hindi lang death threats ang
matatanggap nya. Hindi ko din tuloy
maisip na sa imahe ni Kristo ito ginawa
dahil hindi ganun ka-bayolente ang
magiging response ng mga Kristyano.

Maraming hindi mananampalataya ang
nakikisawsaw sa usaping ito na ang
ugat lang naman e paghingi ng respeto.
Kung sa gubat e kelangan ng mga hayop
na magpakita ng lakas at bangis para
irespeto ang kanilang teritoryo, tayo
pa kayang mga tao na nakakaintindi
sa salitang respeto?

Nirerespeto ko po ang iba't-ibang
pananaw, relihiyon at kahit silang
mga walang kinikilalang Diyos pero
sana lang e meron tayong respeto
bilang tao sa paniniwala ng kapwa
natin. Hindi po masama ang maging
malaya sa pagpapahayag ng saloobin,
gawin lang sana natin sa makataong
paraan. Ang atin pong kalayaan ay
may kaakibat na responsibilidad.

Respeto lang kaibigan.