Wednesday, September 29, 2010

LSS: I wanna be a Billionaire! ♫♪

♫♪ I wanna be a Billionaire... ♫♪

Ewan ko kung sino ang kumanta nito.
Naririnig ko lang ito sa suki kong PC shop,
sa Youtube, minsan sa radyo.
Sabi ng tropa kong si Jerome, yun daw
ang bagay na kanta para sa mga tropa
naming sumali sa isang neworking (scam?) ewan.
Ito daw kase ang isa sa pinakamalapit na daan
para yumaman. Kung ako ang tatanungin e,
wala akong interes don at sa kung anu man ang
binebenta o pinakikilala nila. Lalo na sa recruitment.
Ang alam ko kase sa ganyan e kelangan mong
magrecruit.. tapos.. kikita ka pag bumenta(?)
Wala 'kong talent sa ganyan.

Kanya kanyang trip yan, at yon ang trip nila.
Ang isang magandang bagay lang e, maganda ang
goal nila sa buhay. Para saan nga naman ang mabuhay
araw araw kung di mo naman alam kung anong
gusto mo sa buhay.

Dati kaming parang wala lang.
Tamad na studyante, tamad na anak. Tambay.
Gitara, yosi, basketbol, alak, hikab.
Kain, tulog, ligo, laro, gala.

Ilan lang sa amin ang nagcollege, nakatapos,
makatapos man e, kahit anong trabaho na lang,
basta may sweldo.
Hindi man kami nagseryoso sa buhay,
lahat naman kami nangarap.
Ang tinutukoy ko nga pala dito sa sinulat kong
ito e yung mga tropa ko samin;
Hindi sa PUP, hindi sa BPS.

I wanna be a Billionaire ♫♪

May katropa akong may-ari ng computer shop,
may working student, may kaka-graduate pa lang,
may salesman, may tambay, merong may anak na.
Lahat kami pinangarap yumaman. Sino bang ayaw?

Hindi ka yayaman kung empleyado ka lang.
Isa siguro ito sa aral na nakuha ng mga tropa ko sa
seminar sa pinasok nilang networking(scam?) ewan.
Naniniwala din naman ako sa kanila, at natutuwa
ako para sa kanila. Sana matupad namin ang
pangarap namin.

Ako, empleyado ako ngayon.
Hindi ko pa alam kung kelan ako yayaman.
Sa sweldo ko ngayon, matagal pa bago ako makaipon
ng isang milyon kahit pa wala kang ibang gawin kundi
mag-ipon, wala kang bibilhing kahit ano, cellphone,
computer, laptop, pagkain, damit at kung anu-ano pa.

Malayo pa ako sa pagiging milyonaryo.
2 out of 12 Apartment units pa lang ang meron kami.
Hindi lahat ng sweldo ko e naiipon ko,
madami kaming gastos. Madami kaming pinag-aaral,
madami akong inaanak, kelangan ko kumain,
kelangan ko magbayad ng bills, kelangan ko mag-load,
kelangan ko bumili ng mga gamit sa sarili,
kelangan ko gumastos sa ayaw at sa gusto ko.
Kelangan ko ng mas malaking sweldo para dito,
kelangan ko mag-apply para sa mas malaking sweldo,
kelangan ko mag-aral para sigurado ang application ko,
kelangan ko ng computer unit para mag-aral,
kelangan ko ng internet,
kelangan ko magtipid para makabili ng computer,
kelangan ko magtrabaho para sa sweldong titipirin,
kelangan ko ito isulat para sa susunod na mabasa ko ito
e malaman ko kung natutupad ko ba ang mga pangarap ko.
Mahirap pero, alam kong may mas naghihirap pa kesa sakin
makakain lang sa maghapon.

♫♪ I wanna be a Billionaire! ♫♪

No comments:

Post a Comment