Thursday, April 28, 2011

My Blog from Friendster: "Sa Ngalan ng Pera"

Umaga. Maganda ang sikat ng araw. Madaming mukha ang makikita sa daan.
May mga empleyadong naghahabol sa oras ng tren, mga empleyadong nagmamadali
para hindi maipit sa trapiko tuwing rush hour, mga taong naghahanap ng
trabaho para matustusan ang araw-araw na pangangailangan at bisyo,
iba’t- ibang uri ng mga estudyanteng nangangarap o nagbubulakbol.
May mga mukhang ilang beses ko na rin sigurong nakasalubong dahil halos
araw araw, kami kami rin naman ang mga taong nagdaraan. May mga vendors
na kanya-kanyang pwesto para magtinda ng kung anu anong paninda.

Mas nakaka-agaw ng atensyon ang mga batang namamalimos at nagtitinda,
mga batang nakikipag-agawan o ninakawan ng pagkakataong maging abugado,
accountant, manager, guro, engineer at maagang namulat sa katotohanang
hindi lahat ng tao ay binigyan ng pantay na pagkakataon sa buhay.
Mga batang sa murang edad ay nakikipaglaro sa kapalaran at ang lansangan
ang kanilang palaruan. Ang kanilang premyo, pansamantalang kalayaan
mula sa gutom. Dahil bawat lipunan ay alipin ng munting piraso ng papel
at bilog na metal na tinatawag nating pera.

Panatilihin mong bukas ang iyong mga mata. Hindi mo alam kung ano ang
maaari mong makita..

Tanghali..habang dumadaan ako sa bicutan papuntang PUP, karaniwan na sa
aking mga mata ang madaming tao sa paligid. Mga taong pilit iniaangat
ang paa sa malagkit na putik ng kahirapan. Mga taong salitang humihithit
sa hindi maubos na sigarilyong ang tatak ay pertron, shell at caltex.
Sa gitna ng madaming tao, napuna ko ang isang binata sa aking harapan,
pabilis ng pabilis kasi ang lakad nya..maya maya pa, kitang kita ko kung
paano nya hablutin ang kwintas ng isang babae at kumaripas ng takbo..
yun ang unang beses kong makakita ng nahablutan kahit halos araw araw
masasaksihan ang ganung eksena. Isang lumalaban ng patas, at isang
mandaraya sa laro ng buhay.. dalawang mukha ng perang nagpapaikot sa
buhay ng tao..Dahil bawat lipunan ay alipin ng munting piraso ng
papel at bilog na metal na tinatawag nating pera.

“Patayin mo na yan tataas na naman ang bill ng kuryente natin”

Anak ng..Badtrip talaga..hmm… naisip ko lang kasi..
bakit kelangan lahat tipirin para sa pera? yun bang sobrang tipid.
yun bang..kelangan bang pag may project lang gagamitin itong computer
namin? kelan lang e natanggap namin yung bill namin sa kuryente
..halos P600 ang bayarin. Syempre natuwa si ermats.
medyo malaki nga ang ibinaba ng bayarin namin. dati kasi
e halos sanlibo ang bill namin lagi. Nagtanong na din
ako sa mga kakilala ko. mas mataas ang bill nila kumpara
samin. may mas mataas ng doble, triple, at meron din
namang halos kasing baba lang ng sa amin. kung susuriin
nga naman ang bill natin sa kuryente e mababa lang ang
presyo ng nakonsumo natin kesa sa babayaran. kung anu
ano kasing mga charges ang mga nakasulat dun. naisip
ko nga minsan, nagbabayad din kaya ng bill ng kuryente
yung mga opisinang tumatanggap ng bayad sa kuryente?
e diba sa kanila din naman napupunta yun? sinisingil
din ba satin yung pang-kape ng mga gwardya nila?
yung pambayad sa internet connection ng mga computer
nila? yung pangmeryenda ng mga alagang hayop ng mga
officials nila?

Maiba naman ako..nag-umpisa na namang gumana ang utak
ko..usapang tipiran, usapang pera, usapang presyo,
mahal at murang mga bagay. ikaw, magkano ka?

Wala na ngang libre sa panahon ngayon.. ay hindi pala,
kasi libre pa naman ang mangarap. maliban na lang
kung pati ang pangangarap e lalagyan din nila ng tax
para madagdagan ang mga pambayad sa utang ng bansa.
kung bakit nagkakautang e hindi ko na alam. hindi ko
lang isusulat ang iba kong naiisip, mahirap na, baka
makalipas ang ilang araw e makasuhan ako. wala pa naman
kaming madaming pera. ang gusto ko lang naman e mailabas
itong mga pananaw ko.

hindi pa man tayo ipinapanganak e madami na tayong
gastos. perang pinambili ng sumablay na condom ng
erpats mo kaya ka nabuo, gastos sa mga vitamins,
supplements, check ups, pambili ng mga prutas na
pinapabili ng ermats mo nung naglilihi pa sya. nung
mga panahong naghahanap sya ng atis na seedless.
seedless na mangga, singkamas, at kung anu ano pang
pagkaen.

Tip: Panatilihing may fruit salad sa Ref..

ang tao ay ipinanganak na magastos. Ilan sa atin ay
ipinanganak sa ospital. sagana sa gamot, vitamins,
bakuna, diaper at kung anu ano pang gastusin para lang
maging malusog. pero, kung lumaki kang panget, ok lang
yan, gastusan mo na lang yang mukha mo pagtanda mo.

Bata pa lang tayo e tax payers na din pala tayo. sabi
ng prof namin sa political science, yung matandang may
pornographic memory daw, e nagbabayad na tayo ng tax
sa tuwing bumibili tayo ng kahit ano sa tindahan.
Pero bakit nga ba kelangan ipasa sa mga tao ang mga
gastusin na dapat e hindi tayo ang nagbabayad?
Hindi ko din alam pero tumanda na akong ganito..
at mamamatay din sigurong ganito..

Pulitiko na yata ang pinakasinungaling na tao sa
Pilipinas. Bata pa lang ako ayaw ko na sa kanila.
Laging laman ng balita. Sabi nga nila, walang natatalo
sa eleksyon, nadadaya meron. Kung iisipin, masasabi
mong tunay at tapat ang pulitiko ng pilipinas kasi:
Dito lang sa ating may nandadaya at nagpapatayan para
lang makapaglingkod sa bayan.. wow.. astig…
Pero ganun ba talaga? Sa ngalan ng pera handa kang
pumatay, magpapatay, manira ng buhay ng iba, maging
makapangyarihan, at tingalain ng ibang tao. OO..
Pera lang at kapangyarihan ang habol ng karamihan
sa pulitika.. Hindi mo ako masisisi kung ganito ang
pananaw ko tungkol sa pera at ang mundo.. Sa araw
umiikot ang mundo. Pero masasabi kong sa pera umiikot
ang buhay ng tao.

Makapangyarihan ang pera. Depende sa tao kung paano
nya gagamitin ito. Ikaw.. Magkano ka ba?

No comments:

Post a Comment