Taena na-late ako ng 14 minutes!
Naka-idlip na ko sa bus pero pag-gising ko e bandang Nichols pa lang kami.
Idlip ulit. Nagising ako kase bumilis yung andar ng bus, malapit na sa EDSA.
Paakyat ng tulay sa may Magallanes. Taenang Nichols yan, lagi na lang trapik.
Badtrip ako sa late ko pero hindi ito ang topic ko ngayon, nagshare lang akong sama ng loob.
Sa pagtatapos ng 2010, uso na naman ang mga year end special episodes sa mga TV stations. Yun bang magbabalik tanaw sa mga nangyari at highlights. Tapos may mga text promo pag commercial breaks. Yun bang mauubos mo na load mo e hindi ka pa nananalo.
Hindi ako "in" pag di ako nagsulat ng tungkol dito.
Game..
pause.. isip isip..
Resume..
Sa kasamaang palad e wala ko masyadong maalala. Check nyo na lang profile kosa facebook tapos tignan nyo yung mga pictures. Search nyo si Lovaparusa.
Iba na lang isusulat ko.
December naman ngayon kaya isusulat ko na lang yung mga binalak at binili, ginastusan at kung anu anu pang pwedeng balikan nitong nakaraang 30 days.
Mahilig nga pala ko magbilang ng gastos. Hindi pa ko sumusweldo e nakalista na yung mga gagastusin.
Una sa listahan ang bill ng kuryente at tubig. Basta kase sweldo ng month end e kaltas na yon agad. Pangalawa e yung allowance ko hanggang sa susunod na sweldo. Php1,500.00 yon. Maliit kase wala naman akong gelpren pero malaki na para sa single kase, kase, DOTA ang bisyo ko, facebook, internet. Ito ang social life ko. Yung bonus ko nga pala nung year-end party namin e ginastos ko sa Anawangin. Taena, naalala ko natrapik pala ko nun. Yoko na maalala!
Pause.. resume..
San nga ba napunta yung tira sa sweldo ko?
Pause.. loading data.. resume..
Ginastos pala yun sa Divisoria, yun na papasko ko sa mga kapamilya ko sa bahay. Malaking gastos pero sulit naman nung nakita kong enjoy sila pag-uwi. Bumili lang ako para sa sarili ko ng bagong book ni Bob Ong, isang maliit na notebook, at pang-exchange gift sa pool party namin ng officemates ko.
Wala akong tinabi mula sa Sweldo ko ng November at December.
Para sakin kase, January to October ang ipunan tapos November at December ang gastusan. Birthday namin ng Nanay at Tatay ko pag November.
Ito ang pinaka-sulit sa lahat ng gastusin ko kase dito ko nakikitang mas masaya ang mga magulang ko. Pasasalamat ko na din sa kanila.
December naman ang gastusan kasi nga magpapasko at baguntaon.
Yung 13th month pay ko e hindi ko magastos kase ipapatapos ko muna yung bahay namin sa Cavite. Medyo masama pa loob ko kase hindi ako nakabili ng computer o selpon manlang para iregalo ko sa sarili ko. Para sakin kase,meron tayong January to October para gastusan yon pero ang pasko e hindi mo magagastusan sa ibang months. Sige nga try mo magregalo ng pamasko pag summer! Isipin ko na lang na dagdag income din yon pag pinarentahan. Para mabawasan ang sama ng loob.
Yung sweldo ko ng mid-December e ginastos naman panghanda sa pasko. Syempre kaltas muna yung allowance ko para sa next 15 days. Sulit naman yung gastos kasi naramdaman ko naman yung sweldo ko.
TAWAAAAAAAAADD!!!!
Nag-umpisa ang Simbang gabi at nagkalat na din ang mga nangangaroling. Nawawala na ang creativity ng mga bata ngayon, hindi na kase sila gumagawa ng instruments. Nung panahon namin, magsisira pa kami ng payong para ilagay sa tambol yung tela. Mas maganda daw kase yung tunog. Tapos yung tansan na matyagang iipunin tapos pipitpitin tapos tutuhugin sa alambre para gawing tambourine. Hindi na rin nila tinatapos ang kanta pag binigyan mo ng barya. Tengkyu na lang kagad. Sakit sa bulsa. Ubos barya ko. Taena nabawasan pa pangdota ko. Grabe kasi mga bata ngayon, pag binigyan mo ng barya yung nauna, magtatawag ng kasunod, at kasunod,at masusundan pa! Tawad na lang muna mga bata, maiintindihan nyo din kami pagtanda nyo, bumawi na lang kayo sa susunod na henerasyon ng mga mangangaroling.
Isang beses lang ako nakapag-simbang gabi, yung huli pa. Wala na kaseng pasok kinabukasan. Wala na din akong SL/VL kase nagka-trangkaso ko. Absenero ko pero sisihin na lang natin yung trangkaso para di naman ako magmukang tamad. Day shift naman ako buong week bago magpasko pero hindi parin ako makapagsimba kase sa pagitan ng bahay at simbahan e madadaanan ko muna yung computer shop. Alam na.. Reserved na kaagadang PC-6.
3.. 2.. 1.. Merry Christmas!!!
Hindi mawawala ang inuman pagkatapos ng noche buena. Kumpara nung isang taon e hindi ko masyado na-enjoy ang pasko ngayon. Madaming wala, madaming kulang, at may naligaw sa ibang inuman. Hindi pa libre yung videoke kahit sinabing libre daw yon pagsapit ng hatinggabi. Madami din naman kaming nainom at inumaga na din ng uwi. Madami din akong gastos. aguy! Dito ko inubos yung medical reimbursement na na-withdraw ko.
Money po ninong! Money po ninang!
Tinanghali na din ako ng gising at gutom na gutom. Hindi pa ko ko kumakaen e napatagay ako agad paglabas ng bahay. Hinanap ko agad ang mga inaanak ko. Mission accomplished bago kumain. Sa panahon ngayon e katumbas na ng aginaldo ang karapatang batiin at dumaan sa tapat ng bahay ng kumare at kumpare at magpakita sa inaanak sa loob ng 365 days. Sa madaling salita, mahihiya ka magpakita sa kanila sa susunod na mga araw hanggang sa susunod na paskong nakapagbigay ka. Nakalimutan na din kasi ng iba ang tunay na role ng ninong at ninang sa mga inaanak nila sa binyag. Hindi ko nga pala naramdaman yung iba kong ninong at ninang nung bata pa ko kaya ayoko namang maramdaman din yon ng mga inaanak ko.
Mahaba na din pala itong naisulat ko. Wala pang bagong taon pero malaki na din pala ang gastos namin. Ok lang, sulit naman. Hindi ko na lang ituturing na gastos kundi pagbabahagi ng biyayang natanggap ko buong taon. Laging tandaan na ang pasko ay panahon ng pagbibigayan lalo na at ito ang pag-alala natin sa araw na binigay sa'tin ng Diyos ang kanyang anak.
Magpasalamat ka at buhay ka pa ngayong pasko at aabot ka pa ng 2011. Wag mong ipagpabukas ang pagtulong sa kapwa dahil hindi mo alam kung aabot ka pa sa susunod na pasko, o sa susunod na araw.
Salamat sa panahong binigay mo sa pagbabasa nito.
Isang masaganang bagong taon sa iyo. :)
Text Promo:
Sinong dapat sisihin kung bakit na-late si Kuya Ganja?
A. Yung nag-cause ng trapik
B. Nakipag-inuman hanggang madaling araw kaya tinanghali ng gising at 7:15AM na umalis ng bahay
I-text ang
Ganja-space-
at i-send sa 09233047522 para sa Sun Cellular
at 09195253639 para sa Smart
Wala po akong globe na sim. Penge naman
No comments:
Post a Comment