Sept 24, 2010 - Friday 9:22 PM - Pilipinas
Nakababaliw na gabi na naman.
Nasa opisina ka nga pero hindi ramdam.
Nakabibingi ang katahimikan.
Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng aircon,
pagbukas at pagsara ng elevator sa labas
at ilangtaong nag-uusap o naglalakad.
Sa tuwing bubukasang elevator, pinakikiramdaman
ko kung nariyan na ba ang boss ko.
Kahit dumating na sya mula sa amerika
e hindi pa alam kung papasok.
Ayoko din naman syang makita.
"Away" ang status nyasa skype.
Lalong walang katiyakan kung papasok basya o hindi.
Sana hindi.
Pagdating ng 11PM at wala pa sya, pwede na ko magsaya.
Minsan kasi e late lang sya.. super late.
Hanggang 11PM pa ako magtitiis sa ganitong pakiramdam.
Nakababaliw.
Wala akong kasama sa office pag Friday kundi sya.
Pag Friday kasi e walang pasok ang officemate naming si Lyka.
Sa nakabasa nito pero di nakaaalam,
tatlo lang po kami sa night shift dito sa office.
Tuwing Biyernes talaga tinatamad akong pumasok.
Friday sickness.. Taena..
Habang ang iba egumigimik, habang ang iba e natutulog,
habang ang iba e nagrerelax, andito ako sa opisat nababaliw.
Bakit? Hindi ko na kasi gusto angginagawa ko dito.
Nakakasawa na. Walang progress.
Gusto ko na magresign. Sa kasamaang palad, hindi pwede.
Matatapos na ang September.
92 days na nga lang daw at pasko na.
Takot akong mabakante bago magpasko.
Ayokong maranasan na mabakante kahit isang linggo lang.
Lalong ayokong isipin na mawalan ng trabaho sa
loob ng isang buwan o higit pa.
Ayoko pang magresign kung wala pang malilipatan.
Kahit may experience na ako, mahirap parin lumipat.
May bond ako sa company namin ngayon.
Ito ang pumipigil sa akin para maghanap ng malilipatan.
Hanggang December ko pa titiisin ang kabaliwang ito.
Kahit ayaw ko ng pasko, sana magpasko na.Gusto ko na umalis.
No comments:
Post a Comment