Divorce: The action or an instance of legally
dissolving a marriage.
- Webster
Annulment is a legal procedure for declaring
a marriage null and void. Unlike divorce, it is
usually retroactive, meaning that an annulled
marriage is considered to be invalid from the
beginning almost as if it had never taken place
(though some jurisdictions provide that the
marriage is only void from the date of the
annulment).
- wikipedia
Yahoo News link
Maltese vote yes to divorce,
PH to be only country in the world
with no divorce
Maiksi lang tong article na to pero nagtagal ako
sa page kasi mas matagal basahin yung mga
comments galing sa readers. Ito kasi ang
nagpapasarap sa balita, ang opinyon mula sa iba't
ibang uri ng tao.
Sa unang tingin, parang.. wow, world record.
Tayo nalang ang bansang walang divorce. Siguro
para sa mga pari e malaking achievement ito para
sa pag-preserve ng "Filipino values". Kilala
din kasi tayo na family oriented people. Sa
sobrang tindi ng family bond e merong mag-asawa
na e nakatira pa sa magulang. Merong nakaka-limang
anak na e magulang pa ang bumubuhay.
Ganyan.
Masusulat nga ba tayo sa History books bilang
nag-iisang bansa na ayaw ng divorce? o huling
bansa na magle-legalize nito? Hindi man kasi
legal ang divorce sa Pilipinas e marami namang
gusto, takam na takam, sabik na sabik at inip na
inip sa araw na makalaya sa isang seldang papel
at kadenang kasulatan.
Ang kasal ay di tulad ng mainit na kanin na
pwede mong iluwa pag ika'y napaso. Gasgas na ang
matandang kasabihang ito. Isang mabigat na babala
sa lahat ng magkasintahang nagbabalak magpakasal.
Ito rin ang sermon ng mga biyenan sa mga anak
at manugang pag ang salitang A-S-A-W-A ay
nabawasan ng isang letra at ngayon ay S-A-W-A na.
At ang natitirang ugnayan na lang e A-W-A.
Kung hindi handa, wag muna.
Their anger hurts my ears
Been running strong for seven years
Rather than fix the problems,
they never solve them
It makes no sense at all.
I see them every day
We get along so why can't they?
If this is what he wants and this is what
she wants
Then why is there so much pain?
- Blink 182: Stay together for the kids
Hindi natin maikakaila na ngayon e maraming single
parents at mga broken families. Hindi mo masasabi
kung kelan babagsak ang haligi ng tahanan at kung
kelan mapupundi ang ilaw ng tahanan. Kung meron
mang higit na apektado e walang iba kundi ang
mga anak. Ang tahanang Diyos ang pundasyon
ay hindi kailanman magigiba.
Ang pinag-isa ng Diyos ay huwag paghiwalayin
ng tao - Mt. 19:6
Ang banta ng divorce ay malaking hamon hindi
lamang sa kakayanan ng simbahan kundi sa lahat
ng mananampalataya. Lahat ng tao ay binigyan
ng kalayaang magpasya para sa kanyang sarili at
ang pananatili sa gabay ng simbahan ay nasa
tao rin. Kahit ang Diyos ay hindi ka pinipilit
magsimba para sa kanya.
Hindi na nakagugulat na marami ang pabor
sa Divorce katulad ng sa RH Bill. Nariyan na
rin naman ang annulment. Hindi ko man masabi
kung anung pinagkaiba nito sa divorce e alam
ko namang pareho din ang silbi nito.
Kung mamamayan lang ang magpapasya e baka
matagal nang may divorce. Ang problema kasi e,
mga TraPo na sa Simbahan ang takbuhan pag
panahon ng kampanya.
Sa bandang huli, may divorce man o wala, tao
parin naman ang magpapasya kung anong sa tingin
nya e makabubuti sa kanya. Masisi mo ba si
kumare na alipin at hindi babae kung ituring
ni kumpare? Masisisi mo ba si Kumpare na walang
pahinga ang tenga sa kakatalak ni kumare?
Masisi mo ba ang simbahan na walang sawa sa
pagpapaalala sa mananampalataya?
Ang usapin ng Moralidad at Realidad ay isang
malaking sakit sa ulo. Ikaw?
A-lin ba ang pi-pi-li-in mo? e-to o e-to?
e-to? to-to-o ba? sa-bi ba ng Diyos? Oo?
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMy take ^^,
ReplyDeleteKailangan ba talangang dumepende ang simbahang katoliko sa batas?Ganun ba sila ka inefficient mangaral?
Same din to sa mga religious-kuno,
kailangan ba na meron pang batas ng tao para sundin nila mga paniniwala nila?