Wednesday, December 29, 2010

Money po Ninong! Money po Ninang!

December 30, 2010.Last working day ng 2010.
Taena na-late ako ng 14 minutes!
Naka-idlip na ko sa bus pero pag-gising ko e bandang Nichols pa lang kami.
Idlip ulit. Nagising ako kase bumilis yung andar ng bus, malapit na sa EDSA.
Paakyat ng tulay sa may Magallanes. Taenang Nichols yan, lagi na lang trapik.
Badtrip ako sa late ko pero hindi ito ang topic ko ngayon, nagshare lang akong sama ng loob.

Sa pagtatapos ng 2010, uso na naman ang mga year end special episodes sa mga TV stations. Yun bang magbabalik tanaw sa mga nangyari at highlights. Tapos may mga text promo pag commercial breaks. Yun bang mauubos mo na load mo e hindi ka pa nananalo.
Hindi ako "in" pag di ako nagsulat ng tungkol dito.

Game..

pause.. isip isip..

Resume..

Sa kasamaang palad e wala ko masyadong maalala. Check nyo na lang profile kosa facebook tapos tignan nyo yung mga pictures. Search nyo si Lovaparusa.

Iba na lang isusulat ko.
December naman ngayon kaya isusulat ko na lang yung mga binalak at binili, ginastusan at kung anu anu pang pwedeng balikan nitong nakaraang 30 days.
Mahilig nga pala ko magbilang ng gastos. Hindi pa ko sumusweldo e nakalista na yung mga gagastusin.
Una sa listahan ang bill ng kuryente at tubig. Basta kase sweldo ng month end e kaltas na yon agad. Pangalawa e yung allowance ko hanggang sa susunod na sweldo. Php1,500.00 yon. Maliit kase wala naman akong gelpren pero malaki na para sa single kase, kase, DOTA ang bisyo ko, facebook, internet. Ito ang social life ko. Yung bonus ko nga pala nung year-end party namin e ginastos ko sa Anawangin. Taena, naalala ko natrapik pala ko nun. Yoko na maalala!

Pause.. resume..

San nga ba napunta yung tira sa sweldo ko?

Pause.. loading data.. resume..

Ginastos pala yun sa Divisoria, yun na papasko ko sa mga kapamilya ko sa bahay. Malaking gastos pero sulit naman nung nakita kong enjoy sila pag-uwi. Bumili lang ako para sa sarili ko ng bagong book ni Bob Ong, isang maliit na notebook, at pang-exchange gift sa pool party namin ng officemates ko.

Wala akong tinabi mula sa Sweldo ko ng November at December.
Para sakin kase, January to October ang ipunan tapos November at December ang gastusan. Birthday namin ng Nanay at Tatay ko pag November.
Ito ang pinaka-sulit sa lahat ng gastusin ko kase dito ko nakikitang mas masaya ang mga magulang ko. Pasasalamat ko na din sa kanila.

December naman ang gastusan kasi nga magpapasko at baguntaon.
Yung 13th month pay ko e hindi ko magastos kase ipapatapos ko muna yung bahay namin sa Cavite. Medyo masama pa loob ko kase hindi ako nakabili ng computer o selpon manlang para iregalo ko sa sarili ko. Para sakin kase,meron tayong January to October para gastusan yon pero ang pasko e hindi mo magagastusan sa ibang months. Sige nga try mo magregalo ng pamasko pag summer! Isipin ko na lang na dagdag income din yon pag pinarentahan. Para mabawasan ang sama ng loob.

Yung sweldo ko ng mid-December e ginastos naman panghanda sa pasko. Syempre kaltas muna yung allowance ko para sa next 15 days. Sulit naman yung gastos kasi naramdaman ko naman yung sweldo ko.

TAWAAAAAAAAADD!!!!

Nag-umpisa ang Simbang gabi at nagkalat na din ang mga nangangaroling. Nawawala na ang creativity ng mga bata ngayon, hindi na kase sila gumagawa ng instruments. Nung panahon namin, magsisira pa kami ng payong para ilagay sa tambol yung tela. Mas maganda daw kase yung tunog. Tapos yung tansan na matyagang iipunin tapos pipitpitin tapos tutuhugin sa alambre para gawing tambourine. Hindi na rin nila tinatapos ang kanta pag binigyan mo ng barya. Tengkyu na lang kagad. Sakit sa bulsa. Ubos barya ko. Taena nabawasan pa pangdota ko. Grabe kasi mga bata ngayon, pag binigyan mo ng barya yung nauna, magtatawag ng kasunod, at kasunod,at masusundan pa! Tawad na lang muna mga bata, maiintindihan nyo din kami pagtanda nyo, bumawi na lang kayo sa susunod na henerasyon ng mga mangangaroling.

Isang beses lang ako nakapag-simbang gabi, yung huli pa. Wala na kaseng pasok kinabukasan. Wala na din akong SL/VL kase nagka-trangkaso ko. Absenero ko pero sisihin na lang natin yung trangkaso para di naman ako magmukang tamad. Day shift naman ako buong week bago magpasko pero hindi parin ako makapagsimba kase sa pagitan ng bahay at simbahan e madadaanan ko muna yung computer shop. Alam na.. Reserved na kaagadang PC-6.

3.. 2.. 1.. Merry Christmas!!!

Hindi mawawala ang inuman pagkatapos ng noche buena. Kumpara nung isang taon e hindi ko masyado na-enjoy ang pasko ngayon. Madaming wala, madaming kulang, at may naligaw sa ibang inuman. Hindi pa libre yung videoke kahit sinabing libre daw yon pagsapit ng hatinggabi. Madami din naman kaming nainom at inumaga na din ng uwi. Madami din akong gastos. aguy! Dito ko inubos yung medical reimbursement na na-withdraw ko.

Money po ninong! Money po ninang!

Tinanghali na din ako ng gising at gutom na gutom. Hindi pa ko ko kumakaen e napatagay ako agad paglabas ng bahay. Hinanap ko agad ang mga inaanak ko. Mission accomplished bago kumain. Sa panahon ngayon e katumbas na ng aginaldo ang karapatang batiin at dumaan sa tapat ng bahay ng kumare at kumpare at magpakita sa inaanak sa loob ng 365 days. Sa madaling salita, mahihiya ka magpakita sa kanila sa susunod na mga araw hanggang sa susunod na paskong nakapagbigay ka. Nakalimutan na din kasi ng iba ang tunay na role ng ninong at ninang sa mga inaanak nila sa binyag. Hindi ko nga pala naramdaman yung iba kong ninong at ninang nung bata pa ko kaya ayoko namang maramdaman din yon ng mga inaanak ko.

Mahaba na din pala itong naisulat ko. Wala pang bagong taon pero malaki na din pala ang gastos namin. Ok lang, sulit naman. Hindi ko na lang ituturing na gastos kundi pagbabahagi ng biyayang natanggap ko buong taon. Laging tandaan na ang pasko ay panahon ng pagbibigayan lalo na at ito ang pag-alala natin sa araw na binigay sa'tin ng Diyos ang kanyang anak.

Magpasalamat ka at buhay ka pa ngayong pasko at aabot ka pa ng 2011. Wag mong ipagpabukas ang pagtulong sa kapwa dahil hindi mo alam kung aabot ka pa sa susunod na pasko, o sa susunod na araw.

Salamat sa panahong binigay mo sa pagbabasa nito.

Isang masaganang bagong taon sa iyo. :)

Text Promo:

Sinong dapat sisihin kung bakit na-late si Kuya Ganja?
A. Yung nag-cause ng trapik
B. Nakipag-inuman hanggang madaling araw kaya tinanghali ng gising at 7:15AM na umalis ng bahay

I-text ang
Ganja-space-Letra ng Sagot Ex: Ganja B
at i-send sa 09233047522 para sa Sun Cellular
at 09195253639 para sa Smart

Wala po akong globe na sim. Penge naman

Monday, December 6, 2010

P741 Million vs 741Million Smiles :)

Tuesday, 12:00 midnight. Breaktime. Nag-scan ako ng Flash drive ko, gagamitin ko kase pagkatapos ng breaktime. Ginamit ko kase sa computer shop yon last time e baka may mag-pop up na "virus detected: terminate user to continue.." kaya iwas gulo na lang. Maliit lang yung capacity ng Flashdrive ko, 512MB, kakatapos lang kase ng diskette dynasty nung binili ko 'to kaya mahal pa 'to nung panahong yon. Kingston po ang brand nito - baka lang kase madaling masira yung inyo at naghahanap ng subok nang tatak ng flash drive.

Hindi naman puno pero matagal bago natapos yung pag-scan ng flash drive ko kaya naisipan ko tingnan ang laman para sa mga files na pwede na i-delete. Maliban sa porno clips at mga larawan ni cristine reyes e makalat na din pala ang flashdrive ko.

Double click.. Open.. back.. click.. delete..

Nabuksan ko yung isang folder na may folders pa ulet sa loob. Sa loob ng mga folders e may madaming pictures. Pictures nung outing namin last November 27-29, 2010. Naka-group by folder kase iba't-ibang source, iba't-ibang camera. Matagal din bago ko natapos tignan isa-isa lahat ng pictures. Kulang ang buong breaktime lalo na kung tititigan mo pa ng husto bawat detalye ng mga pictures. Naalala ko nung unang binalak ko na magsulat tungkol sa 3-day adventure naming 'yon e natanga lang ako sa harap ng computer. Bakit? Kase hindi ko alam kung paano sisimulan, mahirap i-kwento lahat lalo na kung pictures ang pagbabasehan. Minsan e napapangiti na lang ako sa harap ng monitor. KASE..

Naalala ko yung eksena nung oras na nandun ako at nakaharap sa camera..

Pose.. click.. flash..

Naalala ko kung ilang ulit na mas masarap kainin yung sinangag ni Mitch, tinapay at palaman nila Deuxe, medyo hilaw na sinaeng at delata kesa sa mamahaling pagkaen sa Max's resto. Bakit? :)

Pose.. click.. flash..

Naalala ko kung ilang ulit na mas masarap matulog sa loob ng tent kesa sa malambot na kama. Bakit? :)

Pose.. click.. flash..

Naalala ko na abot hanggang poso ang hilik ni Papajep at abot sa may CR at sa kabilang grupo ang utot ni Reysan.

Naalala ko kung ilang ulit na mas mabisang cardiovascular exercise ang "jump shot" kasama ang mga bida kids kesa mga exercise program sa fitness gym.. Bakit? :)
Pose.. click.. flash..
Anu nga bang panama ng mga jacuzzi at spa sa full body massage at super mega full body scrub promo ng mga buhangin at alon?


Anu bang pantapat ng matataas na buildings ng Manila sa magandang view ng burol, bundok at lighthouse na may libreng foreigner nanaka-bikini sa taas?

Lamang ba ang enchanted kingdom sa sayaw ng alon at harurot na tricycle ni manong?

Mas masarap ba magsurf sa net kesa mag-surf sa alon?
pose.. click.. laugh..

Sino bang mag-aakalang mahal ang tindang flute ni manong dahil may kasama itong NOTES?

Pag nakakarinig ka ba ng tunog ng ibon e aakalain mo bang sinusundan ka ni manong para bentahan ng tunog-ibon instrument?

Maiisip mo bang lugi ka pag binili mo ang tindang crossbow ni manong kase maliban sa mahal e hindi accurate ang pana nito? Isa pa e matatakasan ka ng target mo sa tagal magreload ng pana nito.

Napaisip ka ba kung ang Anawangin ang Duyan capital of the World dahil sa dami ng nag-aalok ng duyan? May binebenta bang duyan na may libreng puno?

Mahahanap mo ba sa google ang katotohanang sa likod ng maskara nila Batman at Superman e nagtatago sila Batang Manyak at Super Manyak?

Naaalala mo ba ang hangin at puno sa campsite pag naririnig mo ang tunog ng MRT?

Alam ba ni Kuya Kim na ang tagalog ng bato ay... stone? :-? =))

Malalaman nyo bang ang tunay na matanglawin e si Kuya Lim at hindi si kuya Kim?
pose.. click.. flash..

Naalala ko na mas mahilig mag-pose ng pang-facebook ang sundalo gamit ang kanilang HARMALITE kesa sa combat boots..

Masasabi kong mas nakakapagod ang office works at magdala ng laptop kesa libutin ang isla at magbuhat ng mabigat na backpack.

Mas masarap maligo at tumawa sa poso kahit panalo sa Japan at amoy kalawang ang tubig kung si Reysan ang "bobomba sa'yo"...

pose.. click.. flash..

Anong panama ng Nokia C3, touch screen cellphones at imba phones sa Flashlight cellphone ni papajep sa gitna ng kadiliman?

Alam nyo ba na ang mga madre sa Zambales e nakakadetect ng superman? Diba Topergrapher? >:)

Pause.. music in: Reunion by Parokya ni Edgar

Alam nyo ba na ayokong matapos ang byahe kasama kayo?
Alam nyo bang madami pa tayong byaheng dapat i-set bago tuluyang tumanda?
Kelan ba susunod na byahe?
Ikaw na hindi sumama, babawi ka na ba?

Alam nyo bang tinalo ko pa yung nanalo sa lotto?
May mga bagay na di matutumbasan ng pera, premyo o sweldo:
Lamang ba ang P741 Million vs 741Million smiles at insect bites?

2:39 AM na pala. Lagpas na ko ng 1 hour at 39 minutes sa breaktime ko pero ito lang ang nasulat ko.. Tulad ng hermit crabs na di mauubos kahit punuin ang isang timba, tulad ng mga moments na di kayang ma-capture ng full charged battery ng camera, tulad ng malawak na isla na di malibot sa buong maghapon, hindi ko din kayang pagkasyahin sa konteng panahon ang pagsusulat ng mga istorya sa likod ng mga nagkalat nalarawan.


Hanggang sa susunod na byahe..
Hanggang sa susunod na pagsusulat..
Hanggang sa susunod na istorya..
Hanggang sa susunod na mga ala-ala..

File..Save..
Copy.. Click.. Browse.. Paste..Post :)







Day 6 - Few days before christmas!

Monday na naman.. hays.. di ko pa natatapos yung blog ko tungkol sa 5th outing namin ng mga BSIT classmates ko.. Ang hirap bumuo ng story, natutulala, napapangiti at natitigil ako sa pagsusulat pag nire-recall ko yung mga nangyari mula preparations, pagpupuyat, traffic sa EDSA, byahe hanggang sa week-long insect bites story ng mga friends ko. Sana ok na sila bago next week. Magpupuyat muna ko ulet para productive naman tong Monday ko. Hanggang sa susunod :)