Matagal na din pala yung last post ko. Dahil wala akong magawa, isusulat ko na lang
kung paano lumilipas ang isang ordinaryong Lunes sa buhay ko.
Ordinaryong araw ng Lunes, maagang gumising para humanap ng magandang simula.
Naka-plano na ang gagawin sa maghapon:
Pagkagising, derecho banyo, lababo at harap ng salamin.
Derecho lamesa maghahanap ng pagkaen. Solb na sa kanin, itlog at kape.
Bubuksan ang TV para manuod ng balita sa umaga.
Mag-aabang ng Punto por punto (tungkol sa DepEd ang topic ngayon
at sa mungkahi na bawasan o tanggalin ang homeworks ng studyante
tuwing weekends. Kaya lang di na ko studyante. badtrip),
Mag-aayos ng computer habang manonood ng doraemon, detective conan,
shaman king, Ben 10, tapos random movie sa channel 2(Enteng Kabisote 4 sa araw na to),
Showtime(party party!!!), siesta tapos tambay ng computer shop hanggang sa pagpasok
sa opis (opo. panggabi po ako.)
Balak kong magreformat ng PC ngayon. Kelangan ko kase, kelangan magreview, kelangan
mag-aral ulet. Information Technology ang tinapos ko. Wala man kaming board exam,
kelangan updated ka sa mga kung anong dapat aralin. Kung anong madalas na hanap ng mga
employers. Sa kasamaang palad, mukang wala nang pag-asa yung computer ko. Kung kelangan
kong bumili ng pyesa, bibili na lang ako ng bagong unit. Sira kagad ang umaga ko.
Nanood na lang ng tv. Tumugtog ng gitara. Nagutom, nagluto ng hotdog. Nanuod ulit ng TV.
Nakatulog habang nanonood ng Enteng Kabisote 4. Nagising sa ingay. Showtime na pala,
at nandon na ulit si kuya kim. Inaantok pa ko kaya natulog ulit ako.
Hapon na nagising. Tambay sa computer shop. Naghintay ng players. Nagbukas ng facebook,
click, type, enter, click, basa, scroll down, click, basa, at nalungkot sa binasa. Oo, sa gitna ng
boring day e nalungkot pa ako. Kung bakit ako nalungkot e samin na lang yon nung isang nagtanong. Si Grace na naligaw sa post ko. Nag-log out, naghintay ng kalaro sa dota. 5PM na
nakapaglaro, nanalo sa 2 games, kahit pano enjoy. Umuwi, naligo, nagbihis, kumain, pumasok sa
office kahit tinatamad. Bumili ng isang sachet ng Nescafe 3in1 at Bravo biscuit. Tipid na naman. Dinamihan ko na lang pagkain ko nung dinner. Naglakad sa papuntang Bicutan, nag-abang ng bus na byaheng Ayala ilalim. Badtrip lobat ipod shuffle ko. Trapik sa ayala ilalim, dumaan sa ibabaw. Sakto lang ang byahe, nakapaglakad pa ko mula Buendia station hanggang office.
Nilalakad ko yon dahil nagtitipid ako. Bukas lalakarin ko naman mula office hanggang Buendia PNR station. Tipid ang tren, 10 Pesos lang. Ewan ko ba kung bakit nagtitipid ako pero nakukuha ko pa magdota, magfacebook, at mag-internet. Dumating ako sa office, nandon si Fil, dala nya ata bagong ID namin sa office. Bagong ID na may recycled na picture. Ayoko na mag-ID, wag nyo na itanong, tignan nyo na lang ID ko. Nagbukas ako ng pc, nagpunas ng pawis.
Office hours na.. sshh...
Breaktime nung ginagawa ko to.
Wala lang, gusto ko lang ma-share kung gano ka-boring tong buhay ko. Lunes lang yan,
mas boring mula Martes hanggang Byernes.
Baka sakaling may maligaw at magbasa, kawawa ka naman, nasayang ang ilang minuto sa buhay mo. toinks.
Sana bukas ibang kwento naman, sana may interesanteng mangyari, sana ganito, sana ganyan, sana sweldo na.
End
No comments:
Post a Comment