Wednesday, December 29, 2010

Money po Ninong! Money po Ninang!

December 30, 2010.Last working day ng 2010.
Taena na-late ako ng 14 minutes!
Naka-idlip na ko sa bus pero pag-gising ko e bandang Nichols pa lang kami.
Idlip ulit. Nagising ako kase bumilis yung andar ng bus, malapit na sa EDSA.
Paakyat ng tulay sa may Magallanes. Taenang Nichols yan, lagi na lang trapik.
Badtrip ako sa late ko pero hindi ito ang topic ko ngayon, nagshare lang akong sama ng loob.

Sa pagtatapos ng 2010, uso na naman ang mga year end special episodes sa mga TV stations. Yun bang magbabalik tanaw sa mga nangyari at highlights. Tapos may mga text promo pag commercial breaks. Yun bang mauubos mo na load mo e hindi ka pa nananalo.
Hindi ako "in" pag di ako nagsulat ng tungkol dito.

Game..

pause.. isip isip..

Resume..

Sa kasamaang palad e wala ko masyadong maalala. Check nyo na lang profile kosa facebook tapos tignan nyo yung mga pictures. Search nyo si Lovaparusa.

Iba na lang isusulat ko.
December naman ngayon kaya isusulat ko na lang yung mga binalak at binili, ginastusan at kung anu anu pang pwedeng balikan nitong nakaraang 30 days.
Mahilig nga pala ko magbilang ng gastos. Hindi pa ko sumusweldo e nakalista na yung mga gagastusin.
Una sa listahan ang bill ng kuryente at tubig. Basta kase sweldo ng month end e kaltas na yon agad. Pangalawa e yung allowance ko hanggang sa susunod na sweldo. Php1,500.00 yon. Maliit kase wala naman akong gelpren pero malaki na para sa single kase, kase, DOTA ang bisyo ko, facebook, internet. Ito ang social life ko. Yung bonus ko nga pala nung year-end party namin e ginastos ko sa Anawangin. Taena, naalala ko natrapik pala ko nun. Yoko na maalala!

Pause.. resume..

San nga ba napunta yung tira sa sweldo ko?

Pause.. loading data.. resume..

Ginastos pala yun sa Divisoria, yun na papasko ko sa mga kapamilya ko sa bahay. Malaking gastos pero sulit naman nung nakita kong enjoy sila pag-uwi. Bumili lang ako para sa sarili ko ng bagong book ni Bob Ong, isang maliit na notebook, at pang-exchange gift sa pool party namin ng officemates ko.

Wala akong tinabi mula sa Sweldo ko ng November at December.
Para sakin kase, January to October ang ipunan tapos November at December ang gastusan. Birthday namin ng Nanay at Tatay ko pag November.
Ito ang pinaka-sulit sa lahat ng gastusin ko kase dito ko nakikitang mas masaya ang mga magulang ko. Pasasalamat ko na din sa kanila.

December naman ang gastusan kasi nga magpapasko at baguntaon.
Yung 13th month pay ko e hindi ko magastos kase ipapatapos ko muna yung bahay namin sa Cavite. Medyo masama pa loob ko kase hindi ako nakabili ng computer o selpon manlang para iregalo ko sa sarili ko. Para sakin kase,meron tayong January to October para gastusan yon pero ang pasko e hindi mo magagastusan sa ibang months. Sige nga try mo magregalo ng pamasko pag summer! Isipin ko na lang na dagdag income din yon pag pinarentahan. Para mabawasan ang sama ng loob.

Yung sweldo ko ng mid-December e ginastos naman panghanda sa pasko. Syempre kaltas muna yung allowance ko para sa next 15 days. Sulit naman yung gastos kasi naramdaman ko naman yung sweldo ko.

TAWAAAAAAAAADD!!!!

Nag-umpisa ang Simbang gabi at nagkalat na din ang mga nangangaroling. Nawawala na ang creativity ng mga bata ngayon, hindi na kase sila gumagawa ng instruments. Nung panahon namin, magsisira pa kami ng payong para ilagay sa tambol yung tela. Mas maganda daw kase yung tunog. Tapos yung tansan na matyagang iipunin tapos pipitpitin tapos tutuhugin sa alambre para gawing tambourine. Hindi na rin nila tinatapos ang kanta pag binigyan mo ng barya. Tengkyu na lang kagad. Sakit sa bulsa. Ubos barya ko. Taena nabawasan pa pangdota ko. Grabe kasi mga bata ngayon, pag binigyan mo ng barya yung nauna, magtatawag ng kasunod, at kasunod,at masusundan pa! Tawad na lang muna mga bata, maiintindihan nyo din kami pagtanda nyo, bumawi na lang kayo sa susunod na henerasyon ng mga mangangaroling.

Isang beses lang ako nakapag-simbang gabi, yung huli pa. Wala na kaseng pasok kinabukasan. Wala na din akong SL/VL kase nagka-trangkaso ko. Absenero ko pero sisihin na lang natin yung trangkaso para di naman ako magmukang tamad. Day shift naman ako buong week bago magpasko pero hindi parin ako makapagsimba kase sa pagitan ng bahay at simbahan e madadaanan ko muna yung computer shop. Alam na.. Reserved na kaagadang PC-6.

3.. 2.. 1.. Merry Christmas!!!

Hindi mawawala ang inuman pagkatapos ng noche buena. Kumpara nung isang taon e hindi ko masyado na-enjoy ang pasko ngayon. Madaming wala, madaming kulang, at may naligaw sa ibang inuman. Hindi pa libre yung videoke kahit sinabing libre daw yon pagsapit ng hatinggabi. Madami din naman kaming nainom at inumaga na din ng uwi. Madami din akong gastos. aguy! Dito ko inubos yung medical reimbursement na na-withdraw ko.

Money po ninong! Money po ninang!

Tinanghali na din ako ng gising at gutom na gutom. Hindi pa ko ko kumakaen e napatagay ako agad paglabas ng bahay. Hinanap ko agad ang mga inaanak ko. Mission accomplished bago kumain. Sa panahon ngayon e katumbas na ng aginaldo ang karapatang batiin at dumaan sa tapat ng bahay ng kumare at kumpare at magpakita sa inaanak sa loob ng 365 days. Sa madaling salita, mahihiya ka magpakita sa kanila sa susunod na mga araw hanggang sa susunod na paskong nakapagbigay ka. Nakalimutan na din kasi ng iba ang tunay na role ng ninong at ninang sa mga inaanak nila sa binyag. Hindi ko nga pala naramdaman yung iba kong ninong at ninang nung bata pa ko kaya ayoko namang maramdaman din yon ng mga inaanak ko.

Mahaba na din pala itong naisulat ko. Wala pang bagong taon pero malaki na din pala ang gastos namin. Ok lang, sulit naman. Hindi ko na lang ituturing na gastos kundi pagbabahagi ng biyayang natanggap ko buong taon. Laging tandaan na ang pasko ay panahon ng pagbibigayan lalo na at ito ang pag-alala natin sa araw na binigay sa'tin ng Diyos ang kanyang anak.

Magpasalamat ka at buhay ka pa ngayong pasko at aabot ka pa ng 2011. Wag mong ipagpabukas ang pagtulong sa kapwa dahil hindi mo alam kung aabot ka pa sa susunod na pasko, o sa susunod na araw.

Salamat sa panahong binigay mo sa pagbabasa nito.

Isang masaganang bagong taon sa iyo. :)

Text Promo:

Sinong dapat sisihin kung bakit na-late si Kuya Ganja?
A. Yung nag-cause ng trapik
B. Nakipag-inuman hanggang madaling araw kaya tinanghali ng gising at 7:15AM na umalis ng bahay

I-text ang
Ganja-space-Letra ng Sagot Ex: Ganja B
at i-send sa 09233047522 para sa Sun Cellular
at 09195253639 para sa Smart

Wala po akong globe na sim. Penge naman

Monday, December 6, 2010

P741 Million vs 741Million Smiles :)

Tuesday, 12:00 midnight. Breaktime. Nag-scan ako ng Flash drive ko, gagamitin ko kase pagkatapos ng breaktime. Ginamit ko kase sa computer shop yon last time e baka may mag-pop up na "virus detected: terminate user to continue.." kaya iwas gulo na lang. Maliit lang yung capacity ng Flashdrive ko, 512MB, kakatapos lang kase ng diskette dynasty nung binili ko 'to kaya mahal pa 'to nung panahong yon. Kingston po ang brand nito - baka lang kase madaling masira yung inyo at naghahanap ng subok nang tatak ng flash drive.

Hindi naman puno pero matagal bago natapos yung pag-scan ng flash drive ko kaya naisipan ko tingnan ang laman para sa mga files na pwede na i-delete. Maliban sa porno clips at mga larawan ni cristine reyes e makalat na din pala ang flashdrive ko.

Double click.. Open.. back.. click.. delete..

Nabuksan ko yung isang folder na may folders pa ulet sa loob. Sa loob ng mga folders e may madaming pictures. Pictures nung outing namin last November 27-29, 2010. Naka-group by folder kase iba't-ibang source, iba't-ibang camera. Matagal din bago ko natapos tignan isa-isa lahat ng pictures. Kulang ang buong breaktime lalo na kung tititigan mo pa ng husto bawat detalye ng mga pictures. Naalala ko nung unang binalak ko na magsulat tungkol sa 3-day adventure naming 'yon e natanga lang ako sa harap ng computer. Bakit? Kase hindi ko alam kung paano sisimulan, mahirap i-kwento lahat lalo na kung pictures ang pagbabasehan. Minsan e napapangiti na lang ako sa harap ng monitor. KASE..

Naalala ko yung eksena nung oras na nandun ako at nakaharap sa camera..

Pose.. click.. flash..

Naalala ko kung ilang ulit na mas masarap kainin yung sinangag ni Mitch, tinapay at palaman nila Deuxe, medyo hilaw na sinaeng at delata kesa sa mamahaling pagkaen sa Max's resto. Bakit? :)

Pose.. click.. flash..

Naalala ko kung ilang ulit na mas masarap matulog sa loob ng tent kesa sa malambot na kama. Bakit? :)

Pose.. click.. flash..

Naalala ko na abot hanggang poso ang hilik ni Papajep at abot sa may CR at sa kabilang grupo ang utot ni Reysan.

Naalala ko kung ilang ulit na mas mabisang cardiovascular exercise ang "jump shot" kasama ang mga bida kids kesa mga exercise program sa fitness gym.. Bakit? :)
Pose.. click.. flash..
Anu nga bang panama ng mga jacuzzi at spa sa full body massage at super mega full body scrub promo ng mga buhangin at alon?


Anu bang pantapat ng matataas na buildings ng Manila sa magandang view ng burol, bundok at lighthouse na may libreng foreigner nanaka-bikini sa taas?

Lamang ba ang enchanted kingdom sa sayaw ng alon at harurot na tricycle ni manong?

Mas masarap ba magsurf sa net kesa mag-surf sa alon?
pose.. click.. laugh..

Sino bang mag-aakalang mahal ang tindang flute ni manong dahil may kasama itong NOTES?

Pag nakakarinig ka ba ng tunog ng ibon e aakalain mo bang sinusundan ka ni manong para bentahan ng tunog-ibon instrument?

Maiisip mo bang lugi ka pag binili mo ang tindang crossbow ni manong kase maliban sa mahal e hindi accurate ang pana nito? Isa pa e matatakasan ka ng target mo sa tagal magreload ng pana nito.

Napaisip ka ba kung ang Anawangin ang Duyan capital of the World dahil sa dami ng nag-aalok ng duyan? May binebenta bang duyan na may libreng puno?

Mahahanap mo ba sa google ang katotohanang sa likod ng maskara nila Batman at Superman e nagtatago sila Batang Manyak at Super Manyak?

Naaalala mo ba ang hangin at puno sa campsite pag naririnig mo ang tunog ng MRT?

Alam ba ni Kuya Kim na ang tagalog ng bato ay... stone? :-? =))

Malalaman nyo bang ang tunay na matanglawin e si Kuya Lim at hindi si kuya Kim?
pose.. click.. flash..

Naalala ko na mas mahilig mag-pose ng pang-facebook ang sundalo gamit ang kanilang HARMALITE kesa sa combat boots..

Masasabi kong mas nakakapagod ang office works at magdala ng laptop kesa libutin ang isla at magbuhat ng mabigat na backpack.

Mas masarap maligo at tumawa sa poso kahit panalo sa Japan at amoy kalawang ang tubig kung si Reysan ang "bobomba sa'yo"...

pose.. click.. flash..

Anong panama ng Nokia C3, touch screen cellphones at imba phones sa Flashlight cellphone ni papajep sa gitna ng kadiliman?

Alam nyo ba na ang mga madre sa Zambales e nakakadetect ng superman? Diba Topergrapher? >:)

Pause.. music in: Reunion by Parokya ni Edgar

Alam nyo ba na ayokong matapos ang byahe kasama kayo?
Alam nyo bang madami pa tayong byaheng dapat i-set bago tuluyang tumanda?
Kelan ba susunod na byahe?
Ikaw na hindi sumama, babawi ka na ba?

Alam nyo bang tinalo ko pa yung nanalo sa lotto?
May mga bagay na di matutumbasan ng pera, premyo o sweldo:
Lamang ba ang P741 Million vs 741Million smiles at insect bites?

2:39 AM na pala. Lagpas na ko ng 1 hour at 39 minutes sa breaktime ko pero ito lang ang nasulat ko.. Tulad ng hermit crabs na di mauubos kahit punuin ang isang timba, tulad ng mga moments na di kayang ma-capture ng full charged battery ng camera, tulad ng malawak na isla na di malibot sa buong maghapon, hindi ko din kayang pagkasyahin sa konteng panahon ang pagsusulat ng mga istorya sa likod ng mga nagkalat nalarawan.


Hanggang sa susunod na byahe..
Hanggang sa susunod na pagsusulat..
Hanggang sa susunod na istorya..
Hanggang sa susunod na mga ala-ala..

File..Save..
Copy.. Click.. Browse.. Paste..Post :)







Day 6 - Few days before christmas!

Monday na naman.. hays.. di ko pa natatapos yung blog ko tungkol sa 5th outing namin ng mga BSIT classmates ko.. Ang hirap bumuo ng story, natutulala, napapangiti at natitigil ako sa pagsusulat pag nire-recall ko yung mga nangyari mula preparations, pagpupuyat, traffic sa EDSA, byahe hanggang sa week-long insect bites story ng mga friends ko. Sana ok na sila bago next week. Magpupuyat muna ko ulet para productive naman tong Monday ko. Hanggang sa susunod :)

Tuesday, November 2, 2010

2nd Day >:)






Masyado ata ko natuwa sa long weekend
kaya nakalimutan ko magpost.
November na pala, hindi ko namalayan
kase busy ang last week ng October ko.

Maulan ang start ng November ngayong 2010,
nakakaantok, kahit malamig at masarap matulog
e ayoko naman masayang ang long weekend ko.
Paniwalain ko na lang ang sarili ko na blessing
yang ambon at ulan na yan. Nah.. ok.. (-.-)
Napaisip din ako minsan na sana sumama na lang
ako sa mga officemates ko umakyat ng bundok
para maiba naman. Nagpunta sila sa Anawangin,
dun nila sinulit ang long weekend. Hindi ako sumama
kase matinding gastos yon. Lagi ko sinasabing
may mga bagay na di natutumbasan ng sweldo
tulad ng miminsang adventure na yon kasama sila
pero, kelangan maging praktikal. Gumastos din
naman ako, bumili ako ng Adidas poloshirt at
Sandugo na sinelas. Regalo ko na 'to sa sarili ko.
Mas mura kesa mamundok at magagamit ko
hanggang masira o manakaw.
Sana tumagal at masulit ko ang binayad ko.

Beerday ni Ricky aka Jun-Jun. Pagkatapos ng
LAN game e sinagasaan naman ako ng 3 cases
kabayo. Stampede! Isang pitchel ang lamang!

Nung Nov 1 e hindi ako sumama sa sementeryo,
maulan, nakakatamad. Nagprisinta na lang ako
na maging taong bahay, nanuod ng Sukob kahit
nakakabadtrip at madaming cut. Nung dumating
yung tatay ko, derecho kagad sa shop.. >:)

Ilang araw na nga lang pala at birthday ko na naman.
Tatanda na naman ako. Alam kong magiging ordinaryo
lang ang araw na yon. Kahit paano may makakaalala,
pero isa lang ang gusto kong makaalala sakin sa
araw na yon. Sana maalala nya. Kahit di nya na ko batiin.
Mas excited pa ko sa laban ni Pacquiao at Margarito.
You know?




Monday, October 11, 2010

Ten Ten Tenenen!!!!

Ika-10 ng Oktubre, 2010.
Ordinaryong petsa. Walang kahit anong
okasyon o idineklarang Holiday sa araw
na ito pero maraming tao ang nagpahalaga
sa petsang ito. 10-10-10 ang katumbas
nito sa numero ng kalendaryo. "Three of
a kind" sabi nga ng sugarol. Minsan lang
mangyari yan sa kalendaryo. Kaya siguro
espesyal ito sa karamihan.

Sa Pilipinas kung saan maraming tao ang
naniniwala sa swerte tulad ng maswerteng
kulay, numero, alaga, araw at kung
anu ano pang swerte, e maswerte ang araw
na ito. Maswerte daw ang mga sanggol na
ipinanganak sa araw na ito. May kaibigan
akong nanganak kaninang madaling araw.
Malas ko at ninong na naman ako. Sana
lang at hindi "Ben 10" ang maging ngalan
nya. Sa mga mahilig tumaya sa lotto at
jueteng, baka may tumaya pa ng "pati-pato"
sa pag-asang maging instant milyunaryo.
Wag naman sana. May ilan din sigurong
nagbukas ng negosyo, hindi ko lang alam
kung maswerte ito para sa kaibigan nating
mga Tsino. Ang alam ko lang e malaki
ang impluwensya nila sa kulturang Pinoy
kung pag-uusapan ang swerte.
Isa sa nagpaingay sa petsang ito ay ang

panawagan para sumali sa takbo para sa
ilog Pasig, isang fund raising event
para sa layuning muling buhayin ang ilog
Pasig. Marami ang tumugon at sa huling
bilang na 116,086 na umabot sa finish
line ay nakuha pa nating i-break ang
Guinness World Record for the most
participants in a footrace na naitala
at matagal ding hawak ng San Francisco
mula pa noong 1988. Hindi ko nga lang
alam kung hawak din natin ang world
record ng pinakamadaming kalat sa daan
matapos ang event na ito. Sana lang e
hindi matabunan ng record breaking
event na ito ang tunay na layunin ng
pagtakbo. Marami man ang sumali mula
sa iba't ibang sektor ng lipunan e alam
kong kaunti lang ang tututok sa misyon.
Sana lang swertehin sila dahil 10.10.10.
Hangga't may pabrika at informal
settlers sa paligid ng ilog e hindi
malilinis ang ilog. Alam na natin yan.

Ano nga ba ang swerteng dulot sa akin
ng araw na ito? May dahilan ba para
ituring na espesyal ang maghapon dahil
lang sa numerong 10.10.10?
Pilipino din ako at minsan ding naniwala

sa swerte. Kung ako ang tatanungin,
ordinaryong number pattern lang ito.
Noong isang taon, 9.9.9 o September 9,
2009, tapos sa isang taon 11.11.11 naman
o November 11, 2011. Sa pagtatapos ng
araw, nagbalik-tanaw ako kung sinwerte
nga ba ako sa maghapon.

Wala pang 6AM e gising na ako,
maaga kasi akong natulog.
USI sa TV5 ang huli kong napanuod
at hindi ko matandaan kung 10PM yon.
Maaga ang gising ko kumpara sa ibang
ka-edad ko na walang pasok.
Naniniwala ako na tayo mismo ang

gumagawa ng sarili nating swerte kaya
dapat e simulan ang araw ng tama.
Konteng good morning. Madalas sa text
at sa nanay ko lang sinasabi ito.
Ilang minuto lang ang lumipas, may
tumawag mula sa may gate. "Ate.. Ate!",
sabi nya. Sanay akong kapitbahay namin
ang tumatawag ng ganon sa nanay ko
kaya walang sabi sabi e binati ko sya
ng good morning sabay silip sa pinto
sa pag-aakalang sya nga yung kapitbahay
namin. Nagulat ako kase sya pala yung
batang nagtitinda ng sampaguita araw
araw. Medyo napahiya ng konte dahil
alam kong pareho kaming nagulat pero
natuwa na din dahil maganda naman ang
tugon nya at alam kong parehong gumaan
ang pakiramdam namin sa umagang yon.
Maliban sa reply ng kras ko sa selpon
e isa ito sa di inaasahang pangyayari
sa umagang yon.

Kelangan kong magpunta ng SM Bicutan
para tumingin kung anu-ano pang pwedeng
pag-ipunan maliban sa hard disk na una
sa listahan ko. Dahil sa maaga din
naman akong nagising, naisip ko na din
magsimba. Hindi ko alam kung bakit pero
naisipan kong magsimba. Wala akong
sakit. Katoliko ako pero alam kong hindi
ako mahilig magsimba. Lagi kong
sinasabi na balewala ang pagsisimba
kung hindi ito bukal sa kalooban ng
nagsisimba. Kahit ang Diyos ay hindi
ka pinipilit magsimba para sa kanya.
9AM ang misa sa SM Bicutan bago pa
magbukas ang mall. Late akong dumating
sa misa. Hindi ko din matandaan kung
nagbabasa ba ng Gospel ang pari o
nagsesermon nang dumating ako pero,
nakaramdam ako ng "guilt". Tulad ng
sinasabi ko, nabalewala ang simba ko
dahil late ako. Aminado din akong
hindi talaga misa ang pakay ko. Masabi
lang na nagsimba ako -- kahit paano.
Na-guilty ako at nakisalo sa tirang
biyayang 9AM pa lang e pinagsasaluhan
na ng mga nauna. Tulad ng dati, syempre
sapul na naman ako sa sermon ng pari.
Hindi na ako magbibigay ng reflection
ko sa gospel, basta ang alam ko lang
e isa rin ako sa mga taong humingi,
biniyayaan pero nakalimot magpasalamat.
Sa mga hindi nga pala nakapakinig ng
Gospel, sana gumagana itong link:

http://www.abs-cbnnews.com/daily-gospel/10/09/10/gospel-october-10-2010-sunday

Hapon, DOTA time. Ito ang isa sa mga
pinaka-popular na laro ngayon. Pwedeng
laruin online via GArena pero mas
masarap laruin sa Local Area Network.
Mas masarap ang laro pag may asaran.
Masaya kahit mainit at pinagpapawisan
sa loob ng suki naming computer shop
at may mga di mapigilang magyosi.
Kung swerte o malas din lang naman ang
pag-uusapan sa araw na ito e minalas
yata kami. Sa tuwing makalalamang o
mananalo kami e nagkakaroon ng di
inaasahang "tigil laro". May maalamat
na fatal error, may badtrip na computer
na magrerestart, at may error na
ang panira ng laro. generic host lang
ang natatandaan ko sa error message,
tapos send error report at don't send.
Malinaw lang na hindi ka pa panalo
hangga't di pa tapos ang laban. Kahit
ano pwedeng mangyari lalo na sa totoong
buhay. Akalain mo nga naman, pati sa
DOTA nakahanap pa ako ng konteng
panggising. Sa 6 hours na nilaro namin
e wala kaming panalo, at ilan lang ang
larong natapos.

Sa pagtatapos ng araw, ordinaryo man
o espesyal, kahit paano naramdaman ko
na may "iba" sa araw na ito. Sa bandang
huli e napag-isip isip ko din na ang
pag gising ko kaninang umaga ang
pinakamagandang nangyari at swerteng
natanggap ko sa araw ng 10.10.10.
Ipagpasalamat natin kung aabot tayo
sa 11.11.11 at 12.12.12.

End

Sunday, October 3, 2010

Memorial Plans for your party needs :))

I'm ganja from electromax group of companies.

We specialize in TV, Radio, Betamax and waterjugs.

We also have Memorial Plans for your party needs :))


-- Alamat talaga si Ramon Bautista. sa kanya ko nakuha to..
napanuod ko sa Lupet.. yung palabas sa TV5 ni Lourd.
Andun din pala sila Tado at Erning.

Wednesday, September 29, 2010

LSS: I wanna be a Billionaire! ♫♪

♫♪ I wanna be a Billionaire... ♫♪

Ewan ko kung sino ang kumanta nito.
Naririnig ko lang ito sa suki kong PC shop,
sa Youtube, minsan sa radyo.
Sabi ng tropa kong si Jerome, yun daw
ang bagay na kanta para sa mga tropa
naming sumali sa isang neworking (scam?) ewan.
Ito daw kase ang isa sa pinakamalapit na daan
para yumaman. Kung ako ang tatanungin e,
wala akong interes don at sa kung anu man ang
binebenta o pinakikilala nila. Lalo na sa recruitment.
Ang alam ko kase sa ganyan e kelangan mong
magrecruit.. tapos.. kikita ka pag bumenta(?)
Wala 'kong talent sa ganyan.

Kanya kanyang trip yan, at yon ang trip nila.
Ang isang magandang bagay lang e, maganda ang
goal nila sa buhay. Para saan nga naman ang mabuhay
araw araw kung di mo naman alam kung anong
gusto mo sa buhay.

Dati kaming parang wala lang.
Tamad na studyante, tamad na anak. Tambay.
Gitara, yosi, basketbol, alak, hikab.
Kain, tulog, ligo, laro, gala.

Ilan lang sa amin ang nagcollege, nakatapos,
makatapos man e, kahit anong trabaho na lang,
basta may sweldo.
Hindi man kami nagseryoso sa buhay,
lahat naman kami nangarap.
Ang tinutukoy ko nga pala dito sa sinulat kong
ito e yung mga tropa ko samin;
Hindi sa PUP, hindi sa BPS.

I wanna be a Billionaire ♫♪

May katropa akong may-ari ng computer shop,
may working student, may kaka-graduate pa lang,
may salesman, may tambay, merong may anak na.
Lahat kami pinangarap yumaman. Sino bang ayaw?

Hindi ka yayaman kung empleyado ka lang.
Isa siguro ito sa aral na nakuha ng mga tropa ko sa
seminar sa pinasok nilang networking(scam?) ewan.
Naniniwala din naman ako sa kanila, at natutuwa
ako para sa kanila. Sana matupad namin ang
pangarap namin.

Ako, empleyado ako ngayon.
Hindi ko pa alam kung kelan ako yayaman.
Sa sweldo ko ngayon, matagal pa bago ako makaipon
ng isang milyon kahit pa wala kang ibang gawin kundi
mag-ipon, wala kang bibilhing kahit ano, cellphone,
computer, laptop, pagkain, damit at kung anu-ano pa.

Malayo pa ako sa pagiging milyonaryo.
2 out of 12 Apartment units pa lang ang meron kami.
Hindi lahat ng sweldo ko e naiipon ko,
madami kaming gastos. Madami kaming pinag-aaral,
madami akong inaanak, kelangan ko kumain,
kelangan ko magbayad ng bills, kelangan ko mag-load,
kelangan ko bumili ng mga gamit sa sarili,
kelangan ko gumastos sa ayaw at sa gusto ko.
Kelangan ko ng mas malaking sweldo para dito,
kelangan ko mag-apply para sa mas malaking sweldo,
kelangan ko mag-aral para sigurado ang application ko,
kelangan ko ng computer unit para mag-aral,
kelangan ko ng internet,
kelangan ko magtipid para makabili ng computer,
kelangan ko magtrabaho para sa sweldong titipirin,
kelangan ko ito isulat para sa susunod na mabasa ko ito
e malaman ko kung natutupad ko ba ang mga pangarap ko.
Mahirap pero, alam kong may mas naghihirap pa kesa sakin
makakain lang sa maghapon.

♫♪ I wanna be a Billionaire! ♫♪

Tuesday, September 28, 2010

Kape! Kape!

Medyo masarap ang tulog ko ngayong maghapon.
4PM na ko bumangon. Wala naman dota session e.
Kahit late sa shop, di ko mapigilan mag-facebook.
Oyeah.. Naka-chat ko pa si boss :D
Super pampagising. Parang kape lang.
Mas sulit pa sa Nescafe 3 in 1.
Dito na ko opis. Nagulat ako kase,
MAY SUPPLY NG KAPE!
Titikman ko muna kung masarap bago ko
kalimutan ang 3 in 1.
Maganda ang start ng magdamag na to,
sana tuloy tuloy. Hanggang bukas! XD

sana maka-chat ko ulet si boss.
Usapang gym, pimpols, elikopter ulet XD

Friday, September 24, 2010

Friday Sickness

Sept 24, 2010 - Friday 9:22 PM - Pilipinas
Nakababaliw na gabi na naman.
Nasa opisina ka nga pero hindi ramdam.
Nakabibingi ang katahimikan.
Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng aircon,
pagbukas at pagsara ng elevator sa labas
at ilangtaong nag-uusap o naglalakad.
Sa tuwing bubukasang elevator, pinakikiramdaman
ko kung nariyan na ba ang boss ko.
Kahit dumating na sya mula sa amerika
e hindi pa alam kung papasok.
Ayoko din naman syang makita.
"Away" ang status nyasa skype.
Lalong walang katiyakan kung papasok basya o hindi.
Sana hindi.
Pagdating ng 11PM at wala pa sya, pwede na ko magsaya.
Minsan kasi e late lang sya.. super late.
Hanggang 11PM pa ako magtitiis sa ganitong pakiramdam.

Nakababaliw.

Wala akong kasama sa office pag Friday kundi sya.
Pag Friday kasi e walang pasok ang officemate naming si Lyka.
Sa nakabasa nito pero di nakaaalam,
tatlo lang po kami sa night shift dito sa office.

Tuwing Biyernes talaga tinatamad akong pumasok.

Friday sickness.. Taena..

Habang ang iba egumigimik, habang ang iba e natutulog,
habang ang iba e nagrerelax, andito ako sa opisat nababaliw.
Bakit? Hindi ko na kasi gusto angginagawa ko dito.

Nakakasawa na. Walang progress.

Gusto ko na magresign. Sa kasamaang palad, hindi pwede.
Matatapos na ang September.
92 days na nga lang daw at pasko na.
Takot akong mabakante bago magpasko.
Ayokong maranasan na mabakante kahit isang linggo lang.
Lalong ayokong isipin na mawalan ng trabaho sa
loob ng isang buwan o higit pa.
Ayoko pang magresign kung wala pang malilipatan.
Kahit may experience na ako, mahirap parin lumipat.
May bond ako sa company namin ngayon.
Ito ang pumipigil sa akin para maghanap ng malilipatan.
Hanggang December ko pa titiisin ang kabaliwang ito.
Kahit ayaw ko ng pasko, sana magpasko na.Gusto ko na umalis.

Monday, September 20, 2010

Ordinaryong Lunes

Matagal na din pala yung last post ko. Dahil wala akong magawa, isusulat ko na lang
kung paano lumilipas ang isang ordinaryong Lunes sa buhay ko.

Ordinaryong araw ng Lunes, maagang gumising para humanap ng magandang simula.
Naka-plano na ang gagawin sa maghapon:
Pagkagising, derecho banyo, lababo at harap ng salamin.
Derecho lamesa maghahanap ng pagkaen. Solb na sa kanin, itlog at kape.
Bubuksan ang TV para manuod ng balita sa umaga.
Mag-aabang ng Punto por punto (tungkol sa DepEd ang topic ngayon
at sa mungkahi na bawasan o tanggalin ang homeworks ng studyante
tuwing weekends. Kaya lang di na ko studyante. badtrip),
Mag-aayos ng computer habang manonood ng doraemon, detective conan,
shaman king, Ben 10, tapos random movie sa channel 2(Enteng Kabisote 4 sa araw na to),
Showtime(party party!!!), siesta tapos tambay ng computer shop hanggang sa pagpasok
sa opis (opo. panggabi po ako.)

Balak kong magreformat ng PC ngayon. Kelangan ko kase, kelangan magreview, kelangan
mag-aral ulet. Information Technology ang tinapos ko. Wala man kaming board exam,
kelangan updated ka sa mga kung anong dapat aralin. Kung anong madalas na hanap ng mga
employers. Sa kasamaang palad, mukang wala nang pag-asa yung computer ko. Kung kelangan
kong bumili ng pyesa, bibili na lang ako ng bagong unit. Sira kagad ang umaga ko.
Nanood na lang ng tv. Tumugtog ng gitara. Nagutom, nagluto ng hotdog. Nanuod ulit ng TV.
Nakatulog habang nanonood ng Enteng Kabisote 4. Nagising sa ingay. Showtime na pala,
at nandon na ulit si kuya kim. Inaantok pa ko kaya natulog ulit ako.

Hapon na nagising. Tambay sa computer shop. Naghintay ng players. Nagbukas ng facebook,
click, type, enter, click, basa, scroll down, click, basa, at nalungkot sa binasa. Oo, sa gitna ng
boring day e nalungkot pa ako. Kung bakit ako nalungkot e samin na lang yon nung isang nagtanong. Si Grace na naligaw sa post ko. Nag-log out, naghintay ng kalaro sa dota. 5PM na
nakapaglaro, nanalo sa 2 games, kahit pano enjoy. Umuwi, naligo, nagbihis, kumain, pumasok sa
office kahit tinatamad. Bumili ng isang sachet ng Nescafe 3in1 at Bravo biscuit. Tipid na naman. Dinamihan ko na lang pagkain ko nung dinner. Naglakad sa papuntang Bicutan, nag-abang ng bus na byaheng Ayala ilalim. Badtrip lobat ipod shuffle ko. Trapik sa ayala ilalim, dumaan sa ibabaw. Sakto lang ang byahe, nakapaglakad pa ko mula Buendia station hanggang office.
Nilalakad ko yon dahil nagtitipid ako. Bukas lalakarin ko naman mula office hanggang Buendia PNR station. Tipid ang tren, 10 Pesos lang. Ewan ko ba kung bakit nagtitipid ako pero nakukuha ko pa magdota, magfacebook, at mag-internet. Dumating ako sa office, nandon si Fil, dala nya ata bagong ID namin sa office. Bagong ID na may recycled na picture. Ayoko na mag-ID, wag nyo na itanong, tignan nyo na lang ID ko. Nagbukas ako ng pc, nagpunas ng pawis.
Office hours na.. sshh...

Breaktime nung ginagawa ko to.
Wala lang, gusto ko lang ma-share kung gano ka-boring tong buhay ko. Lunes lang yan,
mas boring mula Martes hanggang Byernes.
Baka sakaling may maligaw at magbasa, kawawa ka naman, nasayang ang ilang minuto sa buhay mo. toinks.

Sana bukas ibang kwento naman, sana may interesanteng mangyari, sana ganito, sana ganyan, sana sweldo na.

End

Friday, April 16, 2010

Words For Real Men

The Hebrew Talmud says: “Be very careful if you make a woman cry because God counts her tears. Every tear a woman shed is equivalent of a man’s sacrifices in life. The woman came from a man’s rib — not on his feet to be stepped on; not on his head to be superior, but on his side to be equal; under his arms to be protected and near his heart to be loved.”

oops.. for some men, let's make it clear; respect women.. not just your partner >:)