Thursday, April 28, 2011

Happy Birthday sa kanila - Memories from Friendster

January 27, 2008..Sunday..7:54AM

Kakauwi ko lang galing sa birthday celebration ng classmates ko.. yung mga celebrants ng january.
Humarap ako agad sa computer dahil ayaw kong makalimutan ang isa sa mga mahalagang birthday
celebrations na napuntahan ko..ayokong dahil lang sa ilang oras na pagpikit ng mata at paglipad
ng isip ay kaunti na lang ang ma-recall ko..Wala man akong dalang camera kagabi, gusto kong maisulat
ang ilang larawan, mahalagang larawan ng gabing iyon. sa mga oras na to, napapangiti na lang ako
pag inaalala ko ang mga eksena kanina. gusto ko rin kasi itong ibahagi kay ekah. hindi kasi sya
nakasama dun. maaga kasi silang umuwi ni mayi kaya hindi ko sya napakiusapang sumama..

January 26, sabado, matapos ang klase namin kay sir arlan, nagkayayaan munang mag-dota kila kuya
cris. "wang game" daw muna bago sumabak sa inuman. bago mag-start ang "wang game", nagpaalam muna
ako kay ekah, kasi nga hindi ko na rin sya nakausap ng tungkol sa birthday celebration.. sana nga
kasama ko sya kaya lang napaaga ng uwi nila. nung nakapag-paalam na ako, nag-log out agad ako sa
Yahoo Messenger..andami kasi nilang chatmoso..takte.. saka mag-uumpisa na ang wang game. ayun, talo.
at si kuya cris ang panalo..syempre..lagi naman eh..

"Alam nyo ba ang papunta kila germs?"

"Hindi eh, ikaw alam mo?"

"Si AJ alam yung papunta dun..Kasabay natin sya magpunta dun.."

"Pupunta dito si AJ? Jest sunduin mo.."

Ilang minuto din bago kami nakaalis. Hinintay pa namin sila AJ. Kumain muna kami ng chicharon
at Squid balls. mahirap uminom ng gutom. May lechong manok at apat na imbestigador kaming dala..
mga inuming makapagpapaamin sa mga sikreto mo, makapaghahalungkat ng buhay mo, makapagpapalabas
ng kinain mo, magdudulot ng mga kakatuwang larawan mo na mamaya lang e nasa friendster na..sa
multiply din pala. At higit sa lahat, mga kakatuwang kwentong lasingan pag nagkita kita..

Gabi na nun. habang naglalakad mula sa tapat ng mercury drug, makipagsiksikan sa mga tao, makipag-
patintero sa mga sasakyan, lumanghap ng air pollutants, manood sa gumagawa ng tawiran mula bicutan
market hanggang sm bicutan, at maging sa byahe, hindi maiwasan ang ilang kwentuhan at kumustahan.
kasabay din kasi naming pumunta ang isang dating classmate, medyo hindi ko na maalala yung name
nya. basta naaalala ko na lang. na naging classmate ko sya. hindi ko na sasabihin kung bakit sya
nag-quit sa BSIT, ayokong ma-guidance eh.. basta habang nasa byahe kwentuhan to the max.
Ilang ala-ala nila nung 2nd year kami ang napag-usapan nila. kwento, tawa, kwento, tawa..
..tapos "para po.." sabay katok sa kisame ng jeep. babaan na..

"Tricycle naman..sabihin nyo sa dulo.."

walo nga pala kaming magkakasabay..hating grupo..hindi kaya sa isang tricycle.. kala ko eleksyon
parin sa lugar nila kasi nagsisilbing design sa diretso lang naman
ang daan. hindi paliko liko pero paalon-alon dahil sa mga humps sa daan. sa ilang minutong pagsakay
ay lalong nagulo ang magulo kong buhok, at na-warm up ang sikmura ko sa mala-roller coaster na
byahe. tumigil ang tricycle. narating namin ang dulo..dulong terminal pala yun..kala ko dulo ng
parañaque, o dulo ng mundo.

sandaling natigil ang pagta-type ko sa computer nung kumatok si ermats. nai-lock ko nga pala ang
pinto. galing sya sa palengke, kanina lang habang pauwi ako e nakikipag-chismisan pa sya. sa pagbaba
ko ng hagdan e..watdapak.. nagkalat yung tuta namin..sya yung sumuka para sakin..anak ng tinapakyu
naman..nasermunan pa ko..nakapasok pala yung tuta namin nung pumasok ako ng bahay.

habang tinutuloy ko ang pagta-type e nawiwindang ang utak ko sa sinalumang kantang
nasa radyo..linggo nga pala ngayon.. halos lahat e sinalumang kanta ang mga mapapakinggan sa radyo.

"Ngayon at kailanman..sumpa ko’y iibigin ka ngayon at kailanman.."

anak ng tinapakyu naman..ampanget amf.. tumunog ang cellphone ko.. nagtext si AJ.. kwentong
bumblejeep.. may kapwa lasheng ata silang nakasabay sa byahe.. wala akong pangreply kaya delete
na lang muna..peace AJ.. maya-maya pa, may nagtext ulit..c germs.. nananawagan.. nawawala ang
cellphone ng kuya nya..awts.. hindi ako yon.. at wala naman akong mapaghihinalaan dahil ayaw kong
maghinala sa mga kaibigan ko..sa mga kapatid ko..hindi nila magagawa yun..pero kami lang ang nandun.
nakakahiya sa kanila. kung ikaw ang kumuha, pakibalik naman.. wala akong pang-reply.. ayun, talo.
May nagtext ulit..si belle..ganun din..nananawagan din para kay germs..at wala akong load. talo.

Balik sa kwento, baka makalimutan ko na to mamaya pag nakatulog ako.
Pagbaba namin ng tricycle e dumaan naman kami sa pasikut-sikot na mundo ni germs. liko sa kanan,
liko sa kaliwa, pagdating mo sa kanto, hindi pa dun. sa isa pang kanto.

"diba may videoke dun? pag nakakita tayo ng bahay na may nagkakantahan baka dun na yun.."

liko sa kanan, liko sa kaliwa, ilang bahay din ang nadaanan naming may nagvivideoke. mahilig pala
sa kantahan ang mga tao sa lugar nila. pagdating sa basketball court, teka, wala na sila Jestoni
at AJ..ang bilis nila maglakad.. tatlong daanan ang bumungad samin. hindi namin alam kung saan dadaan.
tinawagan nila ang isa sa mga classmates namin na nauna samin.. Habang naghihintay ng sugo e hindi
maiwasang magmasid sa paligid. May ilang tambay na kala mo nangangagat, may ilang baklang super
fitted ang damit kahit malaki ang tyan, may ilang nagkakantahan.. oldies.. hindi naman "My way"
ang kanta pero parang may gulong mangyayari.

Dumating ang reinforcement..si Elaine.. akala namin e konteng lakad na lang.. ilang liko sa kanan
at kaliwa pa ang bago nakarating. pagdating namin e may tagayan nang umiikot.. may ilang nagyoyosi,
may kumakain, at syempre, may kumakanta. masarap ang pansit na kinain namin..masarap din yung
lechong manok na inihain.. isang kanta lang ang lumipas e naubos na yung manok..

pumasok kami sa loob..nagpahinga ng konte, kumain, tumagay..habang may mga nagpipicture taking.
dumating si papa jeff..kasama nya si twingkle..naalala ko si ekah, sana kasama ko din sya..
maya maya pa, inalok kami ni lester ng lechong manok..meron pa pala.. nagkamali yata ng inalok
si lester..ubos agad ang manok..asang hindi.. nag-umpisa nang umikot ang dala naming imbestigador.
walang sinanto..lahat may tagay.. tapos, may naghalo ng granmatador sa iced tea.. anak ng tinapakyu..
sakit sa bangs..hindi ko alam kung sinong nabiktima nun pero alam kong ang nakaubos nun e yung
malakas tumagay..ng iced tea.

Ilang kamay din ang may hawak na camera..pose dito, pose dun, pero mas magandang trip yata yung
stolen shots. laugh trip pagkatapos. sa kalagitnaan ng picture taking.. napagtripan ng mga classmates
namin sila Jestoni at AJ..ahehe.. parang loveteam na may press conference.. andaming camera ang
nakatapat sa kanila..at sa mga oras na ‘to, nasa friendster na yan..mas astig kung ma-dyaryo pa.

Kakanta sana ako ng "wish you were here" kaya lang anak ng tinapakyu naman! bakit iba yung lyrics!
Hindi kasi nakasualt dun kung sino yung artist eh! buti na lang andaming kanta ng parokya dun..

Ilang kantahan, tagayan at kwentuhan ang lumipas. umepekto na ang imbestigador.. ilang kwento ang
napag-usapan..ilang loveteam ang pilit binubuo, at ilang

"i love you jeff.."

ang nag-echo sa tenga ng lahat.. hehe.. tawa na lang.. tagay na lang.. kanta na lang..
tapos nag-uwian na yung iba..madami pala sila. tuloy ang kwentuhan, kantahan, at tagayan hanggang
lumalim ang gabi. Pinatay na yung videoke machine..nakabubulabog na kasi kami. kwentuhan na lang
ulit.. tapos tagayan. kwentong Jestdrina loveteam ang umere.. tumalab na ang imbestigador.. may
mga tama na. ilang eksena din ang nasaksihan ko. hindi ko na ikukwento. basta naalala ko lang ang
nakaraan ko sa kasalukuyang nararamdaman ni Jest. Ilang oras ang lumipas. ilang kwento, ilang
tuksuhan, tawanan, tagay ang umiikot sa paligid. umiikot na rin ang paligid namin.
Nagyayang umuwi si kaloi..

"delikado sa may tulay sa may SM Bicutan..tambayan yun ng mga holdaper naming kapitbahay.."

nagpasya na lang din syang magpalipas ng gabi doon. tuloy ang kwentuhan hindi parin
maiwasan ang stolen shots..kahit hindi ako lasing e hindi ako nakaligtas sa mapagmasid na camera.
habang papalapit ang umaga, dahan dahang pumipikit ang mata ng iba. may mga nagpasyang matulog.
si aldrin, si AJ, si Jestoni, at si kaloi.. tama..si kaloi.. ang naka-kundisyong may tama..
lasheng..nakabasag ng bote ng granma..tulo laway…ahehe…peace… matibay parin ako. ilang usapan
pa ang umere. usapang 2nd year days, usapang almi, usapang pup, call center, tapos naligaw sa
usapang lovelife..tapos usapang lasheng..asaran, kantyawan.. tapos..loading..nagkakaubusan na ng
jokes..gising mga pare..sayang walang gitara.

inumaga na nga kami. almusal muna. kape, pandesal at pansit. solve. tulog na lang pag-uwi.
gisingan na..tamang kwentuhan habang kumakain.

"hindi ko alam kung pano ko napunta sa higaan sa loob.."

"san na yung twalya ko?"

"alin yung dinuraan mo kagabi? ayun nakasampay.."

"ang ganda ng tulog mo jan kanina oh..tulo laway mo.."

"..parang agimat na papatak tapos dapat saluhin kasi sayang.."

"anu yang nasa pantalon mo? suka? hehe"

"Grabe si ano sakop yung buong sukahan! siningit ko na nga lang yung bibig ko para makasuka.."
*tawanan*

Q: "anong friendster mo?"

A: "7:07 na.."

"Tinatanong ko kung anong friendster mo..email ad.."

"ah, kala ko tinatanong mo kung anong oras eh..eto aq na magsusulat."

uwian na.. nakakahilong maglakad. andaming pasikot-sikot. andami ding matang nakatingin.
ilang kanto din ang lumipas, narating namin yung "dulo".. tapos tricycle na naman ulit..

"Kaloi kaw naman magbayad sa pamasahe ko sa tricycle..may syete pa ko sayo.."

roller coaster ride.. ilang humps din yun.. tapos bumblejeep naman.. kanya kanyang destinasyon.
bumaba kami sa may SM Bicutan. Kasama kong bumaba sila AJ, Reysan at Kaloi. Nakakahilo ang
kaliwa’t kanang paglingon lingon para sa pakikipagpatintero sa kalye. madaming hakbang pa
bago makauwi. sila AJ byaheng Tanyag..si kaloi byaheng C5..
naisip ko bigla yung mga kainuman naming sa laguna pa uuwi. 10:18 na ngayon sa PC ko..
nakauwi na kaya sila?

Habang naglalakad..parang pumipikit ang mga mata ko. inaantok na din. pinilit kong dumilat
para maisulat ko ito.. at makatulog.. sa di kalayuan, natanaw ko si ermats.. nakikipagchismisan..
konteng bati..tapos diretso uwi.. nagtanggal ng sapatos, naghubad ng damit, pantalon, medyas..
tapos akyat sa hagdan..nagbukas ng Pc.. narinig ko yung tuta namin.. pinapasok ko sa loob..
nagtype na ako nito..kumatok si ermats..hotdog lang pala ang binili sa palengke.. nakita nyang
andaming kalat ng tuta namin..anak ng tinapakyu..nakwento ko na pala yun kanina..

Sinalumang kanta parin ang tumutugtog sa radyo namin. Ginugutom na ko pero mas pinili kong tapusin
itong munting kalokohan namin. alam kong hindi lang ako ang gumawa ng blog na ganito..hehe..
Naalala ko ulit si Jestoni..Saludo talaga ako sa kanya. Marami akong naalala, at natutunan.
Andami ko tuloy naiisip na gimik para sa kanya sa valentyms day..ahehe.. haayzz…

Matatawa na lang siguro si deuxe pag naalala nyang kinanta na naman nya ang maalamat na "no touch"..
With actions..bigay na bigay..98 ang score..nga pala, 95 pataas lang ang score dun kahit sablay ka.

"Deuxe Kembot!! Sayaw!!"

sayaw naman si Deuxe..yeah boy..wohohoy!!

Sa pagtatapos ng blog na to, wala lang.. kakain muna ko..gutom na ko e..10:30 na..
tapos tulog..tulog..at tulog..sana makatulog ako ng maayos..

Nga pala..naalala ko na..KC yung pangalan nung classmate namin dati..buti naalala ko..

Luv u ekah..daming chatmoso kahapon..ahehe..

My Blog from Friendster: "Nothing is displaced unless it is Replaced"

“Nothing is displaced UNLESS it is replaced”

Sa science ko ata nabasa yan pero isang text message ang
nambulabog sa selpon ko at ito ang nakasulat. Kala ko yun lang
pero may kadugtong ang message:

“You’ll fall out of love only if you fall for someone else..”

Hindi laging ganun pero sa isang banda, tama sya. Siguro
naranasan nya yun.. o kaya naman.. nabiktima sya nito..

Hindi laging ganun pero kadalasan maraming tao ang nakaranas
nito kaya ang sitwasyong ito ang naglalaro sa utak ko ngaun.
Dalawang klase ng tao ang involved dito: ang nang-iwan at
ang iniwan. Pero meron din sigurong nagsurvive.. Karamihan
dito e yung may asawa’t anak na..

Para sa nang-iwan:

Maliban sa dahilang nagsawa ka na sa boyplen/gelpren mo,
isipin mong mabuti sa sarili mo kung yun ba talaga ang
dahilan. Pwede kasing nalipat ang atensyon mo sa iba kaya
ka natalo ng tukso at nang-iwan. Hindi kita masisi dahil
hindi mo pwedeng lokohin ang sarili mo. Isa ka lang din
sa nagpapatibay sa katotohanang walang permanente sa mundo.
Na lahat e nagbabago. Hindi mo ginusto yon pero nagising
ka na lang sa ganyang sitwasyon. Na ang pagsasamang pilit
nyong pinagtibay e ikaw dn mismo ang gigiba.

Para sa iniwan:

Masakit.. Oo masakit talaga. Ganun talaga ang buhay.
Sabi nga e.. naunahan ka lang nya.. malay mu bukas hindi mu
na sya mahal. Pero hindi laging ganun.. Bawat araw e isang
parusa. isang pagluluksa para sa taong tunay na nagmamahal.
Hindi nga lang sa luha mauuwi yon dahil kelangan mu dn tignan
ang pagkukulang mo. Maaaring may pagkukulang ka din kasi o
sadyang malandi lang sya.

Para sa nagsurvive:

Congrats! isa kang alamat. Bihira ang taong ganito pero
saludo ako sa mga katulad mo. Pasok ka sa pinoy rikords.
Nakapasa ka isang pagsubok. Hindi ko nga lang papangarapin
na maging katulad mo kasi mas ok parin maging loyal.

Para sa dahilan ng break-up:

Mag-isip ka. Kung nagawa nyang iwan ang partner nya para
sa’yo, pwede ka din nyang iwan para sa iba. Hindi mo
masasabi kung anong mangyayari bukas..

My Blog from Friendster: "Sa Ngalan ng Pera"

Umaga. Maganda ang sikat ng araw. Madaming mukha ang makikita sa daan.
May mga empleyadong naghahabol sa oras ng tren, mga empleyadong nagmamadali
para hindi maipit sa trapiko tuwing rush hour, mga taong naghahanap ng
trabaho para matustusan ang araw-araw na pangangailangan at bisyo,
iba’t- ibang uri ng mga estudyanteng nangangarap o nagbubulakbol.
May mga mukhang ilang beses ko na rin sigurong nakasalubong dahil halos
araw araw, kami kami rin naman ang mga taong nagdaraan. May mga vendors
na kanya-kanyang pwesto para magtinda ng kung anu anong paninda.

Mas nakaka-agaw ng atensyon ang mga batang namamalimos at nagtitinda,
mga batang nakikipag-agawan o ninakawan ng pagkakataong maging abugado,
accountant, manager, guro, engineer at maagang namulat sa katotohanang
hindi lahat ng tao ay binigyan ng pantay na pagkakataon sa buhay.
Mga batang sa murang edad ay nakikipaglaro sa kapalaran at ang lansangan
ang kanilang palaruan. Ang kanilang premyo, pansamantalang kalayaan
mula sa gutom. Dahil bawat lipunan ay alipin ng munting piraso ng papel
at bilog na metal na tinatawag nating pera.

Panatilihin mong bukas ang iyong mga mata. Hindi mo alam kung ano ang
maaari mong makita..

Tanghali..habang dumadaan ako sa bicutan papuntang PUP, karaniwan na sa
aking mga mata ang madaming tao sa paligid. Mga taong pilit iniaangat
ang paa sa malagkit na putik ng kahirapan. Mga taong salitang humihithit
sa hindi maubos na sigarilyong ang tatak ay pertron, shell at caltex.
Sa gitna ng madaming tao, napuna ko ang isang binata sa aking harapan,
pabilis ng pabilis kasi ang lakad nya..maya maya pa, kitang kita ko kung
paano nya hablutin ang kwintas ng isang babae at kumaripas ng takbo..
yun ang unang beses kong makakita ng nahablutan kahit halos araw araw
masasaksihan ang ganung eksena. Isang lumalaban ng patas, at isang
mandaraya sa laro ng buhay.. dalawang mukha ng perang nagpapaikot sa
buhay ng tao..Dahil bawat lipunan ay alipin ng munting piraso ng
papel at bilog na metal na tinatawag nating pera.

“Patayin mo na yan tataas na naman ang bill ng kuryente natin”

Anak ng..Badtrip talaga..hmm… naisip ko lang kasi..
bakit kelangan lahat tipirin para sa pera? yun bang sobrang tipid.
yun bang..kelangan bang pag may project lang gagamitin itong computer
namin? kelan lang e natanggap namin yung bill namin sa kuryente
..halos P600 ang bayarin. Syempre natuwa si ermats.
medyo malaki nga ang ibinaba ng bayarin namin. dati kasi
e halos sanlibo ang bill namin lagi. Nagtanong na din
ako sa mga kakilala ko. mas mataas ang bill nila kumpara
samin. may mas mataas ng doble, triple, at meron din
namang halos kasing baba lang ng sa amin. kung susuriin
nga naman ang bill natin sa kuryente e mababa lang ang
presyo ng nakonsumo natin kesa sa babayaran. kung anu
ano kasing mga charges ang mga nakasulat dun. naisip
ko nga minsan, nagbabayad din kaya ng bill ng kuryente
yung mga opisinang tumatanggap ng bayad sa kuryente?
e diba sa kanila din naman napupunta yun? sinisingil
din ba satin yung pang-kape ng mga gwardya nila?
yung pambayad sa internet connection ng mga computer
nila? yung pangmeryenda ng mga alagang hayop ng mga
officials nila?

Maiba naman ako..nag-umpisa na namang gumana ang utak
ko..usapang tipiran, usapang pera, usapang presyo,
mahal at murang mga bagay. ikaw, magkano ka?

Wala na ngang libre sa panahon ngayon.. ay hindi pala,
kasi libre pa naman ang mangarap. maliban na lang
kung pati ang pangangarap e lalagyan din nila ng tax
para madagdagan ang mga pambayad sa utang ng bansa.
kung bakit nagkakautang e hindi ko na alam. hindi ko
lang isusulat ang iba kong naiisip, mahirap na, baka
makalipas ang ilang araw e makasuhan ako. wala pa naman
kaming madaming pera. ang gusto ko lang naman e mailabas
itong mga pananaw ko.

hindi pa man tayo ipinapanganak e madami na tayong
gastos. perang pinambili ng sumablay na condom ng
erpats mo kaya ka nabuo, gastos sa mga vitamins,
supplements, check ups, pambili ng mga prutas na
pinapabili ng ermats mo nung naglilihi pa sya. nung
mga panahong naghahanap sya ng atis na seedless.
seedless na mangga, singkamas, at kung anu ano pang
pagkaen.

Tip: Panatilihing may fruit salad sa Ref..

ang tao ay ipinanganak na magastos. Ilan sa atin ay
ipinanganak sa ospital. sagana sa gamot, vitamins,
bakuna, diaper at kung anu ano pang gastusin para lang
maging malusog. pero, kung lumaki kang panget, ok lang
yan, gastusan mo na lang yang mukha mo pagtanda mo.

Bata pa lang tayo e tax payers na din pala tayo. sabi
ng prof namin sa political science, yung matandang may
pornographic memory daw, e nagbabayad na tayo ng tax
sa tuwing bumibili tayo ng kahit ano sa tindahan.
Pero bakit nga ba kelangan ipasa sa mga tao ang mga
gastusin na dapat e hindi tayo ang nagbabayad?
Hindi ko din alam pero tumanda na akong ganito..
at mamamatay din sigurong ganito..

Pulitiko na yata ang pinakasinungaling na tao sa
Pilipinas. Bata pa lang ako ayaw ko na sa kanila.
Laging laman ng balita. Sabi nga nila, walang natatalo
sa eleksyon, nadadaya meron. Kung iisipin, masasabi
mong tunay at tapat ang pulitiko ng pilipinas kasi:
Dito lang sa ating may nandadaya at nagpapatayan para
lang makapaglingkod sa bayan.. wow.. astig…
Pero ganun ba talaga? Sa ngalan ng pera handa kang
pumatay, magpapatay, manira ng buhay ng iba, maging
makapangyarihan, at tingalain ng ibang tao. OO..
Pera lang at kapangyarihan ang habol ng karamihan
sa pulitika.. Hindi mo ako masisisi kung ganito ang
pananaw ko tungkol sa pera at ang mundo.. Sa araw
umiikot ang mundo. Pero masasabi kong sa pera umiikot
ang buhay ng tao.

Makapangyarihan ang pera. Depende sa tao kung paano
nya gagamitin ito. Ikaw.. Magkano ka ba?