Monday, December 6, 2010

P741 Million vs 741Million Smiles :)

Tuesday, 12:00 midnight. Breaktime. Nag-scan ako ng Flash drive ko, gagamitin ko kase pagkatapos ng breaktime. Ginamit ko kase sa computer shop yon last time e baka may mag-pop up na "virus detected: terminate user to continue.." kaya iwas gulo na lang. Maliit lang yung capacity ng Flashdrive ko, 512MB, kakatapos lang kase ng diskette dynasty nung binili ko 'to kaya mahal pa 'to nung panahong yon. Kingston po ang brand nito - baka lang kase madaling masira yung inyo at naghahanap ng subok nang tatak ng flash drive.

Hindi naman puno pero matagal bago natapos yung pag-scan ng flash drive ko kaya naisipan ko tingnan ang laman para sa mga files na pwede na i-delete. Maliban sa porno clips at mga larawan ni cristine reyes e makalat na din pala ang flashdrive ko.

Double click.. Open.. back.. click.. delete..

Nabuksan ko yung isang folder na may folders pa ulet sa loob. Sa loob ng mga folders e may madaming pictures. Pictures nung outing namin last November 27-29, 2010. Naka-group by folder kase iba't-ibang source, iba't-ibang camera. Matagal din bago ko natapos tignan isa-isa lahat ng pictures. Kulang ang buong breaktime lalo na kung tititigan mo pa ng husto bawat detalye ng mga pictures. Naalala ko nung unang binalak ko na magsulat tungkol sa 3-day adventure naming 'yon e natanga lang ako sa harap ng computer. Bakit? Kase hindi ko alam kung paano sisimulan, mahirap i-kwento lahat lalo na kung pictures ang pagbabasehan. Minsan e napapangiti na lang ako sa harap ng monitor. KASE..

Naalala ko yung eksena nung oras na nandun ako at nakaharap sa camera..

Pose.. click.. flash..

Naalala ko kung ilang ulit na mas masarap kainin yung sinangag ni Mitch, tinapay at palaman nila Deuxe, medyo hilaw na sinaeng at delata kesa sa mamahaling pagkaen sa Max's resto. Bakit? :)

Pose.. click.. flash..

Naalala ko kung ilang ulit na mas masarap matulog sa loob ng tent kesa sa malambot na kama. Bakit? :)

Pose.. click.. flash..

Naalala ko na abot hanggang poso ang hilik ni Papajep at abot sa may CR at sa kabilang grupo ang utot ni Reysan.

Naalala ko kung ilang ulit na mas mabisang cardiovascular exercise ang "jump shot" kasama ang mga bida kids kesa mga exercise program sa fitness gym.. Bakit? :)
Pose.. click.. flash..
Anu nga bang panama ng mga jacuzzi at spa sa full body massage at super mega full body scrub promo ng mga buhangin at alon?


Anu bang pantapat ng matataas na buildings ng Manila sa magandang view ng burol, bundok at lighthouse na may libreng foreigner nanaka-bikini sa taas?

Lamang ba ang enchanted kingdom sa sayaw ng alon at harurot na tricycle ni manong?

Mas masarap ba magsurf sa net kesa mag-surf sa alon?
pose.. click.. laugh..

Sino bang mag-aakalang mahal ang tindang flute ni manong dahil may kasama itong NOTES?

Pag nakakarinig ka ba ng tunog ng ibon e aakalain mo bang sinusundan ka ni manong para bentahan ng tunog-ibon instrument?

Maiisip mo bang lugi ka pag binili mo ang tindang crossbow ni manong kase maliban sa mahal e hindi accurate ang pana nito? Isa pa e matatakasan ka ng target mo sa tagal magreload ng pana nito.

Napaisip ka ba kung ang Anawangin ang Duyan capital of the World dahil sa dami ng nag-aalok ng duyan? May binebenta bang duyan na may libreng puno?

Mahahanap mo ba sa google ang katotohanang sa likod ng maskara nila Batman at Superman e nagtatago sila Batang Manyak at Super Manyak?

Naaalala mo ba ang hangin at puno sa campsite pag naririnig mo ang tunog ng MRT?

Alam ba ni Kuya Kim na ang tagalog ng bato ay... stone? :-? =))

Malalaman nyo bang ang tunay na matanglawin e si Kuya Lim at hindi si kuya Kim?
pose.. click.. flash..

Naalala ko na mas mahilig mag-pose ng pang-facebook ang sundalo gamit ang kanilang HARMALITE kesa sa combat boots..

Masasabi kong mas nakakapagod ang office works at magdala ng laptop kesa libutin ang isla at magbuhat ng mabigat na backpack.

Mas masarap maligo at tumawa sa poso kahit panalo sa Japan at amoy kalawang ang tubig kung si Reysan ang "bobomba sa'yo"...

pose.. click.. flash..

Anong panama ng Nokia C3, touch screen cellphones at imba phones sa Flashlight cellphone ni papajep sa gitna ng kadiliman?

Alam nyo ba na ang mga madre sa Zambales e nakakadetect ng superman? Diba Topergrapher? >:)

Pause.. music in: Reunion by Parokya ni Edgar

Alam nyo ba na ayokong matapos ang byahe kasama kayo?
Alam nyo bang madami pa tayong byaheng dapat i-set bago tuluyang tumanda?
Kelan ba susunod na byahe?
Ikaw na hindi sumama, babawi ka na ba?

Alam nyo bang tinalo ko pa yung nanalo sa lotto?
May mga bagay na di matutumbasan ng pera, premyo o sweldo:
Lamang ba ang P741 Million vs 741Million smiles at insect bites?

2:39 AM na pala. Lagpas na ko ng 1 hour at 39 minutes sa breaktime ko pero ito lang ang nasulat ko.. Tulad ng hermit crabs na di mauubos kahit punuin ang isang timba, tulad ng mga moments na di kayang ma-capture ng full charged battery ng camera, tulad ng malawak na isla na di malibot sa buong maghapon, hindi ko din kayang pagkasyahin sa konteng panahon ang pagsusulat ng mga istorya sa likod ng mga nagkalat nalarawan.


Hanggang sa susunod na byahe..
Hanggang sa susunod na pagsusulat..
Hanggang sa susunod na istorya..
Hanggang sa susunod na mga ala-ala..

File..Save..
Copy.. Click.. Browse.. Paste..Post :)







10 comments:

  1. d best..!!! wahahahaha!! LOVE IT!!!

    ReplyDelete
  2. Thanks mga tol.. hanggang sa susunod na byahe, pictures at storya :) planuhin na yan! haha isama sa budget ang first aid kit at Anti-insect bites :)

    ReplyDelete
  3. hehe ayus.. same feeling tuwing may climb ako.. tama ka pre.. mas mabigat magbuhat ng laptop kesa maglakad ng may malaking bag sa likod.. hehe.. lalo na pag kasama ang mga tropapips...

    naiinggit ako, pero dahil blood is thicker than water, kailangan ko talagang ipagpalit ang 741 million smiles para sa bertdey ng lolo ko.. hehe..

    sa susunod babawi ako.. hehe

    ReplyDelete
  4. ang galing2 ..
    balak mo bang sundan ang yapak
    ng idol mong si propesor deluta?..:))

    ReplyDelete
  5. nka smayl thru awt reading this article :D
    layk it!

    ReplyDelete
  6. hahaha idol ko po talaga si master arlan.. hehehe

    ReplyDelete