Nalalapit na nga daw ang katapusan, pagkagunaw, judgement day,
paghuhukom, second coming o kung anu pa man gusto nyong itawag.
Kelan lang e naging laman ng balita itong si Harold Camping,
isang evangelical christian broadcaster mula Amerika, dahil sa
kanyang prediksyon na magugunaw daw ang mundo nung May 21.
Maraming tumaas ang kilay, natawa, nawindang pero mas marami
atang walang pakelam sa pahayag nyang ito. Sa panahon ngayon
na madaling kumalat ang impormasyon, madaling magpahayag ng
saloobin tungkol dito. Karamihan ay naniniwalang may katapusan
ang mundo PERO walang makapagsasabi kung kelan.
Para sa mga kristyano, tanging ang Diyos Ama lamang ang
nakakaalam kung kelan nya gugunawin ang mundo. Madami pang
nag-post sa Facebook ng mga Bible verses tungkol dito.
Hindi ko na kelangan i-quote. Makikidagdag pa ko sa kanila.
Para sa mga siyentipiko, bilyong taon pa bago masira ang mundo.
Maaaring dahil sa asteroids, pagsabog ng araw, paglindol at
tsunami, ice age, global warming at kung anu ano pa.
Para saken, ayoko munang isipin na magugunaw na ang mundo.
Malay mo magkaron ng alien invasion. O kaya masira mundo as
pagdating ng mga transformers o kaya dahil sa mga kalaban
ni Thor. Hindi pa ata pinapanganak ang tunay na Ben10.
Wag kang makelam. Blog ko to. Lahat pwede ko isulat.
May 21. Kung magugunaw nga ang mundo e gumising ako agad
sinulit ko na ang paglalaro ng Heroes of Newerth!
Nakanuod pa ko ng Pilipinas Got Talent pero walang gunaw.
Natulog.
May 22. Buhay pa ko. Waw. Showing na nga pala ang Pirates
of the Caribbean: On Stranger Tides. Swerte at nakanuod pa!
Nakalinya pa nga pala ang Kung Fu Panda 2 sa listahan ng
gusto kong panuorin sa sinehan. Nakapanlulumo kung iisipin
na magugunaw na ang mundo at hindi ko to mapapanuod.
Kung sakali mang nagunaw ang mundo e magrerequest nalang
ako siguro na lahat ng deds e may libreng film showing.
Kahit hanggang X-men: First Class lang po sana.
May 24. Nabasa ko na naman sa yahoo news ang pangalan ni
Harold Camping. Nung una e naisip ko na baka public apology
ang mababasa ko. Sakit sa ulo. Na-re-sched lang ata ang
gunawan session dahil sabi nya ngayon e Oct 21 na daw ang
petsa. Scroll down. Mas masarap basahin yung comments kesa
sa mismong article. Natatawa ko sa mga comments na nabasa ko.
Subukan mong basahin din. ito yung link:
guuunaaaawww!!!
Seryoso.
Dapat ba literal ang pagdedetalye sa "doomsday?"
Para sa isang taong nawalan ng mahal sa buhay, nawalan ng trabaho,
tinambakan ng kamalasan, naholdap, e para nga namang nagunaw
ang mundo nya. Sige try mo, baka sisihin mo pa ang Diyos.
Diyos nga ba ang wawasak sa mundo?
"Dadating ang araw na gugunawin ng Diyos ang mundo.."
where Man = God;
Unti-unti nang ginagawa ng tao na Diyos ang sarili.
ah, kaya pala.. hindi na ko magtataka.
Mamimili na lang pala kung paano sisirain ang mundo.
Ang simpleng pagwasak sa sariling dignidad bilang tao
ang dahilan ng pagkawasak ng sarili mong mundo.
No comments:
Post a Comment