Masarap maging bata ulit. Mapapaisip mo ito pag
medyo stressed ka sa trabaho o nakakita ka ng
mga batang masayang naglalaro. Kung magiging bata
ka ulit, bakit hindi? Masarap maging bata ulit.
Kumpara noon, mas madaming libangan ang mga bata
ngayon. Batang '90s ako. Laki sa isang ordinaryong
pamilya. Kung anu man ang maisulat ko e siguro
hindi lahat ng ka-edad ko e makaka-relate.
Naghanap ako ng kahit ano sa internet ng kung anu-
anong bagay tungkol sa dekada nobenta at hindi
lang pala ako ang gustong magsulat at magkwento
tungkol sa ilang bagay na "common" sa tulad
naming batang '90s.
Bago pa nauso ang mga HD at LCD TVs ngayon,
nauso muna ang mga Black and white TV. Hindi pa
uso ang remote control. Malilipat mo lang yung
channel sa pihitan na kala mo sa washing machine.
Mayaman kayo kung may colored TV na kayo agad.
Uso ang brownout kaya mas madalas ka sa labas
at naglalaro.
Kung uso ang PSP ngayon, may brickgame kami noon.
Meron pa ngang contest sa Eat Bulaga dati na
pataasan ng score. Mas advanced ang unit ng
brickgame mo kung meron itong F1 race, battle
tanks, at boxing. Hindi pa uso ang backlight
dati kaya mas cool ang unit mo kung may ilaw.
Hindi pa pinapanganak si Ben10 e madami nang
tagapag-tanggol ang buong mundo:
Si shaider at ang kanyang change costume scene
na may sound effects. Syempre hindi ka cool pag
hindi mo kayang gayahin yung pose nya. Ang cute
nyang chick na si Annie na kita yung panty na
mukang diaper pag may fight scene.
Si ultraman at magma man na madaling malobat
at alam mong nanghihina na pag nag-blink na
ng red yung ilaw nila sa dibdib.
Mas naeenjoy mo ang maskman kesa sa bioman
kase tagalog yung maskman at english ang bioman.
Kalaban mo sa panunuod nito ang mga matatandang
nanunuod ng boxing at sabong pag linggo.
Chinese variety shows ang palabas tuwing
umaga ng linggo. Tapos susundan ng Eh, kasi bata.
Napanuod mo ang Kwarta o Kahon. Tapos ADVAN yung
bidang sapatos kase pipili yung contestant ng
isa sa limang kahon na may letrang A-D-V-A-N.
Tagsawa ka sa TV ad ng Family rubbing alcohol
na hindi lang pampamilya, pang-sports pa.
Tuwing Biyernes gabi mapapanuod ang Power Rangers,
X-men, Batman kasi Sabado kinabukasan at pwede
magpuyat. Nauso yung plastik na laruan na
robot ng Power Rangers. Katulad ito ng voltron.
Bago pa ipalabas sa GMA7 ang voltes 5 at Daimos
e sa channel 13 ko ito unang napanuod. English
pa kaya hindi ko naenjoy ang storya.
Si machineman at si buknoy the fighting ball e
agaw eksena din.
Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel
and Jay at hindi pa ito Mel and Joey.
Grade 3 ata ko nung nauso yung gatorade tapos
yung takip pinapatunog.
Mahirap piratahin ang Betamax at VHS tapes
May free stickers ng Disney movies sa loob ng
Maggi noodles.
Family Computer, Nintendo at Sega ang usong
game consoles.
Si Leonardo di Caprio ang pinakapoging lalake
dahil sa movie na titanic.
Mabenta ang bazooka bubble gums dahil sa comic
strip na nasa pabalat nito.
Si Judy ann Santos at Gladys Reyes ang tunay na
Mara at Clara.
Si Jolina at Marvin at Juday at Wowie ang usong
love team.
Pagkatapos ng Eat Bulaga, mapapanood ang Valiente.
Patutulugin ka na ng nanay mo sa tanghali para
tumangkad.
Pag nasugatan ka, lalabas ang pari at tren sa
sugat.
Uso sa primetime ang Okay ka Fairy ko, Oki doki
doc, Abangan ang susunod na kabanata, palibhasa
lalake at Home along da Riles.
Kilala mo si Buddy en Sol
Batibot ang palabas sa umaga na susundan ng
Teysi ng Tahanan.
ang timeslot na 4:30PM e para sa Ang TV.
esmyuskie!!
Sa channel 5 mapapanuod sila Sailor Moon.
Pinalitan nga ba ng ATBP ang Batibot? tapos
nagkaron ng sineskwela. Doon makikita ang unang
treant protector.
Pang hapon ang schedule mo sa skwelahan kung
mapapanuod mo pa si Georgie.
No comments:
Post a Comment