Wednesday, May 25, 2011

Tinong Dapat Titihin?

Masarap ang bawal sabi sa ad ng Tanduay Ice.
Masarap ulit ulitin lalo na kung walang pumipigil.
Masarap pag patago. May "thrill".
Mas lalong masarap kung yung dapat na magbawal,
e hindi ka kayang pagbawalan o pwede mong
takpan ng pera ang mata para walang makita.

Kelan lang e laman ng balita itong si mang Antonio
Leviste, ex-Gov ng Batangas. Ilang beses din
syang nakuhanan sa video ng isang investigative
program ng ABS-CBN na nakapagbibyahe at gumagala
sa labas ng Bilibid. Isipin mo, pano nalang kung
walang nagsumbong? Preso parin kayang matatawag
tong taong to?

Tino nga ba ang dapat Titihin?

Hindi natin masasabi na walang ibang nakakaalam
sa gawaing ito ni Leviste. Lalong hindi ako
naniniwala na walang kumita ng pera dito.
Kahapon e napanuod ko sa tv ang isang interview
sa isang naging bilanggo. Para daw kasi magkaron
ka ng pribilehiyo e kelangan mo ng "lagay".
Hindi man nabanggit kung kanino talaga nagbibigay
e maliwanag po na sila sila din lang ang dapat
managot.

Mula sa sakit ng ngipin e napunta ang sisihan sa
mga bantay ng bilibid. mula sa bantay papunta
sa nakatataas, sa bantay ng main gate hanggang
mapunta ang usapin kay Bureau of Corrections
Director Ernesto Diokno. Sya nga naman kasi ang
nasa pwesto na may pinakamataas na katungkulan.
Nabasa ko lang din na sinuspinde nya ang mga
gwardya at opisyal na may kinalaman dito.

Before you point your fingers, make sure your
hands are clean.


Bakit sila lang? Hindi ba may pananagutan ka din?
Huwag nyo po sanang ikatwiran na dinatnan nyo na
ang ganitong sistema. Inappoint ka nga po kase
pinagkatiwala sayo yung tungkulin na maging parte
ng sinasabing tuwid na landas. Ang nangyari kasi e,
Sa sobrang tuwid ng daan e mabilis makalabas at
makapasok yung preso kasi walang liku-liko.

Wag nyo po sanang sisihin yung "Drug syndicate"
sa bilibid na tinuturo nyo pong nasa likod ng
propagandang ito kase, ibang usapin na po yon.
Teka, bakit nga ba may drug syndicate sa bakuran
nyo? Hindi ba trabaho nyong tanggalin sila?

Wag nyo din po sana ikatwiran yung kakulangan ng
tao, o wag nyo din po sana sabihin na madami sila
para bantayan nyo lahat 24/7. Kung ganyan lang din
po e, bakit nyo tinanggap yung pwesto?

Bureau of Corrections po ang pinwestuhan ninyo.
Sana po e hindi iba ang kahulugan nito sa dictionary
o sana manlang nagbabasa kayo nito.

Delicadeza
Diretso ko pong sasabihin na sana e magresign nalang
lahat ng involved at pagdusahan ang kasalanan.
Wag nyo na po sanang kaladkarin sa putikan ang
inyong pangalan. Nahulog na nga po kasi't nadumihan.

If you can't beat them, join them.
Baka po sa susunod e i-legalize na din yan kase
hindi masolusyunan? Baka bukas maging uso na ang
bracelet na posas sa mga kalye.
Baka hindi ko na malaman kung ilan sa mga kasabay
kong kumain sa foodcourt e preso.
Mag-ingat po sana kayong mga dentista kase baka
presong masakit ang ngipin ang pasyente nyo.

Nabasa ko sa balita na nagresign ang isang opisyal
ng nasirang Nuclear Plant sa Japan dahil sa tsunami.
Tanda ng pag-ako ng responsibilidad at pananagutan.
Binasa ko yung mga comments at hindi na ko nagulat
nung nabasa ko na "sana ganyan din ang mga opisyal
dito sa Pilipinas".

PNOY
Bibilib po ako sa inyo kung personal nyo pong
aaksyunan ang problemang ito. Naaalala ko po kasi
na dati e agad ninyong tinanggal si Mr.Prisco Nilo
bilang head ng PAG-ASA dahil sa sinasabing maling
weather forecast nung bumagyo. Masasabi nyo po
kayang binayaran sya ng bagyo para sa maling
weather forecast at sisihin ang kakulangan ng
equipment? Hindi po ba parang nasa parehong lagay
itong si Diokno na dapat imbestigahan at matanggal
din kung mapatunayanng may pananagutan?

Ano nga po kaya? Tino nga po ba ang dapat titihin?

No comments:

Post a Comment