Tuesday, August 9, 2011
ARTS: Aesthetics.. Respect.. Thoughts.. Skill..
arranging items (often with symbolic
significance) in a way that influences and
affects one or more of the senses, emotions,
and intellect. It encompasses a diverse range
of human activities, creations, and modes of
expression, including music, literature, film,
photography, sculpture, and paintings.
The meaning of art is explored in a branch of
philosophy known as aesthetics, and even
disciplines such as history and psychology
analyze its relationship with humans and
generations. - wikipedia
Britannica Online defines art as
"the use of skill and imagination in the
creation of aesthetic objects, environments,
or experiences that can be shared with others."
The second and more recent sense of the word
art is as an abbreviation for creative art or
fine art and emerged in the early 17th century.
Fine art means that a skill is being used to
express the artist's creativity, or to engage
the audience's aesthetic sensibilities, or to
draw the audience towards consideration of the
finer things. - Wikipedia.
Naging laman ng mga pahayagan at balita ang mga
obrang likha ni Mideo Cruz na itinampok sa
isang exhibit sa Cultural Center of the
Philippines (CCP). Umani ito ng napakadaming
batikos mula sa mga Kristiyano dahil ilan sa
mga ito ay nagpapakita ng hindi pag-galang sa
paniniwala at relihiyon ng iba. Umabot din sa
puntong nakatanggap siya ng banta sa buhay at
dahil doon ay ipinasara ng CCP ang exhibit.
Nagbasa ako articles related sa balitang ito
pero mas pinili kong basahin ang comments ng
mga readers na nagmistulang debate sa kung
sinong tama o mali at ang masaklap pa e ang
usaping relihiyon. Regular akong nagbabasa ng
articles sa Yahoo Philippines at ito yung link:
Artist group decries closure of 'Kulo' exhibit
Isa po akong Romano Katoliko at isa din ako sa
mga naniniwalang may mali sa ilang obra ni
Mideo Cruz dahil sa kawalan nito ng respeto sa
paniniwala ng iba. Sabihin n'yo na po na isa
din ako sa may makitid na utak at walang alam
sa sining kung yan ang sa tingin ninyo pero
para sa akin, ang keyword lang dito e "RESPETO".
Hindi po pwedeng dahilan ang sining at ang
kalayaan ng pamamahayag para magpakita ng
kawalang galang sa paniniwala ng iba. Pwede
namang ilabas ang ideya o saloobin sa obrang
walang mababastos na paniniwala. Sa akin po
lamang e isang artist nga po si Mideo Cruz
pero MAGALING na artist po sana sya kung
ang obra nya ay sinamahan nya ng respeto.
Hindi po ako nag-aral ng sining pero para
magkaroon ng sapat na pag-unawa e nagbasa
din ako ng ilang definition ng art sa
internet at napag-alaman ko na higit sa
pagpapahayag ng damdamin ng gumawa ay ang
pagtanggap ng sinumang nakakikita dito.
Kaya nga may mga exhibits at galleries
para ipakita ang saloobin ng artist sa
paraang magugustuhan ng mga titingin dito.
Kahit ang basura ay magiging obra kung
gagamitan ito ng malikhaing pag-iisip
ng tao para lumikha ng bagay na makakukuha
ng paghanga ng iba.
Kung ano man po sana ang konsepto sa
likod ng tinawag nyang obra e igagalang
ko naman basta sya ay gumamit pa ng
mas malikhaing pagpapahayag na walang
ma-o-offend.
Nakalulungkot na ang usapin ng respeto
e nauwi sa debate tungkol sa relihiyon.
Inuulit ko lang po, isa po akong Katoliko
at kaisa ako sa mga Kristyano na sa
usaping ito. Nakalulungkot na ang ilang
pagkakamali ng mga "tao" din naman sa
aming simbahan e gawing batayan para
husgahan ang aming relihiyon. Respeto
lang naman ang aming hinihingi dito.
Madaming nagsasabi na kung gawin daw
ito sa kahit anong maglalarawan sa
Islam sa ganitong paraan e baka hindi
tumagal ng isang araw yang exhibit na
yan at hindi lang death threats ang
matatanggap nya. Hindi ko din tuloy
maisip na sa imahe ni Kristo ito ginawa
dahil hindi ganun ka-bayolente ang
magiging response ng mga Kristyano.
Maraming hindi mananampalataya ang
nakikisawsaw sa usaping ito na ang
ugat lang naman e paghingi ng respeto.
Kung sa gubat e kelangan ng mga hayop
na magpakita ng lakas at bangis para
irespeto ang kanilang teritoryo, tayo
pa kayang mga tao na nakakaintindi
sa salitang respeto?
Nirerespeto ko po ang iba't-ibang
pananaw, relihiyon at kahit silang
mga walang kinikilalang Diyos pero
sana lang e meron tayong respeto
bilang tao sa paniniwala ng kapwa
natin. Hindi po masama ang maging
malaya sa pagpapahayag ng saloobin,
gawin lang sana natin sa makataong
paraan. Ang atin pong kalayaan ay
may kaakibat na responsibilidad.
Respeto lang kaibigan.
Monday, May 30, 2011
PH on Divorce: Morality vs Reality
dissolving a marriage.
- Webster
Annulment is a legal procedure for declaring
a marriage null and void. Unlike divorce, it is
usually retroactive, meaning that an annulled
marriage is considered to be invalid from the
beginning almost as if it had never taken place
(though some jurisdictions provide that the
marriage is only void from the date of the
annulment).
- wikipedia
Yahoo News link
Maltese vote yes to divorce,
PH to be only country in the world
with no divorce
Maiksi lang tong article na to pero nagtagal ako
sa page kasi mas matagal basahin yung mga
comments galing sa readers. Ito kasi ang
nagpapasarap sa balita, ang opinyon mula sa iba't
ibang uri ng tao.
Sa unang tingin, parang.. wow, world record.
Tayo nalang ang bansang walang divorce. Siguro
para sa mga pari e malaking achievement ito para
sa pag-preserve ng "Filipino values". Kilala
din kasi tayo na family oriented people. Sa
sobrang tindi ng family bond e merong mag-asawa
na e nakatira pa sa magulang. Merong nakaka-limang
anak na e magulang pa ang bumubuhay.
Ganyan.
Masusulat nga ba tayo sa History books bilang
nag-iisang bansa na ayaw ng divorce? o huling
bansa na magle-legalize nito? Hindi man kasi
legal ang divorce sa Pilipinas e marami namang
gusto, takam na takam, sabik na sabik at inip na
inip sa araw na makalaya sa isang seldang papel
at kadenang kasulatan.
Ang kasal ay di tulad ng mainit na kanin na
pwede mong iluwa pag ika'y napaso. Gasgas na ang
matandang kasabihang ito. Isang mabigat na babala
sa lahat ng magkasintahang nagbabalak magpakasal.
Ito rin ang sermon ng mga biyenan sa mga anak
at manugang pag ang salitang A-S-A-W-A ay
nabawasan ng isang letra at ngayon ay S-A-W-A na.
At ang natitirang ugnayan na lang e A-W-A.
Kung hindi handa, wag muna.
Their anger hurts my ears
Been running strong for seven years
Rather than fix the problems,
they never solve them
It makes no sense at all.
I see them every day
We get along so why can't they?
If this is what he wants and this is what
she wants
Then why is there so much pain?
- Blink 182: Stay together for the kids
Hindi natin maikakaila na ngayon e maraming single
parents at mga broken families. Hindi mo masasabi
kung kelan babagsak ang haligi ng tahanan at kung
kelan mapupundi ang ilaw ng tahanan. Kung meron
mang higit na apektado e walang iba kundi ang
mga anak. Ang tahanang Diyos ang pundasyon
ay hindi kailanman magigiba.
Ang pinag-isa ng Diyos ay huwag paghiwalayin
ng tao - Mt. 19:6
Ang banta ng divorce ay malaking hamon hindi
lamang sa kakayanan ng simbahan kundi sa lahat
ng mananampalataya. Lahat ng tao ay binigyan
ng kalayaang magpasya para sa kanyang sarili at
ang pananatili sa gabay ng simbahan ay nasa
tao rin. Kahit ang Diyos ay hindi ka pinipilit
magsimba para sa kanya.
Hindi na nakagugulat na marami ang pabor
sa Divorce katulad ng sa RH Bill. Nariyan na
rin naman ang annulment. Hindi ko man masabi
kung anung pinagkaiba nito sa divorce e alam
ko namang pareho din ang silbi nito.
Kung mamamayan lang ang magpapasya e baka
matagal nang may divorce. Ang problema kasi e,
mga TraPo na sa Simbahan ang takbuhan pag
panahon ng kampanya.
Sa bandang huli, may divorce man o wala, tao
parin naman ang magpapasya kung anong sa tingin
nya e makabubuti sa kanya. Masisi mo ba si
kumare na alipin at hindi babae kung ituring
ni kumpare? Masisisi mo ba si Kumpare na walang
pahinga ang tenga sa kakatalak ni kumare?
Masisi mo ba ang simbahan na walang sawa sa
pagpapaalala sa mananampalataya?
Ang usapin ng Moralidad at Realidad ay isang
malaking sakit sa ulo. Ikaw?
A-lin ba ang pi-pi-li-in mo? e-to o e-to?
e-to? to-to-o ba? sa-bi ba ng Diyos? Oo?
Saturday, May 28, 2011
Nung 90s, Lumalabas nga ba ang Tren at Pari Sa sugat?
medyo stressed ka sa trabaho o nakakita ka ng
mga batang masayang naglalaro. Kung magiging bata
ka ulit, bakit hindi? Masarap maging bata ulit.
Kumpara noon, mas madaming libangan ang mga bata
ngayon. Batang '90s ako. Laki sa isang ordinaryong
pamilya. Kung anu man ang maisulat ko e siguro
hindi lahat ng ka-edad ko e makaka-relate.
Naghanap ako ng kahit ano sa internet ng kung anu-
anong bagay tungkol sa dekada nobenta at hindi
lang pala ako ang gustong magsulat at magkwento
tungkol sa ilang bagay na "common" sa tulad
naming batang '90s.
Bago pa nauso ang mga HD at LCD TVs ngayon,
nauso muna ang mga Black and white TV. Hindi pa
uso ang remote control. Malilipat mo lang yung
channel sa pihitan na kala mo sa washing machine.
Mayaman kayo kung may colored TV na kayo agad.
Uso ang brownout kaya mas madalas ka sa labas
at naglalaro.
Kung uso ang PSP ngayon, may brickgame kami noon.
Meron pa ngang contest sa Eat Bulaga dati na
pataasan ng score. Mas advanced ang unit ng
brickgame mo kung meron itong F1 race, battle
tanks, at boxing. Hindi pa uso ang backlight
dati kaya mas cool ang unit mo kung may ilaw.
Hindi pa pinapanganak si Ben10 e madami nang
tagapag-tanggol ang buong mundo:
Si shaider at ang kanyang change costume scene
na may sound effects. Syempre hindi ka cool pag
hindi mo kayang gayahin yung pose nya. Ang cute
nyang chick na si Annie na kita yung panty na
mukang diaper pag may fight scene.
Si ultraman at magma man na madaling malobat
at alam mong nanghihina na pag nag-blink na
ng red yung ilaw nila sa dibdib.
Mas naeenjoy mo ang maskman kesa sa bioman
kase tagalog yung maskman at english ang bioman.
Kalaban mo sa panunuod nito ang mga matatandang
nanunuod ng boxing at sabong pag linggo.
Chinese variety shows ang palabas tuwing
umaga ng linggo. Tapos susundan ng Eh, kasi bata.
Napanuod mo ang Kwarta o Kahon. Tapos ADVAN yung
bidang sapatos kase pipili yung contestant ng
isa sa limang kahon na may letrang A-D-V-A-N.
Tagsawa ka sa TV ad ng Family rubbing alcohol
na hindi lang pampamilya, pang-sports pa.
Tuwing Biyernes gabi mapapanuod ang Power Rangers,
X-men, Batman kasi Sabado kinabukasan at pwede
magpuyat. Nauso yung plastik na laruan na
robot ng Power Rangers. Katulad ito ng voltron.
Bago pa ipalabas sa GMA7 ang voltes 5 at Daimos
e sa channel 13 ko ito unang napanuod. English
pa kaya hindi ko naenjoy ang storya.
Si machineman at si buknoy the fighting ball e
agaw eksena din.
Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel
and Jay at hindi pa ito Mel and Joey.
Grade 3 ata ko nung nauso yung gatorade tapos
yung takip pinapatunog.
Mahirap piratahin ang Betamax at VHS tapes
May free stickers ng Disney movies sa loob ng
Maggi noodles.
Family Computer, Nintendo at Sega ang usong
game consoles.
Si Leonardo di Caprio ang pinakapoging lalake
dahil sa movie na titanic.
Mabenta ang bazooka bubble gums dahil sa comic
strip na nasa pabalat nito.
Si Judy ann Santos at Gladys Reyes ang tunay na
Mara at Clara.
Si Jolina at Marvin at Juday at Wowie ang usong
love team.
Pagkatapos ng Eat Bulaga, mapapanood ang Valiente.
Patutulugin ka na ng nanay mo sa tanghali para
tumangkad.
Pag nasugatan ka, lalabas ang pari at tren sa
sugat.
Uso sa primetime ang Okay ka Fairy ko, Oki doki
doc, Abangan ang susunod na kabanata, palibhasa
lalake at Home along da Riles.
Kilala mo si Buddy en Sol
Batibot ang palabas sa umaga na susundan ng
Teysi ng Tahanan.
ang timeslot na 4:30PM e para sa Ang TV.
esmyuskie!!
Sa channel 5 mapapanuod sila Sailor Moon.
Pinalitan nga ba ng ATBP ang Batibot? tapos
nagkaron ng sineskwela. Doon makikita ang unang
treant protector.
Pang hapon ang schedule mo sa skwelahan kung
mapapanuod mo pa si Georgie.
Wednesday, May 25, 2011
Tinong Dapat Titihin?
Masarap ulit ulitin lalo na kung walang pumipigil.
Masarap pag patago. May "thrill".
Mas lalong masarap kung yung dapat na magbawal,
e hindi ka kayang pagbawalan o pwede mong
takpan ng pera ang mata para walang makita.
Kelan lang e laman ng balita itong si mang Antonio
Leviste, ex-Gov ng Batangas. Ilang beses din
syang nakuhanan sa video ng isang investigative
program ng ABS-CBN na nakapagbibyahe at gumagala
sa labas ng Bilibid. Isipin mo, pano nalang kung
walang nagsumbong? Preso parin kayang matatawag
tong taong to?
Tino nga ba ang dapat Titihin?
Hindi natin masasabi na walang ibang nakakaalam
sa gawaing ito ni Leviste. Lalong hindi ako
naniniwala na walang kumita ng pera dito.
Kahapon e napanuod ko sa tv ang isang interview
sa isang naging bilanggo. Para daw kasi magkaron
ka ng pribilehiyo e kelangan mo ng "lagay".
Hindi man nabanggit kung kanino talaga nagbibigay
e maliwanag po na sila sila din lang ang dapat
managot.
Mula sa sakit ng ngipin e napunta ang sisihan sa
mga bantay ng bilibid. mula sa bantay papunta
sa nakatataas, sa bantay ng main gate hanggang
mapunta ang usapin kay Bureau of Corrections
Director Ernesto Diokno. Sya nga naman kasi ang
nasa pwesto na may pinakamataas na katungkulan.
Nabasa ko lang din na sinuspinde nya ang mga
gwardya at opisyal na may kinalaman dito.
Before you point your fingers, make sure your
hands are clean.
Bakit sila lang? Hindi ba may pananagutan ka din?
Huwag nyo po sanang ikatwiran na dinatnan nyo na
ang ganitong sistema. Inappoint ka nga po kase
pinagkatiwala sayo yung tungkulin na maging parte
ng sinasabing tuwid na landas. Ang nangyari kasi e,
Sa sobrang tuwid ng daan e mabilis makalabas at
makapasok yung preso kasi walang liku-liko.
Wag nyo po sanang sisihin yung "Drug syndicate"
sa bilibid na tinuturo nyo pong nasa likod ng
propagandang ito kase, ibang usapin na po yon.
Teka, bakit nga ba may drug syndicate sa bakuran
nyo? Hindi ba trabaho nyong tanggalin sila?
Wag nyo din po sana ikatwiran yung kakulangan ng
tao, o wag nyo din po sana sabihin na madami sila
para bantayan nyo lahat 24/7. Kung ganyan lang din
po e, bakit nyo tinanggap yung pwesto?
Bureau of Corrections po ang pinwestuhan ninyo.
Sana po e hindi iba ang kahulugan nito sa dictionary
o sana manlang nagbabasa kayo nito.
Delicadeza
Diretso ko pong sasabihin na sana e magresign nalang
lahat ng involved at pagdusahan ang kasalanan.
Wag nyo na po sanang kaladkarin sa putikan ang
inyong pangalan. Nahulog na nga po kasi't nadumihan.
If you can't beat them, join them.
Baka po sa susunod e i-legalize na din yan kase
hindi masolusyunan? Baka bukas maging uso na ang
bracelet na posas sa mga kalye.
Baka hindi ko na malaman kung ilan sa mga kasabay
kong kumain sa foodcourt e preso.
Mag-ingat po sana kayong mga dentista kase baka
presong masakit ang ngipin ang pasyente nyo.
Nabasa ko sa balita na nagresign ang isang opisyal
ng nasirang Nuclear Plant sa Japan dahil sa tsunami.
Tanda ng pag-ako ng responsibilidad at pananagutan.
Binasa ko yung mga comments at hindi na ko nagulat
nung nabasa ko na "sana ganyan din ang mga opisyal
dito sa Pilipinas".
PNOY
Bibilib po ako sa inyo kung personal nyo pong
aaksyunan ang problemang ito. Naaalala ko po kasi
na dati e agad ninyong tinanggal si Mr.Prisco Nilo
bilang head ng PAG-ASA dahil sa sinasabing maling
weather forecast nung bumagyo. Masasabi nyo po
kayang binayaran sya ng bagyo para sa maling
weather forecast at sisihin ang kakulangan ng
equipment? Hindi po ba parang nasa parehong lagay
itong si Diokno na dapat imbestigahan at matanggal
din kung mapatunayanng may pananagutan?
Ano nga po kaya? Tino nga po ba ang dapat titihin?
Tuesday, May 24, 2011
Gunaw 101
paghuhukom, second coming o kung anu pa man gusto nyong itawag.
Kelan lang e naging laman ng balita itong si Harold Camping,
isang evangelical christian broadcaster mula Amerika, dahil sa
kanyang prediksyon na magugunaw daw ang mundo nung May 21.
Maraming tumaas ang kilay, natawa, nawindang pero mas marami
atang walang pakelam sa pahayag nyang ito. Sa panahon ngayon
na madaling kumalat ang impormasyon, madaling magpahayag ng
saloobin tungkol dito. Karamihan ay naniniwalang may katapusan
ang mundo PERO walang makapagsasabi kung kelan.
Para sa mga kristyano, tanging ang Diyos Ama lamang ang
nakakaalam kung kelan nya gugunawin ang mundo. Madami pang
nag-post sa Facebook ng mga Bible verses tungkol dito.
Hindi ko na kelangan i-quote. Makikidagdag pa ko sa kanila.
Para sa mga siyentipiko, bilyong taon pa bago masira ang mundo.
Maaaring dahil sa asteroids, pagsabog ng araw, paglindol at
tsunami, ice age, global warming at kung anu ano pa.
Para saken, ayoko munang isipin na magugunaw na ang mundo.
Malay mo magkaron ng alien invasion. O kaya masira mundo as
pagdating ng mga transformers o kaya dahil sa mga kalaban
ni Thor. Hindi pa ata pinapanganak ang tunay na Ben10.
Wag kang makelam. Blog ko to. Lahat pwede ko isulat.
May 21. Kung magugunaw nga ang mundo e gumising ako agad
sinulit ko na ang paglalaro ng Heroes of Newerth!
Nakanuod pa ko ng Pilipinas Got Talent pero walang gunaw.
Natulog.
May 22. Buhay pa ko. Waw. Showing na nga pala ang Pirates
of the Caribbean: On Stranger Tides. Swerte at nakanuod pa!
Nakalinya pa nga pala ang Kung Fu Panda 2 sa listahan ng
gusto kong panuorin sa sinehan. Nakapanlulumo kung iisipin
na magugunaw na ang mundo at hindi ko to mapapanuod.
Kung sakali mang nagunaw ang mundo e magrerequest nalang
ako siguro na lahat ng deds e may libreng film showing.
Kahit hanggang X-men: First Class lang po sana.
May 24. Nabasa ko na naman sa yahoo news ang pangalan ni
Harold Camping. Nung una e naisip ko na baka public apology
ang mababasa ko. Sakit sa ulo. Na-re-sched lang ata ang
gunawan session dahil sabi nya ngayon e Oct 21 na daw ang
petsa. Scroll down. Mas masarap basahin yung comments kesa
sa mismong article. Natatawa ko sa mga comments na nabasa ko.
Subukan mong basahin din. ito yung link:
guuunaaaawww!!!
Seryoso.
Dapat ba literal ang pagdedetalye sa "doomsday?"
Para sa isang taong nawalan ng mahal sa buhay, nawalan ng trabaho,
tinambakan ng kamalasan, naholdap, e para nga namang nagunaw
ang mundo nya. Sige try mo, baka sisihin mo pa ang Diyos.
Diyos nga ba ang wawasak sa mundo?
"Dadating ang araw na gugunawin ng Diyos ang mundo.."
where Man = God;
Unti-unti nang ginagawa ng tao na Diyos ang sarili.
ah, kaya pala.. hindi na ko magtataka.
Mamimili na lang pala kung paano sisirain ang mundo.
Ang simpleng pagwasak sa sariling dignidad bilang tao
ang dahilan ng pagkawasak ng sarili mong mundo.
Wag magulo, problema ito. (created July 24,2009)
Ewan ko, wrong timing.. nagbabawas sila ng mga kung anu anong pwede nang itapon..
Nakita ko yung lumang kahon ko.. Madami na palang laman..
Mga ala-alang ayokong kalimutan.. kung anu anong sulat, balat ng chokolate, lumang damit
na regalo ni.. plastik na pinaglagyan ng damit na regalo ni.. mga sulat ng mga friends at
classmates ko nung retreat.. unang tiket ko nung music summit.. madami.. tinignan ko
yung date sa ilang mga sulat.. matagal na din pala.. me nakita kong mga pictures..
malaki na dn ang nagbago.. madaming taon na dn ang lumipas..
Hindi ko talaga malimutan..
Hindi ko matanggap na ganito ako ngayon..
Hindi ko alam kung pwede ko pang ibalik..
Hindi ko alam kung huli na ang lahat
pero..
lagi ko namang sinasabi na may pag-asa pa..
kaya pa naman.. kung gusto laging merong paraan..
Hindi ko lang matanggap..
Hindi ko kayang isipin..
Hindi ko lang napapansin o ayaw ko lang talagang tanggapin..
na..
na..
na...
POTEKS TUMABA TALAGA AKO!!!
Anak ng tinapay naman o!
Yung T-Shirt na regalu nya e dati mejo maluwag saken..
ngayon sakto na lang! Mejo masikip pa nga e!! waaaaaa!!!
Hwaaaaaa!!
---
Date: May 25, 2011 --> Payat na ko ulet :)
Thursday, April 28, 2011
Happy Birthday sa kanila - Memories from Friendster
Kakauwi ko lang galing sa birthday celebration ng classmates ko.. yung mga celebrants ng january.
Humarap ako agad sa computer dahil ayaw kong makalimutan ang isa sa mga mahalagang birthday
celebrations na napuntahan ko..ayokong dahil lang sa ilang oras na pagpikit ng mata at paglipad
ng isip ay kaunti na lang ang ma-recall ko..Wala man akong dalang camera kagabi, gusto kong maisulat
ang ilang larawan, mahalagang larawan ng gabing iyon. sa mga oras na to, napapangiti na lang ako
pag inaalala ko ang mga eksena kanina. gusto ko rin kasi itong ibahagi kay ekah. hindi kasi sya
nakasama dun. maaga kasi silang umuwi ni mayi kaya hindi ko sya napakiusapang sumama..
January 26, sabado, matapos ang klase namin kay sir arlan, nagkayayaan munang mag-dota kila kuya
cris. "wang game" daw muna bago sumabak sa inuman. bago mag-start ang "wang game", nagpaalam muna
ako kay ekah, kasi nga hindi ko na rin sya nakausap ng tungkol sa birthday celebration.. sana nga
kasama ko sya kaya lang napaaga ng uwi nila. nung nakapag-paalam na ako, nag-log out agad ako sa
Yahoo Messenger..andami kasi nilang chatmoso..takte.. saka mag-uumpisa na ang wang game. ayun, talo.
at si kuya cris ang panalo..syempre..lagi naman eh..
"Alam nyo ba ang papunta kila germs?"
"Hindi eh, ikaw alam mo?"
"Si AJ alam yung papunta dun..Kasabay natin sya magpunta dun.."
"Pupunta dito si AJ? Jest sunduin mo.."
Ilang minuto din bago kami nakaalis. Hinintay pa namin sila AJ. Kumain muna kami ng chicharon
at Squid balls. mahirap uminom ng gutom. May lechong manok at apat na imbestigador kaming dala..
mga inuming makapagpapaamin sa mga sikreto mo, makapaghahalungkat ng buhay mo, makapagpapalabas
ng kinain mo, magdudulot ng mga kakatuwang larawan mo na mamaya lang e nasa friendster na..sa
multiply din pala. At higit sa lahat, mga kakatuwang kwentong lasingan pag nagkita kita..
Gabi na nun. habang naglalakad mula sa tapat ng mercury drug, makipagsiksikan sa mga tao, makipag-
patintero sa mga sasakyan, lumanghap ng air pollutants, manood sa gumagawa ng tawiran mula bicutan
market hanggang sm bicutan, at maging sa byahe, hindi maiwasan ang ilang kwentuhan at kumustahan.
kasabay din kasi naming pumunta ang isang dating classmate, medyo hindi ko na maalala yung name
nya. basta naaalala ko na lang. na naging classmate ko sya. hindi ko na sasabihin kung bakit sya
nag-quit sa BSIT, ayokong ma-guidance eh.. basta habang nasa byahe kwentuhan to the max.
Ilang ala-ala nila nung 2nd year kami ang napag-usapan nila. kwento, tawa, kwento, tawa..
..tapos "para po.." sabay katok sa kisame ng jeep. babaan na..
"Tricycle naman..sabihin nyo sa dulo.."
walo nga pala kaming magkakasabay..hating grupo..hindi kaya sa isang tricycle.. kala ko eleksyon
parin sa lugar nila kasi nagsisilbing design sa diretso lang naman
ang daan. hindi paliko liko pero paalon-alon dahil sa mga humps sa daan. sa ilang minutong pagsakay
ay lalong nagulo ang magulo kong buhok, at na-warm up ang sikmura ko sa mala-roller coaster na
byahe. tumigil ang tricycle. narating namin ang dulo..dulong terminal pala yun..kala ko dulo ng
parañaque, o dulo ng mundo.
sandaling natigil ang pagta-type ko sa computer nung kumatok si ermats. nai-lock ko nga pala ang
pinto. galing sya sa palengke, kanina lang habang pauwi ako e nakikipag-chismisan pa sya. sa pagbaba
ko ng hagdan e..watdapak.. nagkalat yung tuta namin..sya yung sumuka para sakin..anak ng tinapakyu
naman..nasermunan pa ko..nakapasok pala yung tuta namin nung pumasok ako ng bahay.
habang tinutuloy ko ang pagta-type e nawiwindang ang utak ko sa sinalumang kantang
nasa radyo..linggo nga pala ngayon.. halos lahat e sinalumang kanta ang mga mapapakinggan sa radyo.
"Ngayon at kailanman..sumpa ko’y iibigin ka ngayon at kailanman.."
anak ng tinapakyu naman..ampanget amf.. tumunog ang cellphone ko.. nagtext si AJ.. kwentong
bumblejeep.. may kapwa lasheng ata silang nakasabay sa byahe.. wala akong pangreply kaya delete
na lang muna..peace AJ.. maya-maya pa, may nagtext ulit..c germs.. nananawagan.. nawawala ang
cellphone ng kuya nya..awts.. hindi ako yon.. at wala naman akong mapaghihinalaan dahil ayaw kong
maghinala sa mga kaibigan ko..sa mga kapatid ko..hindi nila magagawa yun..pero kami lang ang nandun.
nakakahiya sa kanila. kung ikaw ang kumuha, pakibalik naman.. wala akong pang-reply.. ayun, talo.
May nagtext ulit..si belle..ganun din..nananawagan din para kay germs..at wala akong load. talo.
Balik sa kwento, baka makalimutan ko na to mamaya pag nakatulog ako.
Pagbaba namin ng tricycle e dumaan naman kami sa pasikut-sikot na mundo ni germs. liko sa kanan,
liko sa kaliwa, pagdating mo sa kanto, hindi pa dun. sa isa pang kanto.
"diba may videoke dun? pag nakakita tayo ng bahay na may nagkakantahan baka dun na yun.."
liko sa kanan, liko sa kaliwa, ilang bahay din ang nadaanan naming may nagvivideoke. mahilig pala
sa kantahan ang mga tao sa lugar nila. pagdating sa basketball court, teka, wala na sila Jestoni
at AJ..ang bilis nila maglakad.. tatlong daanan ang bumungad samin. hindi namin alam kung saan dadaan.
tinawagan nila ang isa sa mga classmates namin na nauna samin.. Habang naghihintay ng sugo e hindi
maiwasang magmasid sa paligid. May ilang tambay na kala mo nangangagat, may ilang baklang super
fitted ang damit kahit malaki ang tyan, may ilang nagkakantahan.. oldies.. hindi naman "My way"
ang kanta pero parang may gulong mangyayari.
Dumating ang reinforcement..si Elaine.. akala namin e konteng lakad na lang.. ilang liko sa kanan
at kaliwa pa ang bago nakarating. pagdating namin e may tagayan nang umiikot.. may ilang nagyoyosi,
may kumakain, at syempre, may kumakanta. masarap ang pansit na kinain namin..masarap din yung
lechong manok na inihain.. isang kanta lang ang lumipas e naubos na yung manok..
pumasok kami sa loob..nagpahinga ng konte, kumain, tumagay..habang may mga nagpipicture taking.
dumating si papa jeff..kasama nya si twingkle..naalala ko si ekah, sana kasama ko din sya..
maya maya pa, inalok kami ni lester ng lechong manok..meron pa pala.. nagkamali yata ng inalok
si lester..ubos agad ang manok..asang hindi.. nag-umpisa nang umikot ang dala naming imbestigador.
walang sinanto..lahat may tagay.. tapos, may naghalo ng granmatador sa iced tea.. anak ng tinapakyu..
sakit sa bangs..hindi ko alam kung sinong nabiktima nun pero alam kong ang nakaubos nun e yung
malakas tumagay..ng iced tea.
Ilang kamay din ang may hawak na camera..pose dito, pose dun, pero mas magandang trip yata yung
stolen shots. laugh trip pagkatapos. sa kalagitnaan ng picture taking.. napagtripan ng mga classmates
namin sila Jestoni at AJ..ahehe.. parang loveteam na may press conference.. andaming camera ang
nakatapat sa kanila..at sa mga oras na ‘to, nasa friendster na yan..mas astig kung ma-dyaryo pa.
Kakanta sana ako ng "wish you were here" kaya lang anak ng tinapakyu naman! bakit iba yung lyrics!
Hindi kasi nakasualt dun kung sino yung artist eh! buti na lang andaming kanta ng parokya dun..
Ilang kantahan, tagayan at kwentuhan ang lumipas. umepekto na ang imbestigador.. ilang kwento ang
napag-usapan..ilang loveteam ang pilit binubuo, at ilang
"i love you jeff.."
ang nag-echo sa tenga ng lahat.. hehe.. tawa na lang.. tagay na lang.. kanta na lang..
tapos nag-uwian na yung iba..madami pala sila. tuloy ang kwentuhan, kantahan, at tagayan hanggang
lumalim ang gabi. Pinatay na yung videoke machine..nakabubulabog na kasi kami. kwentuhan na lang
ulit.. tapos tagayan. kwentong Jestdrina loveteam ang umere.. tumalab na ang imbestigador.. may
mga tama na. ilang eksena din ang nasaksihan ko. hindi ko na ikukwento. basta naalala ko lang ang
nakaraan ko sa kasalukuyang nararamdaman ni Jest. Ilang oras ang lumipas. ilang kwento, ilang
tuksuhan, tawanan, tagay ang umiikot sa paligid. umiikot na rin ang paligid namin.
Nagyayang umuwi si kaloi..
"delikado sa may tulay sa may SM Bicutan..tambayan yun ng mga holdaper naming kapitbahay.."
nagpasya na lang din syang magpalipas ng gabi doon. tuloy ang kwentuhan hindi parin
maiwasan ang stolen shots..kahit hindi ako lasing e hindi ako nakaligtas sa mapagmasid na camera.
habang papalapit ang umaga, dahan dahang pumipikit ang mata ng iba. may mga nagpasyang matulog.
si aldrin, si AJ, si Jestoni, at si kaloi.. tama..si kaloi.. ang naka-kundisyong may tama..
lasheng..nakabasag ng bote ng granma..tulo laway…ahehe…peace… matibay parin ako. ilang usapan
pa ang umere. usapang 2nd year days, usapang almi, usapang pup, call center, tapos naligaw sa
usapang lovelife..tapos usapang lasheng..asaran, kantyawan.. tapos..loading..nagkakaubusan na ng
jokes..gising mga pare..sayang walang gitara.
inumaga na nga kami. almusal muna. kape, pandesal at pansit. solve. tulog na lang pag-uwi.
gisingan na..tamang kwentuhan habang kumakain.
"hindi ko alam kung pano ko napunta sa higaan sa loob.."
"san na yung twalya ko?"
"alin yung dinuraan mo kagabi? ayun nakasampay.."
"ang ganda ng tulog mo jan kanina oh..tulo laway mo.."
"..parang agimat na papatak tapos dapat saluhin kasi sayang.."
"anu yang nasa pantalon mo? suka? hehe"
"Grabe si ano sakop yung buong sukahan! siningit ko na nga lang yung bibig ko para makasuka.."
*tawanan*
Q: "anong friendster mo?"
A: "7:07 na.."
"Tinatanong ko kung anong friendster mo..email ad.."
"ah, kala ko tinatanong mo kung anong oras eh..eto aq na magsusulat."
uwian na.. nakakahilong maglakad. andaming pasikot-sikot. andami ding matang nakatingin.
ilang kanto din ang lumipas, narating namin yung "dulo".. tapos tricycle na naman ulit..
"Kaloi kaw naman magbayad sa pamasahe ko sa tricycle..may syete pa ko sayo.."
roller coaster ride.. ilang humps din yun.. tapos bumblejeep naman.. kanya kanyang destinasyon.
bumaba kami sa may SM Bicutan. Kasama kong bumaba sila AJ, Reysan at Kaloi. Nakakahilo ang
kaliwa’t kanang paglingon lingon para sa pakikipagpatintero sa kalye. madaming hakbang pa
bago makauwi. sila AJ byaheng Tanyag..si kaloi byaheng C5..
naisip ko bigla yung mga kainuman naming sa laguna pa uuwi. 10:18 na ngayon sa PC ko..
nakauwi na kaya sila?
Habang naglalakad..parang pumipikit ang mga mata ko. inaantok na din. pinilit kong dumilat
para maisulat ko ito.. at makatulog.. sa di kalayuan, natanaw ko si ermats.. nakikipagchismisan..
konteng bati..tapos diretso uwi.. nagtanggal ng sapatos, naghubad ng damit, pantalon, medyas..
tapos akyat sa hagdan..nagbukas ng Pc.. narinig ko yung tuta namin.. pinapasok ko sa loob..
nagtype na ako nito..kumatok si ermats..hotdog lang pala ang binili sa palengke.. nakita nyang
andaming kalat ng tuta namin..anak ng tinapakyu..nakwento ko na pala yun kanina..
Sinalumang kanta parin ang tumutugtog sa radyo namin. Ginugutom na ko pero mas pinili kong tapusin
itong munting kalokohan namin. alam kong hindi lang ako ang gumawa ng blog na ganito..hehe..
Naalala ko ulit si Jestoni..Saludo talaga ako sa kanya. Marami akong naalala, at natutunan.
Andami ko tuloy naiisip na gimik para sa kanya sa valentyms day..ahehe.. haayzz…
Matatawa na lang siguro si deuxe pag naalala nyang kinanta na naman nya ang maalamat na "no touch"..
With actions..bigay na bigay..98 ang score..nga pala, 95 pataas lang ang score dun kahit sablay ka.
"Deuxe Kembot!! Sayaw!!"
sayaw naman si Deuxe..yeah boy..wohohoy!!
Sa pagtatapos ng blog na to, wala lang.. kakain muna ko..gutom na ko e..10:30 na..
tapos tulog..tulog..at tulog..sana makatulog ako ng maayos..
Nga pala..naalala ko na..KC yung pangalan nung classmate namin dati..buti naalala ko..
Luv u ekah..daming chatmoso kahapon..ahehe..
My Blog from Friendster: "Nothing is displaced unless it is Replaced"
Sa science ko ata nabasa yan pero isang text message ang
nambulabog sa selpon ko at ito ang nakasulat. Kala ko yun lang
pero may kadugtong ang message:
“You’ll fall out of love only if you fall for someone else..”
Hindi laging ganun pero sa isang banda, tama sya. Siguro
naranasan nya yun.. o kaya naman.. nabiktima sya nito..
Hindi laging ganun pero kadalasan maraming tao ang nakaranas
nito kaya ang sitwasyong ito ang naglalaro sa utak ko ngaun.
Dalawang klase ng tao ang involved dito: ang nang-iwan at
ang iniwan. Pero meron din sigurong nagsurvive.. Karamihan
dito e yung may asawa’t anak na..
Para sa nang-iwan:
Maliban sa dahilang nagsawa ka na sa boyplen/gelpren mo,
isipin mong mabuti sa sarili mo kung yun ba talaga ang
dahilan. Pwede kasing nalipat ang atensyon mo sa iba kaya
ka natalo ng tukso at nang-iwan. Hindi kita masisi dahil
hindi mo pwedeng lokohin ang sarili mo. Isa ka lang din
sa nagpapatibay sa katotohanang walang permanente sa mundo.
Na lahat e nagbabago. Hindi mo ginusto yon pero nagising
ka na lang sa ganyang sitwasyon. Na ang pagsasamang pilit
nyong pinagtibay e ikaw dn mismo ang gigiba.
Para sa iniwan:
Masakit.. Oo masakit talaga. Ganun talaga ang buhay.
Sabi nga e.. naunahan ka lang nya.. malay mu bukas hindi mu
na sya mahal. Pero hindi laging ganun.. Bawat araw e isang
parusa. isang pagluluksa para sa taong tunay na nagmamahal.
Hindi nga lang sa luha mauuwi yon dahil kelangan mu dn tignan
ang pagkukulang mo. Maaaring may pagkukulang ka din kasi o
sadyang malandi lang sya.
Para sa nagsurvive:
Congrats! isa kang alamat. Bihira ang taong ganito pero
saludo ako sa mga katulad mo. Pasok ka sa pinoy rikords.
Nakapasa ka isang pagsubok. Hindi ko nga lang papangarapin
na maging katulad mo kasi mas ok parin maging loyal.
Para sa dahilan ng break-up:
Mag-isip ka. Kung nagawa nyang iwan ang partner nya para
sa’yo, pwede ka din nyang iwan para sa iba. Hindi mo
masasabi kung anong mangyayari bukas..
My Blog from Friendster: "Sa Ngalan ng Pera"
May mga empleyadong naghahabol sa oras ng tren, mga empleyadong nagmamadali
para hindi maipit sa trapiko tuwing rush hour, mga taong naghahanap ng
trabaho para matustusan ang araw-araw na pangangailangan at bisyo,
iba’t- ibang uri ng mga estudyanteng nangangarap o nagbubulakbol.
May mga mukhang ilang beses ko na rin sigurong nakasalubong dahil halos
araw araw, kami kami rin naman ang mga taong nagdaraan. May mga vendors
na kanya-kanyang pwesto para magtinda ng kung anu anong paninda.
Mas nakaka-agaw ng atensyon ang mga batang namamalimos at nagtitinda,
mga batang nakikipag-agawan o ninakawan ng pagkakataong maging abugado,
accountant, manager, guro, engineer at maagang namulat sa katotohanang
hindi lahat ng tao ay binigyan ng pantay na pagkakataon sa buhay.
Mga batang sa murang edad ay nakikipaglaro sa kapalaran at ang lansangan
ang kanilang palaruan. Ang kanilang premyo, pansamantalang kalayaan
mula sa gutom. Dahil bawat lipunan ay alipin ng munting piraso ng papel
at bilog na metal na tinatawag nating pera.
Panatilihin mong bukas ang iyong mga mata. Hindi mo alam kung ano ang
maaari mong makita..
Tanghali..habang dumadaan ako sa bicutan papuntang PUP, karaniwan na sa
aking mga mata ang madaming tao sa paligid. Mga taong pilit iniaangat
ang paa sa malagkit na putik ng kahirapan. Mga taong salitang humihithit
sa hindi maubos na sigarilyong ang tatak ay pertron, shell at caltex.
Sa gitna ng madaming tao, napuna ko ang isang binata sa aking harapan,
pabilis ng pabilis kasi ang lakad nya..maya maya pa, kitang kita ko kung
paano nya hablutin ang kwintas ng isang babae at kumaripas ng takbo..
yun ang unang beses kong makakita ng nahablutan kahit halos araw araw
masasaksihan ang ganung eksena. Isang lumalaban ng patas, at isang
mandaraya sa laro ng buhay.. dalawang mukha ng perang nagpapaikot sa
buhay ng tao..Dahil bawat lipunan ay alipin ng munting piraso ng
papel at bilog na metal na tinatawag nating pera.
“Patayin mo na yan tataas na naman ang bill ng kuryente natin”
Anak ng..Badtrip talaga..hmm… naisip ko lang kasi..
bakit kelangan lahat tipirin para sa pera? yun bang sobrang tipid.
yun bang..kelangan bang pag may project lang gagamitin itong computer
namin? kelan lang e natanggap namin yung bill namin sa kuryente
..halos P600 ang bayarin. Syempre natuwa si ermats.
medyo malaki nga ang ibinaba ng bayarin namin. dati kasi
e halos sanlibo ang bill namin lagi. Nagtanong na din
ako sa mga kakilala ko. mas mataas ang bill nila kumpara
samin. may mas mataas ng doble, triple, at meron din
namang halos kasing baba lang ng sa amin. kung susuriin
nga naman ang bill natin sa kuryente e mababa lang ang
presyo ng nakonsumo natin kesa sa babayaran. kung anu
ano kasing mga charges ang mga nakasulat dun. naisip
ko nga minsan, nagbabayad din kaya ng bill ng kuryente
yung mga opisinang tumatanggap ng bayad sa kuryente?
e diba sa kanila din naman napupunta yun? sinisingil
din ba satin yung pang-kape ng mga gwardya nila?
yung pambayad sa internet connection ng mga computer
nila? yung pangmeryenda ng mga alagang hayop ng mga
officials nila?
Maiba naman ako..nag-umpisa na namang gumana ang utak
ko..usapang tipiran, usapang pera, usapang presyo,
mahal at murang mga bagay. ikaw, magkano ka?
Wala na ngang libre sa panahon ngayon.. ay hindi pala,
kasi libre pa naman ang mangarap. maliban na lang
kung pati ang pangangarap e lalagyan din nila ng tax
para madagdagan ang mga pambayad sa utang ng bansa.
kung bakit nagkakautang e hindi ko na alam. hindi ko
lang isusulat ang iba kong naiisip, mahirap na, baka
makalipas ang ilang araw e makasuhan ako. wala pa naman
kaming madaming pera. ang gusto ko lang naman e mailabas
itong mga pananaw ko.
hindi pa man tayo ipinapanganak e madami na tayong
gastos. perang pinambili ng sumablay na condom ng
erpats mo kaya ka nabuo, gastos sa mga vitamins,
supplements, check ups, pambili ng mga prutas na
pinapabili ng ermats mo nung naglilihi pa sya. nung
mga panahong naghahanap sya ng atis na seedless.
seedless na mangga, singkamas, at kung anu ano pang
pagkaen.
Tip: Panatilihing may fruit salad sa Ref..
ang tao ay ipinanganak na magastos. Ilan sa atin ay
ipinanganak sa ospital. sagana sa gamot, vitamins,
bakuna, diaper at kung anu ano pang gastusin para lang
maging malusog. pero, kung lumaki kang panget, ok lang
yan, gastusan mo na lang yang mukha mo pagtanda mo.
Bata pa lang tayo e tax payers na din pala tayo. sabi
ng prof namin sa political science, yung matandang may
pornographic memory daw, e nagbabayad na tayo ng tax
sa tuwing bumibili tayo ng kahit ano sa tindahan.
Pero bakit nga ba kelangan ipasa sa mga tao ang mga
gastusin na dapat e hindi tayo ang nagbabayad?
Hindi ko din alam pero tumanda na akong ganito..
at mamamatay din sigurong ganito..
Pulitiko na yata ang pinakasinungaling na tao sa
Pilipinas. Bata pa lang ako ayaw ko na sa kanila.
Laging laman ng balita. Sabi nga nila, walang natatalo
sa eleksyon, nadadaya meron. Kung iisipin, masasabi
mong tunay at tapat ang pulitiko ng pilipinas kasi:
Dito lang sa ating may nandadaya at nagpapatayan para
lang makapaglingkod sa bayan.. wow.. astig…
Pero ganun ba talaga? Sa ngalan ng pera handa kang
pumatay, magpapatay, manira ng buhay ng iba, maging
makapangyarihan, at tingalain ng ibang tao. OO..
Pera lang at kapangyarihan ang habol ng karamihan
sa pulitika.. Hindi mo ako masisisi kung ganito ang
pananaw ko tungkol sa pera at ang mundo.. Sa araw
umiikot ang mundo. Pero masasabi kong sa pera umiikot
ang buhay ng tao.
Makapangyarihan ang pera. Depende sa tao kung paano
nya gagamitin ito. Ikaw.. Magkano ka ba?
Thursday, February 3, 2011
Buhay PUPT Part 3 - Last Part :)
July 29, 2008 9:40AM
Magtatanghali na pero inaantok parin ako..
hindi manlang ako nagising ng paglalakad ko
mula sa bahay namin hanggang sa sakayan sa
bicutan..
hindi manlang ako nagising ng nakamamatay
na amoy ng palengke.. may sipon parin naman
ako pero hindi talaga uubra sa amoy ng
bicutan.
sabi nga ni deuxe, kahit makatulog sya sa
byahe e alam na nya kung malapit na syang
bumaba.. pag naamoy na nya ang bicutan..
buti na lang e hindi ako nadudukutan..
pero pag nadukutan e malas talaga..malas
yung mandurukot. Mukha kasing mas maganda
pa ang celfone ng mga mandurukot sa bicutan
kesa sa nasa maluwag kong bulsa.
Sa antok ko e hindi ko na namalayan na
maling daan na pala ang dinaanan ko kanina.
sa paglalakad e mapupunta ka sa dalawang
magkaibang daan:papuntang PUP at
papuntang SM City Bicutan. Ang sakayan ng
mga bus e nandun malapit sa SMB samantalang
ang daanan ko e yung papuntang PUP..
Nakasanayan ko na ang daan papuntang PUP..
Limang taon din akong naglalakad mula sa
bahay namin papunta dun.. Kahit tulog
siguro e makakarating ako ng PUP..
Salamat sa pink na footbridge ng MMDA,
hindi ako nasagasaan.. Kahit tulog e pwede
kang maglakad dun basta meron kang ‘rollers’
sa left at right arms mo na parang tamiya.
Habang naglalakad e madami akong mga
nakakasabay na mga estudyante. Elementary,
High school, College.. Iba’t ibang itsura,
uniporme, hairstyle, at eskwelahan..
May maganda at gwapo.. karamihan hipon..
Hindi ko maiwasang maalala ang PUPT..
Dati kasi e isa lang ako sa mga estudyanteng
nagmamadaling maka-graduate.
Isa lang ako sa kanilang nagsasawa na sa
assignments, projects, quizzes, reviews,
midterms, finals, mukha ng mga Professors
na halos araw araw mong nakikita sa ground
floor, 2nd floor hanggang 4th floor ng PUPT.
Ilang buwan matapos na makasama ako sa
listahan ng mga alumni ng PUPT e nag-iba na
ang buhay ko..pati buhay ng mga kapwa ko
fresh grad..
Kasabay ng pagtanggal ng uniporme ang
katotohanang balang araw ay hihingi ka
na din ng dagdag na sahod. Isa sa mga
katotohanang dati ay sa TV lang natin
nakikita.
Kasabay ng pagtanggal ng student ID ang
katotohanang wala ka ng discount sa mga
pampasaherong sasakyan. Na-miss ko talaga
ang pagsasabi ng "Bayad po, studyante lang"
habang iniaabot ang aking pamasahe.
Kasabay ng announcement sa radyo ang
paalalang may pasok ka ngayon.. hindi ka
na estudyanteng apektado ng minsan ay
maling announcement ng PAG-ASA kung may
pasok o wala, kung may bagyo o wala.
Namimiss ko ang old joke na "walang pasok!
BASA ang PANTY ng TITSER MO!"
Bawat araw lumilipas, bawat araw
papalapit ang graduation..
Kung makapagtatapos ka o hindi,
ikaw lang ang makapagsasabi.
Pero alam kong hindi lang ako ang
makaka-ramdam nito, dalawang bagay na
binubulong sa magkabilang tenga mo:
1. Gusto ko nang maka-graduate agad..
..kase nakakatamad na mag-aral
2. Ayaw ko pa maka-graduate..
..mamimiss ko sila*
1 or 2? mamili ka.. pero kahit anong piliin
mo e nanjan ang katotohanang kelangan
nyong umalis. kelangan nyong maghiwalay
ng landas..
=====
Maliit lang ang mundo, yan ang sabi nila.
Hindi mo alam kung ilang beses mo ‘ko
makakasalubong sa daan, hindi mo alam
kung ilang beses kang magpapalibre ng
pamasahe saken sa tuwing makakasabay kita
sa byahe.
Gumana na naman ang malikot kong utak..
Narito ang ilang mga sitwasyon maaari mong
kalagyan pag pinaglaruan ka ng tadhana:
1 -
Ang sarap ng kinain mong street food sa
daan pagbaba mo ng bus sa kahabaan ng
EDSA. Ilang minuto lang, nagmamadali ka
na. Napatingin ka sa relo, male-late
ka na. Pero sa lupit ng pagkakataon,
sumakit ang tyan mo dahil sa kinain mo.
Kinailangan mong magbanyo, pumasok ka sa
isang mall, naghanap ng pinakamalapit
na restroom.. madaming tao, lipat ka
ngayon sa susunod na restroom.. Halos
madapa ka na habang nag-uuntugan ang mga
tuhod mo. Sa kabilang direksyon, may
isa ring katulad mong pinarusahan ng
tyan dahil sa pagkaen ng streetfood..
Nagmamadali kayo, sabay ang galaw,
patas ang bilis.. Magsasabay kayo ng
taong ito sa pintuan. Hindi nyo magagawang
paunahin ang isa’t isa dahil pareho kayo
ng kalagayan.. Saka mo lang mapapansin
na dati mo syang classmate.. shet!
ang classmate na pinagkakautangan mo
ng pinambayad mo para maka-graduate!
Nampoteks! Buti na lang swelduhan kahapon!
Salamat sa tae.. Nagkita kayo..
Magkwentuhan na lang kayo habang nakaupo..
dingding lang ang pagitan! wahahaha!!!
2 -
Rush hour. Nagmamadali ang lahat..
Tatawid ka bigla.. hindi mo namalayan ang
isang mabilis na kotse.. Wapak!!!
Nabundol ka! Galit na galit ka at
mapapamura.. SHET!!
Wala kang magagawa. Nangyari na. Bubukas
ang pinto ng kotse.. Saka mo malalamang
classmate mo ang nakabangga sa’yo..
Bonding kayo sa ospital.. tsk tsk tsk..
magastos na pagtatagpo..
=====
Patuloy ang paglalakad..
May nahuhuli, may nauuna..
Iba’t ibang kausap, iba’t ibang kasama,
pero iisang section. isang grupo.
Isang exit.. ang gate ng PUPT.
Patuloy ang paglalakad..
May nahuhuli may nauuna..
Pwede bang magpaiwan? - Bahala ka.
Pwede bang huminto? - hindi.
Pwede bang bagalan? - hindi.
Pwede bang bumalik? - Hindi.
Pwede bang lumingon? - OO..
Masarap lumingon. Malalaman mo kung
gaano na kalayo ang narating mo.
Maglakad ka patalikod, Hindi ka babangga.
May kasama kang handang alalayan ka.
May mga kasama kang makakapitan kung
matutumba ka.
Masasandalan pag napagod.
Malapit ka nang lumabas.. ilang hakbang na
lang.. Mas lalong hihigpit ang kapit mo
sa mga kasama..ayaw mo nang bumitaw..
gusto mong bumalik.. sana panaginip lang.
Sana 1st year ka ulit.
Kasado na ang lahat.. diploma na lang
ang hinihintay.
Pero teka, san ba tayo pupunta?
Hindi ko alam.. Wala akong idea..
Sinong makakasabay ko? sinong mauuna?
Sinong mahuhuli? Ewan ko..
Pwede bang dito muna tayo? - Hindi.
Sandali lang.. Kahit isang minuto..
Tignan mo, kahapon lang nandun tayo..
Kahapon lang madami pa tayo..
ngayon, ayo na lang ang magkakasama.
Kelan kita ulit makikita?
Hindi ko alam.. Bahala na..
txt txt na lang.. pag sweldo mo,
"Pa-cheese burger ka naman..Burger! Burger!"
Buhay PUPT Part 2
Buhay PUPT Part 2
Kung taga PUPT ka, wala kang matinong schedule… Magkakaroon ka ng sched kung
saan ang una mong subject ay sa umaga at ang sunod mong klase ay 6pm.. Ok lang
kung malapit ang bahay mo sa PUPT..Pero kung malayo naman, lalo na at 1st year
ka pa lang, hindi pa close sa classmates, walang kakilala, bago sa maynila,
walang social life* o ngtitipid ng pamasahe, MABULOK KA SA PUPT!!! ahehe..
marami kang naman pagpipiliang gawin sa loob ng campus:
1. Kung lalake ka at medyo mahilig sa basketbol, ito ang sa’yo…
Manood ng mga balat kalabaw at basketbol takaw na mga solar boys, ang mga
siga ng hard court..mga players na kung maglaro e kala mo walang pang-gatas,
buhay ang nakapusta o sunugan ng bahay ang laban..Takte yan, pagkatapos ng
laban abutan na ng pusta..mapapamura ka nalang pag ice tubig lang ang pusta
nila..Masasabi mo sa sarili mo:
"Kelangan bang mapagod muna para makainom ng ice tubig?"
Pag lagi kang nanood sa kanila, hindi magtatagal solar boy ka na din..
Sa wakas may mga ka-close ka na..
2. Kung ikaw naman yung tipong mahilig magbasa, at gusto sa tahimik na lugar,
magpunta ka ng library, makakakita ka ng mga katulad mo dun..
mga nagkokopyahan..ahehe..tama ba? maraming libro dun..masyadong madami
pagpipilian kaya mamili ka na lang…kung magbabasa ka o matutulog..ahehe..
3. Kung ikaw yung tamad, ayaw magbasa, o mapawisan sa basketbol, tumambay ka na
lang sa kiosk, dito masarap tumambay pagkatapos magtanghalian, bakit
tanghalian? sabi kasi sa chronicler, ang newspaper ng PUPT, pag tanghali ka
lang makakatambay ng maayos sa kiosk kasi nasa itaas ang araw..gudlak balat mo
pag tumambay ka dun pag 9am-11am o 2pm hanggang hapon..
bored ka na, tutong ka pa!! ahehe…
May suggestion naman ako, tambay ka na lang sa 3rd floor or 4th floor..dun
sa side kung saan nakaharap sa camp bagong diwa…mahangin dun eh…
mukha ka nga lang tanga…
Kung ikaw naman yung 1st year na may mga kaibigan na, o medyo nagpapakilala pa
lang din kasi friendly ka…basahin mo to..kung higher year ka naman, malamang
naranasan mo din ‘to..
Magkakayayaan kayo ng mga kasama mo…ito ang naranasan ng iba..siguro ikaw din..
1. Dahil mahilig mag-mall ang grupong sinamahan mo, maririnig mo to:
"Guys gusto nyo bang tumambay sa SMBicutan? Medyo mainit kasi eh"
Kahit mainit, tatambay kayo sa Building C** ng PUPT, ang pinakamalapit na
mall..ilang minuto lang lalakarin at ilang minuto mo lang din malilibot…
Dahil wala ka ding magawa, o bago lang sayo ang SMBicutan, o kasama sa grupo
ang crush mo, o gusto mong magpa-cute sa ibang freshmen na tatambay din dun,
sasama ka at makikitambay..kung mapera ka, madami kang magagawa dun..kung
wala, magtiis ka! magutom ka! mainggit ka! ahehe..
"Guys nakakagutom, kain muna tayo.."
"Mga tol tambay tayo quantum, matatalo nyo ba ‘ko sa dance rev??"
"punta tayo videoke, kakantahin ko ung bago ng cueshe just for u"(oh shet!)
Gudlak sa inyo…pagod k na, pagod pa bulsa mo….
2. Computer addict ka na bago pa man pumasok ng PUPT kaya malamang, yung mga
mahihilig sa computers ang sasamahan mo.. Dahil sa addict ka nga, kahit hindi
na kayo kumain basta uubusin mo ang natitira mong bakanteng oras para maglaro
kasama ang mga kapwa mo adik. Maglalaro kayo ng counter strike, warcraft,
at iba pang LAN games.. KJ ka pag hindi ka sumali..tatamarin ka ring mag-chat
kasi maraming chatmoso..ang mga taong nakiki-usyoso sa chat window ng iba..
tae yan.. Magkakaalaman na kung sino ang magaling at ang magaling mag-ingay..
"Taenang yan ang galing nun amf…"
"Shet napatay ka ring hayup ka!! wooooo!!"
"Tangina nyo hindi ba kaya ng isang kalaban? ulol hindi nyo ko kaya!!"
"ulol wag ka na!! ahehe!! dedz ka!!! multi-player tong game na to boi!!"
"Tara 1 on 1 para magkaalaman na!!! tangina mo pakyu baluga ka ulol!!!"
"Lol bawal pikon dito!!!"
Kung nakakapatay lang ang mura baka wala ng nakauwi sa inyo…
Ganun lang ang ginagawa nyo sa tuwing sasapit ang araw na yon…
ahehe…papasok sa umaga, maglalaro sa bakanteng oras, magmumurahan, at papasok ng
6pm..
* Social life - ang tawag sa buhay ng mga computer adik
** Building C - ang SMBicutan…Building A at B lang ang nasa PUPT pero dahil
madami ring makikitang estudyante ng PUPT sa SMB, tinawag itong
Building C…
Buhay PUPT Part 1 - Nahanap ko tong blog na to ulet
College ka ba? taga-PUPT? ahehe..makakarelate ka kaya sa mababasa mo?
Freshmen ka sa isang astig na course(BSME ng PUPT) tapos ilalaban kau ng
higher year nyo sa speech choir kahit 2hours preparation lang ang meron kau..
Para ma-excuse naman sa klase, at isa ka ring tamad,sasali kau at papayag..
Kasi naniniwala ka din na pag M.E. ka, astig ka..ahehe…
sasabihin ng mga kuya nyo:
"Kami din ganyan dati at kinaya namin kasi astig kami, ME kami eh
dapat kayo din kasi nasa-ME kayu"
at gaganahan naman kau..yeah boy! Papasok sa inaalikabok na Drafting room,
magppraktis habang panay ang cheer at pang-uuto ng mga kuya-kuyahan..
Pagdating ng laban, mamemental block kau, at sa halip na speech choir,
para kaung pipi na puro actions lang habang ilan lang ang nagsasalita.
Makalipas ang ilang minutong pagtanga-tangahan, tatakbo kayo palabas
ng gym at magtatawanan sa canteen..yeah boy..astig ka nga..
parang tae ka naman..ahehe…
CWTS naman..Magtatanim kau ng saging, saging at saging.. parang banana
university..ahehe..hindi ko alam kung bakit kelangan pa nun eh ang mukha na
ngang gubat ung PUPT kase puro puno ng ang makikita mo..mga damo, at masasamang
damo..ahehe..pagdating ng end ng sem, wala namang mabubuhay sa mga saging na
yon kasi tatamaan lang ng bola ng varsity.. ang PUPT Solar boys!! tentenen!!!!
solar boys kasi kahit tanghali nagbabasketbol sila..ung mga panggabi naman na
ayaw maarawan, lunar boys..mga kwagong nangangapa sa dilim..siguro may bading
dun..ahehe..peace tayo!! gudlak na lang kung aabot hanggang bewang
ang mga tanim namin sa gilid ng basketbol court! Hindi ko alam kung anong grade
mabibigay dun..cguro matira matibay..ahehe..
CWTS parin..Pagdadalhin kau ng halaman para itanim sa gilid ng building A..
yung side na nakaharap sa guard house..ahehe..tapos hindi kayo magdadala..
sa araw ng taniman, kakalbuhin nyo ang isang nananahimik na halaman na kasing
tangkad yata ni tangkad(Brabante yun..poteks special mention pa).. kukunin
nyo ang mga sanga nito at itatanim kasi may matalinong nagsabi na tumutubo
yon kahit stem lang ang ibaon sa lupa..makikiuso ka at makikitapyas sa puno
para may itanim..hindi ka "cool" pag wala ka nun..ahehe..Maya-maya pa,
dadating ang prof nyo..magche-check ng tanim.. tapos biglang may magsasalita:
"ASAN NA YUNG HALAMAN KO?! ANDITO LANG YUN KANINA AH!!"
Nagkanakawan na ng tanim na ninakaw lang din naman at hindi naman talaga
nakatanim..nakapatong lang sa lupa..dahil ME ka, magaling ka sa mga
kalokohan..asang hindi..ahehe
CWTS ulet! Papasok ka sa PUP, tatambay kau sa ilalim ng puno sa gilid ng
Building A..Manonood sa ibang course habang nagpupulot ng basura, nagtatanim,
at nagwawalis habang naghihintay ng atendans..tapos magsasabi ang prof na
ang pipirma lang sa atendans ay yung may isang plastik na puno ng basura gaya
ng mga plastik, papel, at mga dahon..dahil ME ka, pupunta kayo sa basurahan sa
hacienda macarubs(ung gubat ng pup) at mamumulot ng plastik bag na puno ng
basura..un bang pinaghirapan ng ibang course na ipunin..tapos may atendans ka na..
ang talino talaga amf..yeah boy!
Chemistry class, 6PM, pagkatapos ng PE namin..pagod ka..tatamarin kang pumasok
agad sa klase ng matandang parang multo, hindi nale-late at bihirang umabsent!
takte yan..dahil tamad at nagkakaisa ang mga taeng napunta lang sa ME kasi puno
na ng studyante ang ibang course, tatambay kau sa zonta park na dindi mo malaman
kung isang maliit na golf course o play ground o lugar ng mga lovers na
nagzozontahan pag madilim..yeah boy!! Tatambay kau dun hanggang sa tamarin ang
prof..tapos may taeng dadating at papasok sa chem lab..takte yan.. nagklase sila
kahit 5 lang yata sila sa loob..magpapa-quiz ang matandang yon tapos bigla
kaming papasok na parang ninja..yeah boy…instant atendans kasi ang katumbas ng
quiz eh..
Chem class ulit..makulimlim.. tatambay ka ng kiosk habang maghihintay sa prof..
uulan ng malakas..tapos matutuwa kau kasi iisipin nyo na hindi makakadating ang
prof nyo..
"Hindi na dadating c mam..basa na panty nun.."
"Hindi na makakapasok un, babahain un.. o kaya liliparin ng hangin"
Pero sa gitna ng malakas na ulan..mapapatingin kas sa gate, papasok ang isang
matandang parang superhero na nanalo sa laban na straight body kung maglakad..
magbubukas ng payong..mapapamura ka kasi parang may power sya na hindi tatablan
ng ulan at hangin yung payong nya..walang ibang sound effects na tulad sa
cartoons kundi hangin lang at kulog..tae yan..at tuloy ang klase..
ayun..badtrip..
May 6pm class ka ba? ahehe..
uuwi kang gutom, tapos minsan sa paglalakad mo muntik ka nang mahagip ng sasakyan
tae kasing sidewalk yan..puro tricycle ang nakapweso..kung medyo tatanga-tanga
ka pa, madudukutan ka pa sa nagsisiksikang mga tao..o mahahablutan..
nawalan ka na, masasabihan ka pang tanga..ahehe..
Tag-ulan..mapapasarap ang tulog mo kasi malamig..tatanghaliin ka ng gising..
magmamadali ka..maglalakad ka sa bicutan na punong puno ng tao pag umaga..
kalaban mo ang antok at mga payong ng mga taong naglalakad din.. dahil male-late
ka na, iiwas ka sa mga nagsisiksikan..dadaan ka sa gilid kung saan dumadaan ang
mga sasakyan..mas mabilis naman kasi pag dun ka dadaan…
tapos biglang…
SPLASH!!!!!! Oh shet!!!
matatalsikan ka ng tubig baha na dulot ng isang mabilis na sasakyan..
mapapamura ka..mababasa ang damit mo na kakasuot mo lang din nung isang araw,
at madudumihan ang pantalon mo na iniingatan mo kasi buong linggo mo itong
isusuot..ahehe..na-late ka na dugyot ka pa!!! tapos dadating ka sa gate ng PUP,
basa ka, habang titigil ang ulan, parang cartoons na sisikat ang araw, lalabas ang
rainbow…ahehe…pagtitinginan ka ng mga classmates mo.. ayun..talo…
basa ng ulan ang suot mo pati sapatos..langya kasing bicutan
yan konteng ulan babaha..oh shet!!!!!
Monday, January 3, 2011
Good Start for 2011
Maagang gising, maagang pasok, maganda ang mood.
Maaga sa office, 7:08 AM.
Maganda mood sa office, smooth hanggang uwian.
Sana tuloy tuloy, sana walang trapik.
4:45 PM - gawa muna status report. :)