July 29, 2008 9:40AM
Magtatanghali na pero inaantok parin ako..
hindi manlang ako nagising ng paglalakad ko
mula sa bahay namin hanggang sa sakayan sa
bicutan..
hindi manlang ako nagising ng nakamamatay
na amoy ng palengke.. may sipon parin naman
ako pero hindi talaga uubra sa amoy ng
bicutan.
sabi nga ni deuxe, kahit makatulog sya sa
byahe e alam na nya kung malapit na syang
bumaba.. pag naamoy na nya ang bicutan..
buti na lang e hindi ako nadudukutan..
pero pag nadukutan e malas talaga..malas
yung mandurukot. Mukha kasing mas maganda
pa ang celfone ng mga mandurukot sa bicutan
kesa sa nasa maluwag kong bulsa.
Sa antok ko e hindi ko na namalayan na
maling daan na pala ang dinaanan ko kanina.
sa paglalakad e mapupunta ka sa dalawang
magkaibang daan:papuntang PUP at
papuntang SM City Bicutan. Ang sakayan ng
mga bus e nandun malapit sa SMB samantalang
ang daanan ko e yung papuntang PUP..
Nakasanayan ko na ang daan papuntang PUP..
Limang taon din akong naglalakad mula sa
bahay namin papunta dun.. Kahit tulog
siguro e makakarating ako ng PUP..
Salamat sa pink na footbridge ng MMDA,
hindi ako nasagasaan.. Kahit tulog e pwede
kang maglakad dun basta meron kang ‘rollers’
sa left at right arms mo na parang tamiya.
Habang naglalakad e madami akong mga
nakakasabay na mga estudyante. Elementary,
High school, College.. Iba’t ibang itsura,
uniporme, hairstyle, at eskwelahan..
May maganda at gwapo.. karamihan hipon..
Hindi ko maiwasang maalala ang PUPT..
Dati kasi e isa lang ako sa mga estudyanteng
nagmamadaling maka-graduate.
Isa lang ako sa kanilang nagsasawa na sa
assignments, projects, quizzes, reviews,
midterms, finals, mukha ng mga Professors
na halos araw araw mong nakikita sa ground
floor, 2nd floor hanggang 4th floor ng PUPT.
Ilang buwan matapos na makasama ako sa
listahan ng mga alumni ng PUPT e nag-iba na
ang buhay ko..pati buhay ng mga kapwa ko
fresh grad..
Kasabay ng pagtanggal ng uniporme ang
katotohanang balang araw ay hihingi ka
na din ng dagdag na sahod. Isa sa mga
katotohanang dati ay sa TV lang natin
nakikita.
Kasabay ng pagtanggal ng student ID ang
katotohanang wala ka ng discount sa mga
pampasaherong sasakyan. Na-miss ko talaga
ang pagsasabi ng "Bayad po, studyante lang"
habang iniaabot ang aking pamasahe.
Kasabay ng announcement sa radyo ang
paalalang may pasok ka ngayon.. hindi ka
na estudyanteng apektado ng minsan ay
maling announcement ng PAG-ASA kung may
pasok o wala, kung may bagyo o wala.
Namimiss ko ang old joke na "walang pasok!
BASA ang PANTY ng TITSER MO!"
Bawat araw lumilipas, bawat araw
papalapit ang graduation..
Kung makapagtatapos ka o hindi,
ikaw lang ang makapagsasabi.
Pero alam kong hindi lang ako ang
makaka-ramdam nito, dalawang bagay na
binubulong sa magkabilang tenga mo:
1. Gusto ko nang maka-graduate agad..
..kase nakakatamad na mag-aral
2. Ayaw ko pa maka-graduate..
..mamimiss ko sila*
1 or 2? mamili ka.. pero kahit anong piliin
mo e nanjan ang katotohanang kelangan
nyong umalis. kelangan nyong maghiwalay
ng landas..
=====
Maliit lang ang mundo, yan ang sabi nila.
Hindi mo alam kung ilang beses mo ‘ko
makakasalubong sa daan, hindi mo alam
kung ilang beses kang magpapalibre ng
pamasahe saken sa tuwing makakasabay kita
sa byahe.
Gumana na naman ang malikot kong utak..
Narito ang ilang mga sitwasyon maaari mong
kalagyan pag pinaglaruan ka ng tadhana:
1 -
Ang sarap ng kinain mong street food sa
daan pagbaba mo ng bus sa kahabaan ng
EDSA. Ilang minuto lang, nagmamadali ka
na. Napatingin ka sa relo, male-late
ka na. Pero sa lupit ng pagkakataon,
sumakit ang tyan mo dahil sa kinain mo.
Kinailangan mong magbanyo, pumasok ka sa
isang mall, naghanap ng pinakamalapit
na restroom.. madaming tao, lipat ka
ngayon sa susunod na restroom.. Halos
madapa ka na habang nag-uuntugan ang mga
tuhod mo. Sa kabilang direksyon, may
isa ring katulad mong pinarusahan ng
tyan dahil sa pagkaen ng streetfood..
Nagmamadali kayo, sabay ang galaw,
patas ang bilis.. Magsasabay kayo ng
taong ito sa pintuan. Hindi nyo magagawang
paunahin ang isa’t isa dahil pareho kayo
ng kalagayan.. Saka mo lang mapapansin
na dati mo syang classmate.. shet!
ang classmate na pinagkakautangan mo
ng pinambayad mo para maka-graduate!
Nampoteks! Buti na lang swelduhan kahapon!
Salamat sa tae.. Nagkita kayo..
Magkwentuhan na lang kayo habang nakaupo..
dingding lang ang pagitan! wahahaha!!!
2 -
Rush hour. Nagmamadali ang lahat..
Tatawid ka bigla.. hindi mo namalayan ang
isang mabilis na kotse.. Wapak!!!
Nabundol ka! Galit na galit ka at
mapapamura.. SHET!!
Wala kang magagawa. Nangyari na. Bubukas
ang pinto ng kotse.. Saka mo malalamang
classmate mo ang nakabangga sa’yo..
Bonding kayo sa ospital.. tsk tsk tsk..
magastos na pagtatagpo..
=====
Patuloy ang paglalakad..
May nahuhuli, may nauuna..
Iba’t ibang kausap, iba’t ibang kasama,
pero iisang section. isang grupo.
Isang exit.. ang gate ng PUPT.
Patuloy ang paglalakad..
May nahuhuli may nauuna..
Pwede bang magpaiwan? - Bahala ka.
Pwede bang huminto? - hindi.
Pwede bang bagalan? - hindi.
Pwede bang bumalik? - Hindi.
Pwede bang lumingon? - OO..
Masarap lumingon. Malalaman mo kung
gaano na kalayo ang narating mo.
Maglakad ka patalikod, Hindi ka babangga.
May kasama kang handang alalayan ka.
May mga kasama kang makakapitan kung
matutumba ka.
Masasandalan pag napagod.
Malapit ka nang lumabas.. ilang hakbang na
lang.. Mas lalong hihigpit ang kapit mo
sa mga kasama..ayaw mo nang bumitaw..
gusto mong bumalik.. sana panaginip lang.
Sana 1st year ka ulit.
Kasado na ang lahat.. diploma na lang
ang hinihintay.
Pero teka, san ba tayo pupunta?
Hindi ko alam.. Wala akong idea..
Sinong makakasabay ko? sinong mauuna?
Sinong mahuhuli? Ewan ko..
Pwede bang dito muna tayo? - Hindi.
Sandali lang.. Kahit isang minuto..
Tignan mo, kahapon lang nandun tayo..
Kahapon lang madami pa tayo..
ngayon, ayo na lang ang magkakasama.
Kelan kita ulit makikita?
Hindi ko alam.. Bahala na..
txt txt na lang.. pag sweldo mo,
"Pa-cheese burger ka naman..Burger! Burger!"
No comments:
Post a Comment